Kabanata 20

6.1K 127 155
                                    

Nagising ako ng maramdaman ang mabigat na brasong mahigpit na nakapulupot sa aking bewang. Ng iminulat ko ang aking mga mata ay sumalubong sa aking paningin ang malaking chandelier na kumikintab.

Nagtataka kung ipinalibot ang paningin sa napakalaking silid ngunit natigil iyon sa malaking litrato na nasa aking harapan.  Ang litrato ni Enrique kasama ako.

Naramdaman ko ang mainit na hininga na tumatama sa aking leeg at doon ko lang nakumpirma na nasa silid ako kung saan kami nagsimula bilang mag asawa noon.

Binalingan ko ng tingin ang taong nakasubsob sa aking leeg habang mahigpit akong yakap na tila natatakot itong bitawan ako.

Doon ko lang naalala ang nangyari kanina.  Tinignan ko ang orasan na nakapatong sa vanity table at nakitang five pm na pala ng hapon. Muling nabaling ang paningin ko kay Enrique  at napatitig sa gwapo nitong mukha.

Napaka amo ng mukha niya na tila isang anghel na bumaba sa langit. Hinaplos ko ang makapal niyang kilay na may perpektong pagkahugis.  Bumaba ang paningin ko sa mahaba  niyang pilik mata pababa sa matangos niyang ilong hanggang sa malambot na mamula mula niyang mga labi.

Medyo naka awang pa ito at naririnig ko ng mahihina niyang paghilik. Naraanan pa ng mga daliri ko ang katutubo niya palang na bigote na talaga namang bumagay sa kaniya.  Mas nagmumukha siyang matured dahil doon.

Muli kong hinaplos ang kaniyang panga na palaging tumitiim kapag galit siya.  Nagpakawala ako ng mabigat na paghinga  at ibinaba ang aking kamay mula sa pagkakahawak sa kaniya.

Bumaba ang aking paningin mula sa aking bewang kung saan nakapulupot ang kaniyang braso sakop niya ang buong bewang ko kaya mahihirapan akong tanggalin iyon.

Dahan dahan ang ginawa kong pagbuklas sa kaniyang mga braso ngunit umungol lamang ito na tila ayaw bumitaw sa akin. Napabuntong hininga ako at tumigil muna naghintay ako kung kailan iyon bahagyang luluwag pero matatagalan yata iyon dahil kahit tulog siya ay mukhang malakas padin siya.

Pinilit ko iyong buksan at nagtagumpay naman ako. Dahan dahan akong umalis sa kama upang hindi siya magising at nagtagumpay naman ako. Pumasok ako sa malaking  comfort room at ipinalibot ang paningin roon. Hindi parin nagbago ang desenyo nun katulad parin ng dati at walang nagbago.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at mapait na napangiti.  Ano bang nangyayari sa akin?  Diba dapat ay maging masaya ako kasi mararamdaman ko na ulit ang pagmamahal ni Enrique?  Pero bakit hindi ko magawang  ngumiti man lang o di kaya ay maging masaya sa mga ipinapakita niya?  Bakit mas nasasaktan lang ako?.

Nagpakawala ako ng buntong hiniga at binuksan ang gripo. Naghilamos lang ako at nagmumog bago lumabas ulit. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang nagmamadaling si Enrique tila may hinahabol ito kasi patingin tingin siya sa pintuan.

" ayos ka lang?.. " hindi ko mapigilang itanong iyon.   Mabilis siyang bumaling ng tingin sa akin at ganon nalang ang pagkagulat ko ng tumakbo siya palapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

"I thought you left me.. Nanaginip ako kanina misis.. Umalis ka raw,  hindi ka na raw babalik.  Takot na takot ako misis.. Takot na takot ako.. Please tell me that you won't leave me.. Please? " natatakot niyang sabi naramdaman ko pa ang panginginig ng kaniyang katawan. 

Natigilan naman ako sa aking narinig at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam ang aking sasabihin. Mas lalong humigpit ang kaniyang pagkakayapos sa akin dahil wala siyang narinig na kahit ano mula sa akin.

Pero ang nasisiguro ko lang ay mangyayari ang nasa panaginip niya.  Kung ano man iyon. Sigurado akong dadating ang panahon na aalis na talaga ako dito.  Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako nararapat rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon