Kumakain ako ng cornetto sa 7eleven nang biglang sumulpot ang mga kaibigan kong kulogo. Sina Ton², Yael at Macky. Bestfriends kami simula pagkabata at hindi kami mapaghiwalay. Akala na nga ng mga magulang ko natitibo na ako amp.
Sa aming magkakaibigan, si Ton² ang pinakagagu, si Macky naman tahimik lang at si Yael ang pinakagwapo. Balita ko nga daks din yan. Balita ko lang kasi di ko naman nakita.
"Cassandra nagsosolo ka na naman dito. Napakadamot mong babae ka!" wika ni Yael at diretsong naupo sa tabi ko at nilamon ang ikalawang cornetto na kakabukas ko lang. Pambihira naman oh!
Nagulat na lamang ako nang biglang may bumagsak sa harap ko. Pagtingin ko ay sandamakmak na cornetto lang naman.
"Cass bayaran mo na. Napagod ako sa pagbitbit nyan dito" walang hiyang sabi ni Ton². Aba't!
"Gagu bakit ako? Balakayojan" akmang aalis na ako nang biglang sumigaw si Ton²
"Halaa ate oh ayaw magbay--" tinakpan ko na lamang ang bibig nya at pinanlisikan sya ng mata.
"Oo na babayaran ko na gagu ka talaga"
Pagkatapos ko magbayad ay naupo na ako ulit. Pero bago yun ay nakatikim muna sila ng tig isang batok. Dinamay ko na si Macky, isa pa tung matakaw. Habang tinitignan ko sila gamit ang mala laser kong mga mata ay biglang may lumapit samin.
"Cassandra? Is that you?"paglingon ko ay nakita ko si Brix. Ang aking long time krass!
"Uy Brix ikaw pala. Kamusta?" sabi ko gamit ang aking pinakamahinhin na boses. Muntik naman akong mamatay nang ngitian nya ako. Omoooo!
"Okay lang. Mind if i si--" hindi na nya natapos pa ang sasabihin dahil sumabat na si walanghiyang ton²
"Pare pasensya na pero hindi namin pinapapormahan tong si Cassandra. Saka may balat yan sa pwet baka malasin ka lang. May putok din 'yan saka isang beses sa isang linggo lang naliligo. Tinitiis nga lang namin yan araw araw e." diretsong sabi nya na sinasang ayunan naman nina Macky at Yael.
Napapikit nalang ako sa hiya. Jusmeyoo marimar
Nakita ko pang napangiwi si Brix saka nagpaalam. Mga bwisett!
Binatukan ko ulit sila saka nagmartsa paalis. Gusto kong maiyak!
Si krass nayun e! Sayang!Paglabas ko ay sinundan nila akong tatlo. Akala ko ay titigil na sila sa kalukuhan nila pero habang naglalakad kami ay binabakuran nila ako. Ano ako baboy?! Mga pashnea!
Hinahamon pa nila lahat ng lalaking mapapatingin sa gawi ko.
Napatampal nalang ako sa aking noo. Pang ilang beses naba nila ginawa to? Pang ilang beses nabang nagkalat sila ng fake news para lang di ako lapitan ng mga lalaki na ayun sa kanila ay sasaktan lang ako? Sa totoo lang di ko na mabilang.
Kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi na ako magkakajowa kahit kailan.
❦︎