ANG GIRLFRIEND KONG SLOW (MAS SLOW PA SA INTERNET NIYO)

4 1 1
                                    


Pauwi na ako sa condo namin ng girlfriend ko galing palengke

"Knock knock"

"Who's there?"

"Boyfriend"

"Boyfriend who?"

Napabuntong hininga muna ako bago nagpatuloy

"Mahal, si Kevin ito papasukin mo na ako" mahinahon kong sabi habang pinipigilan kong may lumabas

"Nubayan mahal, di naman nakakatawa" naiimagine ko pa siya ngayon na nakakamot sa kanyang ulo


But sorry mahal, not this time.


"Just open this f*cking door or I'm gonna smash it!" napasigaw na ako dahil p*ta! Taeng tae na'ko.

"Ay! Sorry mahal! Kala ko kasi joke yun eh" saka dali daling binuksan ang pinto

"It's ok mahal. I love you" sabay  takbo sa cr



~~~

"Knock knock"

Walang response mula sa kanya kaya inulit ko

"Knock knock"

"Anong ginagawa mo mahal? Kumakatok ka eh wala namang pinto"

Napakamot nalang ako sa ulo ko

"Joke kasi dapat yun mahal"

"Ah ganun ba? Sige ulitin mo nalang mahal. Ikaw naman kasi hindi ka nagsasabi. Ge ulit."

"Hehe 'wag na mahal. Nakalimutan ko na. I love you." sabi ko nalang



~~~

"Mahal ano password ng fb account mo?"

"Pangalan ko mahal" sweet kong sagot

"Ok mahal, thank you."


Ilang sandali pa...........


"Mahal, mali naman yung password na binigay mo eh"

"Ha? Ano bang nilagay mong password?"

"Pangalan ko"

"Kaya naman pala mali eh. Pangalan ko kasi mahal, hindi pangalan mo"

"Yun naman tinype ko eh" napapout pa niyang sabi

"Patingin nga mahal"


Binigay niya sakin ang cp at tinignan ko ang tinype niyang password. Napa face palm nalang ako nung makita kong literal na 'pangalan ko' ang nilagay niya. Binura ko nalang ito at pinalitan ng KEVIN BAUTISTA.


"Ayan mahal na open na. Pangalan ko kasi ang password."

"Yun nga. Tama naman ako diba?"

"Hehe I love you mahal." I said sweetly and then hug her



I really love my girl. At hindi ako magsasawang sabihin yun sa kanya kada umaandar pagka slow niya para ipaintindi sa kanya na mahal na mahal ko siya despite her being slow.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon