I heard a sigh from my back kaya dali dali akong lumingon dito. And I was shock to see my boyfriend ..........holding a knife.
"J-josh? W-what's this?" nauutal kong tanong
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon. Atras ako ng atras habang lapit naman siya ng lapit hanggang sa ma corner na niya ako.
Nakita ko siyang ngumisi at dahan dahang itinataas ang dalang kutsilyo.
"B-babe stop t-this" nanginginig na ako sa takot. Parang nabibingi narin ako sa lakas ng pintig ng puso ko
At ilang sandali pa ay bigla siyang tumawa.
"Hanggang ngayon ba pinaniniwalaan mo parin yang kasinungalingan nayan? Baliw ka na Annie." nakita ko pang tumiim ang bagang niya "Nang dahil sayo, hiniwalayan ako ng taong mahal ko. Ng TOTOONG girlfriend ko!"
"B-babe..."
"Stop it! I'm not your boyfriend and never will be!" mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsilyo na nakatutok sakin at anumang sandali ay maaaring katapusan ko na.
Ngunit ilang sandali pa ay biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kutsilyo at di nagtagal ay nahulog na ito sa sahig.
"I told you babe..." sabi ko saka dahan dahang binubunot ang gunting na bumaon sa kanyang tagiliran at kasabay niyon ay ang pagsuka niya ng sarili niyang dugo.
"You're mine alone"
Nasilayan niya pa ang nakakaloko kong ngisi bago siya natumba
"Ngayon ay hindi mo na ako maiiwan. Magkakasama na tayo habambuhay, mahal ko"