MAHAL MO BA AKO?

5 1 0
                                    

6 years old

"Ashley , mahal mo ba ako?"

"Syempre naman. Bespren tayo eh"


16 years old

"Ashley mahal kita. Mahal mo rin ba ako?"

"O-oo Marc" nahihiya niyang sagot

"So tayo na?" puno ng pag aasam kong tanong

"Gago! Manligaw ka muna"

"Ahehehe sige"



20 years old

"Ashley baby, mahal mo ba ako?"

"Of course! I love you to the moon and back!" sabay yakap sakin

"I love you too baby"


24 years old

"Mahal mo ba siya?" walang emosyong tanong ko

"I-im sorry baby" humagulhol niyang sabi

"Mahal mo ba siya?" tanong ko ulit

"O-oo. I'm sorry"

At sa mga oras na iyon, napapikit na lamang ako para pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata.


28 years old

"I now pronounced you, husband and wife. You may now kiss the bride"

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon, nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata habang kaharap niya ang kanyang asawa.

"Thank you father" sabi niya sa akin pagkatapos ng kasal

"Walang anuman Ash" saka ko siya binigyan ng ngiti. Isang ngiti na nagpapahiwatig na masaya na ako para sa kanya at nawa'y maging masaya din siya kasama ang taong totoong mahal niya.


***

Please leave a cOmmENt ;)

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon