BROKEN FAMILY

1 0 0
                                    

I was 5 years old nung tinanong ko si papa kung bakit hindi siya nakatira sa bahay kasama si mama. But to my disappointment, wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

I was 7 years old nung tinanong ko naman si mama kung bakit ‘di na umuuwi si papa. Pero gaya ni papa, hindi rin niya ako sinagot.

I was thirsty for answers that time. Marami akong mga tanong na tanging sila lang anmg makakasagot.

Isang araw, habang nakatulala ako sa aking silid ay biglang pumasok si mama.

“Fel, halika anak naghihintay sa baba ang papa mo”
Napalundag naman ako sa tuwa nang marinig iyon at dali-daling sumunod kay mama sa baba. Sa wakas nandito na si papa!

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan ay nanlumo na ako sa aking nakita. Hindi sya si papa.

“Marcos, siya nga pala ang anak ko, si Felicienne” pagpapakilala ni mama sa amin nung lalaki

“Fel magmano ka sa papa mo. Simula ngayon ay papa na ang itatawag mo sa kanya ah” sabi ni mama

Gusto kong sabihin kay mama na ayoko. Ayokong magkaroon ng ibang papa. Pero gayunpaman ay nagmano ako sa kanya.

Sandali lang ako sa baba at pumasok na agad ako sa kwarto at hinayaan ang sarili kong lunurin ng sariling luha ‘nung panahon nayun.

Habang lumalaki ako ay unti-unti naring nabibigyang linaw sa’kin ang lahat. Kung bakit hindi na nagsasama ang mga magulang ko at kung bakit may iba na ngayon si mama.

I was kinda disappointed to know that they just fell out of love for each other. I was disappointed na ganun nalang nila kabilis bitawan ang isa’t-isa na parang hindi sila nagmahalan dati.

They could have just fixed the misunderstanding.
They could have just let it cool before making such decision.
They could have just remembered the days that they were so inlove and promised to be together forever.
They could have just atleast…. thought about me.

Kung ano nalang ang mararamdaman ko at kung anong buhay ang madadatnan ko ‘pag naghiwalay sila. Mahirap magkaroon ng broken family.

I miss my dad….I really do

Maaaring napalitan man siya sa puso ni mama pero para sa akin, siya lang ang papa ko. And as long as he loves me, I will never stop loving him.

❦︎

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon