Kabanata 12

2.8K 61 34
                                    

KINABUKASAN binalatay na naman ng  sakit ang aking ulo. Kailangan ko pang uminom ng pain killer para mabawasan kahit papano ang nararamdaman kong sakit. Matamlay ang aking katawan habang tinutungo ang banyo para maghilamos. Pinahid ko ng puting towel ang basa Kung mukha. Habang nakatitig sa salamin ko maiwasang mapuna ang malaking pagbagsak ng aking katawan pati narin ang pagtindi ng aking pagkaputla.  Napangiti ako ng mapait. Kung noon  natatakot akong mawala sa mundong ito ngayon naman ay parang gusto kong pabilisin ang araw para lang mawa sa mundong ito. Tamdang tanda ko pa ang nangyari kagabi. Bawat detalye ng kaniyang sinabi. At hindi parin ako makapaniwala na ngayon ay hiwalay na kami. Wala ng nag uugnay sa amin.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido mula sa aking mga mata. Hindi ba ako napapagod na umiyak? siguro ganito talaga kapag nagmahal ka ng tagos sa puso. Dahil Kung gaano ka kasaya habang magmamahal ka ganon naman kasakit kapag mahiwalay na ang landas mo sa kanya. Mula sa salamin bumaba ang aking paningin sa aking kamay na nakakuyom Kung saan may  singsing na kumikislap sa sobrang ganda. Mas tumulo ang aking luha habang nakatingin Doon na may mapait na ngiti sa labi. Tandang-tanda ko pa ang panahon na ibinigay niya sa akin ito. Hinawakan ko iyon at hinaplos.

Hindi ko tinanggal ang singsing kahit pa pinipilit niya akong tanggalin ito. Wala akong alam kung saan niya inilagay ang wedding ring namin. Kung itinapon niya na ba iyon o itinago Lang. Sana, Sana itinago niya kahit hindi niya suotin iyon matatanggap ko pa siguro kaysa sa itapon niya katulad ng pagtapon niya sa pinagsamahan namin  ngayon. Dinala ko ang singsing sa aking labi at hinalikan iyon.

Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas sa cr. Kailangan ko munang magluto bago pumunta ng ospital. Lumabas ako ng maliit na kwarto at Gaya ng nakasanayan agad sa kusina ang punta ko. Napagpasyahan Kung magluto ng paborito niya. Maglinis ako matapos kung magluto ng matapos na ako sa lahat ng gawin ay umupo ako sa mahabang sofa at natulala nalang sa isang tabi. Naaalala ko na naman ang nangyari kagabi ang desisyon niyang ilawalang bisa ang kasal namin. Nangilid ang aking mga luha at bumaba ang aking paningin sa singsing na hinahaplos-haplos ko kaya nakita ko kung paano tumulo ang aking mga luha ng sunod-sunod.

Mas napatungo ako at dinala sa aking bibig ang singsing hinalikan ko iyon at pahagulhol ng iyak. Kahit anong mangyari hinding-hindi ko tanggalin ito. Ito nalang ang tanging bagay na nag-uugnay sa aming dalawa at ito Lang ang nagpapatunay na may dumating na isang Enrique Salazar sa aking buhay.

"Oh....pity..." Napaangat ang aking tingin ng may magsalita sa aking harapan. Nakita ko si Katrina na nakangiti ng sarkastiko sa akin. Halos lumuwa na ang dibdib niya dahil sa ikli ng damit na suot niya. Hindi ba mahigpit si Enrique sa kaniya? Sa pagkakaalala ko seloso siya. Ayaw na ayaw niya nga akong nakikitang nakadamit ng off-shoulder noon.

Oo nga pala baka kinakahiya niya ako kaya ayaw niya akong pasuotin ng mga ganoong damit. Ibinaling ko ulit ang aking paningin sa aking singsing at hindi pinansin ang presensya niya. Hindi na ako nagtaka kung bakit siya naparito. Alam Kung alam na niya ang tungkol sa annulment.

"Kawawa ka naman. Kung ako kasi sayo aalis na agad ako. Hindi na ako magpapaka-desperada kung alam ko naman na hindi ako ang mahal ng asawa ko...Ayan kasi eh, ayaw kasing matalo ni Enrique sa laro ng mga kaibigan niya kaya inasawa ka niya kahit napipilitan lang siya...nangarap ka kasi na mahalin ka ng asawa mo..oh I mean ex husband" bigla siyang tumawag ng nang-uuyam.

"ayoko ng gulo Katrina, pagod ako" tumayo ako at akmang naglalakad na ng bigla niya akong hinablot ng marahas. Napapikit ako ng maramdaman ang pagbaon ng mga kuko niya sa braso ko.

"Don't you dare to turn your back at me when I'm talking" galit na usal nito at marahas akong inalog. Pilit akong kumakawala sa kaniya pero mas malakas siya sakin dahil nanghihina parin ako dahil sa pag ataki ng sakit ko kanina.

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon