Kabanata 19

2.8K 51 6
                                    

Andrea's  Pov

Napapikit ako ng kumalat sa aking dila ang lasa ng Caldereta.  Ng buksan ko ang aking mata ay nag init ang aking magkabilang pisngi ng makitang ang mukha ni Enrique  ang nakatitig sa akin. Nakangiti siya ng malaki habang siyang-siya na nakatingin sa akin.  Umiwas ako ng tingin at bumaling kay manang na nakatingin sa aming dalawa.

"Ang sarap niyo po talagang magluto,  manang.. Salamat po at niluto niyo pa sa akin ng paborito ko.. " nag Iwas ng tingin si manang na parang nahihiya.

"E.. Eh.. Nako Hija.. H.. Hindi ako  ang nagluto niyan.. Yung asawa mo.. " mahinang bulong ni manang ngunit hindi parin nakatakas sa aking pandinig. Nanlaki ang aking mga mata at wala sa sariling bumaling ang aking tingin kay Enrique na ngayon ay parang proud na proud sa kaniyang sarili.

"U.. Uhmm.. Salamat.. Nag abala ka pang lutuan ako.. " nahihiya kong bulong. Ngumiti lang siya at nagulat ako ng halikan niya ang aking sentido.  Pagkatapos nun ay kinuha niya ang iilang hibla ng aking buhok at inipit iyon sa likod ng aking tenga. Nailang ako sa kaniyang ginawa.  lalo na't nandito si manang.  At mukha namang naramdaman ni manang ang pagkailang ko dahil nagpaalam siya para umalis dahil may lulutuin pa daw siya.

"Uhmm.. H.. Hindi ka ba papasok sa opisina? " naiilang kong bulong dahil titig na titig siya sa akin. Hindi ko alam kong anong nangyayari sa kaniya.  Hindi parin naman kami maayos pero kung umasta siya ay para parin kaming mag asawa.  Halos maduling ako sa kakatitig niya sa akin hindi ko tuloy siya matitigan sa mata dahil nangangamba ako na baka makita niya sa mata ko na nahihiya akong makipagtitigan sa kaniya. Nakakapanghina kasi ng kalamnan ang kaniyang titig.  Sobrang lalim na halos tumagos na sa loob ko.

"No.. I want to spend my time with you wife... i can take a leave whenever I want.. " Malambing niyang sabi. Nanahimik nalang ako pagkatapos noon dahil hindi ko naman alam kong anong sasabihin ko.

Nanatili siya sa tabi ko hanggang sa matapos ako sa pagkain hanggang sa mapainom ako ng gamot.

Nakaupo lang ako sa mahabang sofa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko hindi naman kasi ako pinayagan na magtrabaho ni Enrique. Hindi ko alam kong anong gagawin ko dito kasi hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Biglang pumasok aking isip ang tungkol sa bayarin sa ospital. Sino kaya ang nagbayad doon? . Baka si manang.  Napagpasyahan kong tumayo upang tunguhin kung nasaan si manang.

Nagpunta ako sa malawak na garden at maabutan doon si manang. Napangiti ako ng makitang dinidiligan niya ang mga halaman doon na buhay na buhay.

"Manang... " mahina ko kong tawag.  Agad naman siyang lumingon.

"Ay,  hija.. Ikaw pala iyan.. Anong kailangan mo?  Teka lang at tatapusin ko muna to Sandali" matapos niyang diligan ang rosas doon ay naglakad na siya papunta sa akin.

"May itatanong po sana ako.. " malumanay kung sabi.  Ang laki na ng utang na loob ko sa kaniya.  At kung siya man ang nagbayad doon ay mag iipon ako ng pera para mabayaran siya.

" kayo po ba ang nagbayad ng bill ng ospital?..  sobrang laki na po ng naitulong niyo sa akin.. Wag po kayong mag alala.  Maghahanap po ako ng pera para mabayaran kayo.. " nginitian ko ng maluwag si manang. Nakita ko Ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"Naku,  hija.. Gusto kung tumulong sa pagbayad pero sinabi ng asawa mo na siya na raw ang bahala" nagulat ako sa sinabi niya.

"P.. Po?.. P.. Pero akala ko ikaw ang nagbayad... Bakit po siya ang nagbayad.. " wala sa sarili kong tanong.  Nahihiya na nga ako dahil nakikitira  lang ako dito tapos malalaman ko pang siya ang nagbayad ng bill?. 

Para akong nanghina sa aking narinig.  Dun ko lang naisip na kailangan ko na nga siguro talagang lumugar. Nakakahiya na.. Bakit pa nga ba ako nandito kung hindi ko na siya ka ano-ano?.

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon