NEAR DEATH EXPERIENCE

4 1 0
                                    


Sabi nila, kapag daw nagkaroon ka ng isang near death experience, bigla daw magbabalik sayo ang masasayang alaala mo simula pagkabata. Makikita mo rin daw lahat ng mahal mo sa buhay na namayapa na.


Lahat tayo maaaring makaranas nito. And I was 19 when I experience mine...


Pasado alas singko na ng hapon ngunit naglalakad parin ako sa kahabaan ng hallway dito sa school namin. Galling ako sa library dahil may iniutos sakin yung isa kong guro.


Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapalingon sa aking likuran. Sabi sabi kasi na may gumagala daw ditong kaluluwa tuwing ala sais ng gabi. Tinignan ko ang aking relo at 5:45 na. Kinse minutos nalang at mag aala sais na.

Binilisan ko ang lakad at walang ano ano'y may narinig akong mahinang ingay na nanggagaling sa isa sa mga classroom. Nanindig ang aking mga balahibo ngunit nagawa ko pa ring lumapit sa pinanggalingan ng ingay (parang sa pelikula ba). Habang palapit ako ng palapit, nakompirma ko na hindi lamang pala iyon isang karaniwang ingay kundi isang ungol.


'Ungol? Bakit may umuungol sa loob ng classroom?' tanong ko sa aking isip


Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng classroom at muntik pang lumuwa ang dalawa kong mata dahil sa nakita.



'C-christian...'



My childhood sweetheart.


His with someone and they're making love in the corner of the room! Nag uunahan na sa pagpatak ang aking mga luha habang nagpa flashback sa akin lahat noong mga bata pa kami.....



---

"Talaga? Pakakasalan mo ako?" tanong ng 6 years old na ako sa 7 years old na si Christian

"Oo naman! Ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko paglaki natin!"

"Sabi mo yan ah"



---

"Will you marry me?" tanong ni Christian sakin nung graduation namin sa grade 6

"Syempre naman!" masaya kong sagot pagkatapos ay isinuot niya sakin yung mukhang singsing na kinuha niya sa isang easy-open-can.



---

"'Wag kanang umiyak. Babalik naman ako e"

"Bakit ba kailangan mo pang umalis?" naiiyak kong tanong sa kanya

"Dun ako mag aaral ng high school e. Pero 'wag kang mag alala, aalis man ako ngayon, babalik at babalik parin ako sayo"


Nag flashback din sakin yung mukha ng nanay ko habang nginingitian ako. Isang ngiti na nagsasabing magiging okay din ang lahat.




Hindi na ako makahinga ng maayos habang tinitignan ko sila. Masakit. Sobrang sakit. At kahit hinang hina na ang mga tuhod ko ay pinilit ko paring lumayo sa lugar na yun. Sa lugar kung saan niya sinira mismo ang pangako niya sakin.


Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko saka bumaba ng hagdan.




Grabe! Muntik na akong mamatay.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon