Kabanata 13

2.8K 63 30
                                    

Andreas POV

Pababa na ako ng hagdan ng maulinagan ko ang isang bulto  ng babae na nakaupo sa mahabang sofa.  Bumilis ang pintig ng aking puso ng makitang si Serenity iyon.  Binilisan ko ang pagbaba ng hagdan at nginitian siya ng magsalubong ang aming paningin,  umiwas siya ng tingin Pero hindi naging dahilan iyon para burahin ang ngiti na nakaplastar sa aking mga labi.

Tumayo siya at malamig na tumingin sa akin.  "U-uhmm,  I just want to talk to you.. " mabilis akong tumango at umupo sa kaharap na sofa na kinauupuan niya.

"Anong pag-uusapan natin? Uhm,  gusto mo ba ng maiinom?  Ikukuha kita-"

"No need for that,  hindi ako magtatagal dito may sasabihin lang ako tungkol sa annulment  niyo ni kuya" nagulat ako sa sinabi niya. Kung ganon ay alam nila ang tungkol sa annulment?.

"A-Akala ko w.. wala kayong alam tungkol doon... " napayuko ako at ang sakit sa aking dibdib ay muling bumalik ng maalala kung paano tinapos ni Enrique ang ugnayan namin noong gabing iyon.

"Gusto ko lang sabihin na na-aprobahan na ng korte ang tungkol sa annulment niyo,  kuya told me to inform you about that" napayuko ako at hindi ko na naiwasan ang pagtulo ng aking mag luha.  Halos hindi na ako makahinga sa pagpipigil ko na humagulhol. Mas yumuko ako para hindi niya makita ang aking pagluha.

"P-Pwede ka pa namang manatili dito hanggat hindi ka pa nakakahanap ng  apartment" narinig kong sabi niya.  Nag angat ako ng tingin kahit wala paring tigil ang aking pagluha. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya.

"Hi-Hindi na kailangan.. N.. Nakahanap naman na ako.." Pagsisinungaling ko.  Kahit hindi naman talaga totoo dahil hindi pa ako lumalabas sa mansion. Halos hindi magproseso sa utak ko ang ibinalita niya sa akin.  Halos hindi ko naganap ang boses ko

"B.. Bakit pala ikaw ang nagsabi sakin?.. Nasan si Enrique?.. " pag iiba ko ng usapan.  Sinubukan kong wag mabasag ang aking boses.  Kahit gustong-gusto ko ng humagulhol ngayon sa harapan niya.  Ayokong kaawaan niya ako.  Iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat,  ang kinakaawaan ako...

"Busy siya sa paghahanda ng enggament nila ni Katrina.. " para akong sinaksak sa narinig.  Ano pa ba ang inaasahan ko? Ang masaktan din siya dahil sa annulment  namin?.. Gusto niya na nga palang ikasal sa babaeng mahal niya.  At hindi ako iyon.. Kahit kailan ay hindi niya ako minahal pinamukha niya na sa akin iyon. Ang bilis naman. Parang kagabi lang siya nagfile ng annulment  tapos ito na agad,  ikakasal na agad siya sa iba.  Wala sa sariling nagsalita ako.

"Bakit ba nangyayari sakin ito?.. Ano ba ang nagawa ko?.. Wala nangang naniniwala sakin.. Mawawala pa sakin ang asawa ko.. A.. Ayokong na.. Bakit ba kasi ang tagal kong mawala sa mundong ito?.. Gusto ko ng sumuko.. Gusto ko ng magpahinga mula sa nakakapagod na buhay ko.." Napahagulhol ako ng iyak ayokong mag angat ng tingin dahil ayokong makitang ang kaniyang reakasyon.

"Se.. Serenity.. Gusto ko lang sanang itanong sayo.. Ganon ba talaga ako kahirap mahalin at pagkatiwalaan?.. Lahat ng tao na minahal ko.. Ang pamilya ko.. Ikaw.. At ang asawa ko.. Bakit unti-unti niyo akong iniiwan?.. Ang tanging naiwan nalang sa akin ay si Vina" pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mga mata at nag angat ng tingin sa kaniya bago mapait na ngumiti. 

"Ayokong magalit din sakin si Vina.. Kaya kahit imposibleng pagbigyan mo ako.. Pwede ba akong humiling sayo?. K.. Kahit sa huling pagkakataon.. Kung sakaling magkita kayo.. Pwede bang sabihin mo sa kaniya na maraming salama,  sa lahat ng naitulong niya sa akin.. Sa pananatili niya sa tabi ko,  sa pag aalaga niya at sa pagtupad ng mga pangako natin noon na walang iwanan.. Pakisabi sa kaniya please...alam kong ang kapal ng mukha ko para humiling sayo nito,  alam ko kasing kukupkupin niya ako kapag malaman niya ang tungkol sa annulment namin at ayokong mangyari iyon,  sobrang dami na ng naitulong niya.. sobra-sobra na iyon" nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata. Ngunit nanatili siyang tahimik at hindi nagsasalita.

"Nangdahil sa pagkakamaling walang kasiguraduhan kung naganap ba talaga.. Nawala sakin ang mga mahal ko sa buhay.. nawala sakin ng best friend ko at lalong-lalo na ang asawa ko.. sana matapos nato.. Sana ito na ang huling pagkakataon na masasaktan ako. Kasi.. Pagod na pagod na ako.. Pagod na pagod na.." Nanatili siyang nakatitig sa akin.  Nakagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking paghikbi.

"Uhmm,  pwede.. Pwede ba kitang mayakap?.. Kahit sa huling pagkakataon,  gusto kong mayakap ang best friend ko.. " hindi siya nagsasalita kaya tumayo ako at naglakad papunta sa kaniya.  Niyakap ko siya ng mahigpit.  Alam kung ito na ang huling sandali na mayayakap ko siya kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kaniya.  Medyo nabasa pa ang kaniyang balikat dahil sa luha ko.  Kumalas ako ng yakap at nginitian siya.  Hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil nakatitig lang siya sakin gamit ang nag aalala niyang mga mata.

Tumalikod na ako at tinahak ang daan papunta sa aking silid. Kung saan ko inilalabas ang mga sakit na nararandaman ko.  Tinakpan ko ang aking bibig para hindi makalikha ng ingay habang naglalakad. Gaya ng ginagawa ko kapag nasasaktan ako doon ko inilabas ang lahat ng pagdadalamhati ko. Kung saan walang makakakita sa paghihirap ko.

The innocent wife's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon