Kabanata 11

2.7K 51 16
                                    

Humahaplos ang liwanag ng araw sa aking balat habang dinidiligan ko ang mga bulaklak.  Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang tinitignan ang mga bulaklak na buhay-na buhay at may ibat-ibang kulay.

Kinakausap ko pa ang mga bulaklak na para bang sasagot sa akin ang mga iyon. Pinagpatuloy ko ang pagdidilig ng mga bulaklak ng maramdaman ko na parang may nakatitig sa akin. Ipinalibot ko ang aking paningin sa malawak na garden ng mansion hanggang sa dumako ang aking paningin sa may pintuan.

Napaawang ang aking labi at namula ng makita ang  aking asawa na malalim na nakatitig sa akin. Malamlam ang kaniyang mga tingin na para bang sumusuyo ng sanggol. Sa di malamang kadahilanan ay biglang nag init ang aking magkabilang pisngi.

Nakita kung napakurap siya ng mahuli ko siyang nakatingin sa akin at bigla siyang umiwas ng tingin at tumikhim na parang walang nakita. Akma siya tatalikod pero nagulat ako ng bigla siya uli'ng humarap kaya nginitian ko siya ng matamis. Bigla ulit siyang umiwas at tumalikod para umalis.

Nakatitig Lang ako sa kaniyang likuran habang naglalakad siya paalis. Napuno ng saya ang aking dibdib ng maisip ko na kanina niya pa ako tinititigan. Para akong bumalik sa mga panahon na nililigawan niya pa ako dahil nakakaramdam ako ng kilig. Napangiti ako at tinapos ang aking ginagawa pagkatapos non naghugas ako ng kamay at pumasok sa mansion.

Naabutan ko doon si Lenard, ang sekretarya niya. Napabaling ang paningin nila sakin. Umiwas si Enrique ng tingin at muling ibinaling ang tingin sa papeles na hawak niya si Lenard naman ay bahagyang ngumit at yumukod sa akin na sinagot ko Lang din ng maliit na ngiti.

"Ito Lang ba ang pepermahan ko?" Malamig na tanong ni Enrique sa kaniyang sekretarya. Tumango si Lenard bago sumagot.

"Yes sir, iyan Lang po ang  pepermahan niyo"sagot nito. Tumango ang aking asawa habang ang  mga mata ay nanatiling nakatuon sa papeles na kaniyang hawak.

"And anyway, sir. I will remind you about your meeting this afternoon to Mr. Ignacio-"

"Cancel all my appointments this afternoon" putol ni Enrique sa sasabihin sana Lenard. Nanatili lang akong nakatitig sa kanila habang tahimik na nakikinig.

"But sir this meeting is impor-"

"No more buts. When I say cancel. You will cancel it" matigas na putol ulit ni Enrique sa sasabihin ni Lenard. Napipilitan na tumango si Lenard.

"Okay sir" tanging nasabi nito. Biglang bumaling ng tingin si Enrique sa akin Kaya napaigtad ako at sa Hindi malamang kadahilanan biglang namula ang aking magkabilang pisngi. Nakita kung napatitig siya sa aking mukha pero Wala naman siyang naging reaksyon.

"Kaumain ka na" nagulat ako sa sinabi niya at napakurap biglang bumilis ang pintig ng aking puso at nangilid ang aking luha sa saya na aking nadarama. Nag aalala na siya sakin?. Hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o nag uutos kaya hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.

Napatitig siya sa akin at biglang umigting ang kaniyang panga na parang narealize niya ang kaniyang sinabi.

"Damn...never mind" tumalikod siya at umalis. Nanatili akong nakatayo at halos Hindi pa pumapasok sa isipan ko ang nangyari kanina. Tinanong niya ako Kung kumain na ba ako. Ibig bang sabihin ay nag aalala na siya sakin?. Nangilid ang aking luha dahil sa saya.

"Uhm..aalis narin ako maam Andrea" bumalik ako sa huwisyo ng nakarinig ako ng tikhim sa aking gilid. Binalingan ko iyon at napangiti ng makita si Lenard. Nginitian ko siya at tinanguan bilang sagot.

Agad naman siyang tumalima at umalis. Naglakad ako patungong kusina at naabutan ko Doon ang aking asawa na nakatalikod habang umiinom. Napangiti ako at bahagyang lumapit sa kaniya. Napansin niya yatang may tao sa likod niya dahil tumigil siya sa pag inom at pumihit paharap para kumpirmahin iyon. Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang pag igting ng kaniyang panga.

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon