Ang Dating Tayo, Naging Kayo

8 1 0
                                    


"I love you babe" sabi mo habang magkayakap tayong dalawa

Ewan ko ba. Masaya naman tayo dati pero ngayon feeling ko may kulang. Isang pagkukulang na hindi mapupunan ng isang I Love You-han lang,

"Babe nood tayo sine" sabi ko sayo

"Sorry babe pero may lakad kami ng pamilya ko eh. Bawi ako next time ok?"

.

.

.

"Babe! Punta ka dito sa bahay. Mag didinner tayo kasama sina mama" I said through text

"Sorry babe but I have some important matters to work on pa eh" tanging sagot mo

1,2,3,4, o higit pang pagtanggi ang narinig ko mula sayo simula nung araw na iyon

Pero pinalampas ko yon at pilit kitang inintindi. Kahit na ilang araw ka nang walang paramdam. Mahal kita eh, anong magagawa ko?

Pero hanggang kalian ka ganito? Hanggang kailan ako maghihintay na mapunan mo ang pagkukulang mo bilang kasintahan ko? Nasasaktan na ako alam moba yun?

~~

"I'm sorry"

Namulat na lamang ako sa realidad kung saan magkasama tayo sa park habang sinasabi mo ang mga katagang yun. Na sa bawat pagbitiw mo ng salitang paalam, isang balde na ng luha ang katumbas.

Ang sakit isipin yung mga araw na wala ka ng time sakin dahil hindi na pala ako ang priority mo. Ang sakit isipin na ang bilis mong palitan ang masasayang alaala nating dalawa. Ang sakit isipin na ang dating tayo, naging kayo.

At ang tanga ko lang dahil mahal parin kita kahit ginago moko.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon