Kabanata 6

2.4K 45 1
                                    

Andrea's Pov

Miss_Heartlessgirl

_____________________

NAGISING ako ng pakiramdam ko ay masusuka ako. Napatakip ako sa aking bibig at Dali daling pumunta sa maliit na banyo. Sumuka ako ng sumuka kahit Wala namang lumalabas dahil wala naman akong kain kagabi kaya walang laman ang aking tiyan.

Nanghihinang napasandal ako sa dingding ng banyo habang hinahabol ang sariling paghinga. Ng medyo maayos na ako ay pinilit ko ang sarili kong tumayo at lumabas sa aking silid.

Tinahak ko ang hagdanan paakyat para sumilip sa asawa ko kong nandoon pa ba siya o umalis na.

Pero para akong natulos sa aking kinatatayuan. Kitang Kita ko kung paano sila maghalikan na tila uhaw na uhaw sa isat Isa.

Napatakip ako sa aking bibig at sunod sunod na tumulo ang aking mga luha. Dali Dali akong tumalikod at halos madapa pa ako sa panlalambot ng aking tuhod. Mabuti nalang at napahawak ako sa hawakan ng hagdan.

Ng nasa ikalawang palapag na ako ng hagdan mula sa ibaba ay nanghihinang napaupo ako don at napahagulhol. Niyakap ko Ang aking sarili at Isinubsob ang aking mukha sa aking tuhod at nagpatuloy sa pag iyak.

Iyon nalang Ang alam Kong paraan para mabawasan man lang ang sakit na aking nadarama.

Hindi ko alam kong ilang oras akong umiyak doon. Narinig ko nalang ang mga yabag sa aking likuran. Humawak ako sa hawakan upang tumayo.

Tinignan ko ang dalawang taong dahilan ng aking pagluha.

Nakahawak sa kaniyang braso si Katrina na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Bumaba ang aking paningin sa kaniyang kasuotan na white v-neck t-shirt ng aking asawa.

Nalipat ang aking tingin sa kaniyang katabi. Kapwa sila napatigil at napatingin sa akin.

Kitang Kita ko kung paano napunta ang tingin ni Enrique sa aking mga mata na namumugto. Ewan ko ba Kung namamalik mata lang ako o nakita ko talaga na may dumaang pag aalala sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Pati ang kaniyang tingin ay biglang lumambot. Pero agad iyong nawala at napalitan ng galit.

Tumulo ang aking mga luha ng pumasok sa akin ang eksena kanina. Humakbang ako paatras at muntik pa akong matisod dahil nga sa nasa hagdan ako mabuti nalang at agad akong napahawak sa hawakan.

Napayuko ako at tumalikod mula sa kanila. Ewan ko ba kong anong pumasok sa isip ko at bigla akong tumakbo paalis sa mansiyon.

Umaasa ang puso ko na sana, sana habulin niya ako. Kahit alam ko namang hindi mangyayari iyon. Siguro umaasa ako dahil sa nakita kong reaksiyon niya kanina ng makitang umiiyak ako.

Hindi ko na alam kong saan ako dinadala ng mga paa ko. Basta tumatakbo lang ako at umiiyak.

Nagpatuloy ako sa pag iyak ng biglang bumangga ako sa isang matigas na bagay.

"S-Sorry, sorry Po.." yumuko ako habang humihingi ng tawad. Nag angat ako ng tingin at ganon nalang ang pag usbong ng galit sa aking dibdib ng makita kung sino iyon.

"L-Lorence.." buong disgusto Kong nasambit ang pangalan ng taong nabangga ko. Ang taong sumira sa buhay ko.

Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakikipagtitigan sa akin. Bakas ang sobrang pagkabigla sa kaniyang mukha.

"A-Andrea.." biglang lumambot ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin. Biglang bumalik sa aking utak ang mga paghihirap ko ng dahil sa kaniya.

Parang may sariling utak  ang aking paa na pumunta palapit sa kaniya. Ganon din ang aking kamay na agad lumipad para sampalin siya.

"Pinagkatiwalaan kita, Lorence..itinuring kitang parang nakatatandang kapatid..pero ito lang pala ang isusukli mo sa akin. Ano ba ang kasalanan ko sayo..para gawin sa akin iyon?" Walang humpay na nagsituluan ang luha mula sa aking mga mata.

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon