Ilang papel na nga ba ang nasayang? Ilang oras na nga ba ang naigugol ko para lang matapos ang tulang nais kong ibigay sayo?
Hindi ko na mabilang
Grade 8 palang tayo gusto na kita. At ngayong Grade 12 na tayo sa parehong school, gusto parin kita. Alam kong alam mo yun pero sa tingin ko ay ayaw mo naman na magkagusto ako sayo.
Isang araw inipit ko sa notebook mo ang tulang pinagpuyatan ko. Nagtaka ka pa nga nun. Sobrang titig mo pa dun sa papel na hawak mo at ako naman, sobrang kinakabahan. Akala ko pa nga babasahin mo eh pero itinapon mo lang sa katabing basurahan.
Tsk tsk
Nakalimutan kong kunin yung letseng basurahan na yun
Lumipas ang mga araw at parati kitang nakikitang kasama yung babae sa kabilang section. Bestfriend mo ata. Hehe sorry hindi ko kilala mga bestfriend mo. Hayaan mo pag naging tayo kilkilalanin ko pati mga nakakasalubong mo. Ay wag nalang pala baka magselos ka hakhak
Nakailang subok pa ako ng bigay sayo ng tula pero hindi mo naman binabasa.
Naisin ko man na ibigay sayo ito ng personal para malaman mo na ako ang nagbibigay sayo ng tula, hindi ko rin kaya. Wala akong lakas ng loob. Torpe ako nyeta!
Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko ang bestfriend mo. Naisip kong kaibiganin siya nang sa ganun ay maging friends din tayo. Napangiti ako sa ideyang yun at mayamaya pa ay sinadya ko siyang banggain.
"Oopps sorry miss, hindi ko sinasadya"
"No it's okay"
Ang lumanay pala magsalita ng bestfriend mo noh? Parang ikaw hehe
" San ba ang punta mo miss?"
" Sa canteen sana ako eh"
" Ahh ganun ba? Gusto mo samahan na kita para makabawi man lang ako sayo?"
"Hmm sige lang" nakangiti niyang sabi
Sabay kaming pumunta ng canteen. Akala ko nandito ka pero wala naman pala. Nanlulumong naupo nalang ako at sinabayan kumain ang bestfriend mo na nilibre ko pa.
Aalis na sana ako nang makita kitang papalapit samin at nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.
" Anong ginagawa mo dito?" deretsong tanong mo habang naupo sa tabi ng bff mo.
" A-ah w-wala sinamahan ko lang siyang kumain" utal utal naman na sagot ko habang nakaturo pa sa bestfriend mo na nakatingin lang sating dalawa
" Umalis ka na" ma awtoridad na sabi mo pa
" H-ha? B-bak........... okay" nasambit ko nalang
Nasaktan ako. Sobrang nasaktan. Kung ipagtabuyan mo ako, parang kinamumuhian mo ako.
Pero kahit ganun ay gusto parin kita. Gustong gusto parin kita.
Habang lumilipas ang mga araw, mas lumalapit din ang graduation day natin. Hindi ko alam kung saan ka mag aaral ng college kaya mas lalo akong nanghihinayang. Ayaw naman kitang tanongin dahil baka ipagtabuyan mo lang ulit ako.
Naisip ko ulit ang kaibigan mo. Baka alam niya kung san ka mag aaral ng college.
Pumunta ako sa room nila at nagbakasakaling baka nandon siya at hindi nga ako nagkamali. Kalalabas lang niya ng room nila kaya agad ko siyang hinarang
"Hi" bati ko agad sa kanya
" Oh hi"
" Naaalala mo pa ba ako? Ako yung nakabangga sayo noon sa hallway. My name is Jake" pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay ko para makipag shakehands
" Yeah I remember you. Ako nga pala si jazmine but you can call me jaz" nakangiti niyang sabi. Ngunit hindi paman niya naiaabot ng tuluyan ang kanyang kamay sa aking kamay ay may humablot na nito palayo sakin.
" And what do you think you're doing?" tanong mo sakin
" Sorry pero nakikipag kilala lang ako sa kanya" sagot ko naman
" And why? Ah nevermind.... Just leave" mariin mong sabi
" B-but..."
" Leave"
Wala akong nagawa kundi umalis nalang. Hindi kita maintindihan. Ang cold cold mo sakin samantalang wala naman akong ginagawang masama.
Graduation day. Araw kung kailan dapat ay saya ang mararamdaman ko. Pero hindi.
Nasaktan ako sa nalaman ko. Mahirap pero kakayanin ko. I need to let you go even if it kills me to do so. If that will make you happy then I should be happy for you then.
Hawak hawak ko parin yung huling tula na ibibigay ko sana sayo. Huling tula na sana ay mabasa mo na. Na sa huling pagkakataon ay maipaiwatig ko sayo ang nararamdaman ko. Pero sa huling pagkakataon, ipinagtabuyan mo ulit ako at umalis kasama ang Girlfriend mo na akala ko ay bestfriend mo..
A/N: Comment your thoughts and opinions guyses! It would be much appreciated! LOVELOTS! ^ ^*