Prologue

2.4K 25 0
                                    

Aaron's POV

Pagkauwi ko galing sa trabaho ay nakakaramdam ako ng hindi maganda. Pumasok ako agad sa loob ng bahay pero sa laking gulat ko sa lahat na nakikita ko ngayon. Magulo ang mga kagamitan namin para bang pinasukan kami ng magnanakaw. Nagmamadali akong hanapin ang mga magulang ko kaso hindi ako makagalaw noong makita ko na sila.

Ano nangyari?! Sinong hayop ang may gawa nito sa pamilya ko?!

"A-Aaron..." Agad kong lumapit kay mama.

"Ma, what happened here?"

Dahil nga nahihirapan si mama magsalita kaya sinulat na lang niya sa sahig gamit ang sariling dugo kung ano ang nangyari kanina. Kumunot ang noo ko sa nabasa.

Mafia?

"Mafia– Ma, huwag niyo isara ang mga mata niyo. Dadalhin ko kayo sa ospital." Kinuyom ko ang mata ko noong nawalan na ng malay si mama. Kailangan ko mahanap ang mafiang pumatay sa pamilya ko. Wala akong pakialam kung isa pa siyang mafia o hindi. Gaganti ako sa ginawa nila sa pamilya ko.

Napasinghap ako pagkadilat ko. Gabi-gabi ko na lang napapanaginipan ang nangyari noon. Siguro kailangan ko ng hanapin ang mafia kailangan kong patayin para matahimik na ang mga magulang ko ngayon. After 4 years ay walang wala na ako ngayon dahil wala na ang mga magulang ko. Hanggang sa may tumulong sa akin isa siyang agent pero hindi siya nagpakilala sa akin. Tinuturuan niya ako kung paano gumamit ng baril dahil hindi ko matatalo ang mafia na hinahanap ko kung hindi ako marunong lumaban ng patayan. Kahit buhay ko pa ang kapalit.

It's already 2 years noong sumali ako sa agent. Ito lang kasi ang naisip kong paraan para mahanap ang mafiang iyon pero hindi ko dito ipapahamak ang mga kasamahan ko. Halos lahat sila ay may mga sariling pamilya na sa labas ng head quarter. Ang iba ay wala pa. Mukhang wala na silang balak pumasok sa isang relasyon o bumuo ng sariling pamilya.

"Bakit nandito ka pa, Yuan?" Tanong ko sa kaibigan. Nagulat nga ako noong makita kong pumasok rin sa pagiging agent si Yuan. Kaibigan ko kasi siya since high school.

"Maaga kasing umuwi sina Zion at Oliver." Sagot niya sa akin. "Eh, ikaw?"

"May kailangan lang akong gawin kaya bumalik ako."

"Ano yun? Baka makatulong ako sayo."

Mabilis akong umiling. Sabi ko nga ayaw ko ipahamak ang mga kasamahan ko sa misyon ko. Personal mission ko ito.

"Kaya ko na gawin ito. Salamat, bro."

Kagaya ko ay isa ring secret agent si Yuan dahil bihira lang kami bigyan ni Zion na mabibigat na misyon. Kami lang ni Yuan ang makakagawa noong misyon. Gamit ang talino ni Yuan. Lakas at galing ko naman.

Kilala ko ang pamilya ko dahil wala niisa nakaaway ang mga magulang ko. Isa silang mababait na tao at matulungin sa kapwa kaya nga gusto ko katulad nila. Ngayon wala na sila ay isa lang ang nasa isip ko. Ipaghihiganti ko ang pagpatay nila sa mga magulang ko. Mabubulok silang lahat sa impyerno.

"Ron..." Inangat ko ang mukha ko. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako.

"Bakit?"

"Kanina pa kasi tumutunog ang phone mo. Hindi mo ba sasagutin?" Sabi ni Yuan.

Tiningnan ko ang phone ko dahil may tumatawag nga sa akin kaso isang unregistered number ang tumatawag. Either enemy or colleague itong tumatawag sa akin. Wala ako magagawa kaya sinagot ko na yung tawag.

"Hell–"

"Is this Aaron Ventura, the son of Axel Ventura?" Kumunot ang noo ko dahil kilala niya si dad.

"Who's this?" Tanong ko kaso wala akong nakuhang sagot mula sa kabilang linya. "Hello? Hello!"

Damn it!

Baka may kinakalaman yung tumatawag sa akin kanina kung ano nangyari noon.

"Ano nangyari, Ron?"

"Wrong number. Hindi ko rin kilala kung sino yung tumawag sa akin kanina." Sagot ko kay Yuan. Iniisip ko rin kung paano niya nalaman ang contact number ko.

Pagkalabas ko ng head quarter ay may tumawag na naman sa akin na unregistered number. Kaya agad kong sinagot ang tawag.

"Who's this?" Pagkasagot ko sa tawag.

"If you want to find me, I'll be waiting for you." Kumunot ang noo noong binaba na niya ang tawag.

Argh! May kutob na ako siya na ang taong hinahanap ko. Mas lalo ako mahihirapan hanapin siya kung hindi ako hihingi ng tulong sa mga kasamahan ko sa head quarter. Sila lang ang makakatulong sa akin dito.

Naririnig ko na ang ingay ng iba kong kasamahan. Especially, Neil and Jake. Sa tagal ko na silang kasama sa trabaho ay kilala ko na ang mga ugali nilang lahat.

Si Kurt ang dati naming superior pero pinasa na niya kay Zion simulang kinasal siya. Si Rocco ang pinaka mabait sa grupo pero minsan ay wala sa head quarter dahil mas priority niya ang kanyang pamilya. Si Zion ang bagong superior ng team. Walang pinagbago noong si Kurt pa ang superior namin. Si Jake isa sa mga loko-loko sa grupo lalo na kapag kasama niya si Neil at Miguel. Sina Neil at Miguel ay mga dakilang babaero pero nagbago si Neil simula nagkatuluyan sila ni atty. Ainsley. Kaya si Miguel na lang ang problema kung kailan daw magseseryoso sa isang babae. Si Oliver naman ay hindi ko siya masyado nakakausap. Isa lang ang masasabi ko sa kanya isa siyang misteryoso. Wala ako masyadong alam tungkol sa kanya. Si Yuan kasi ang madalas niyang kinakausap tungkol sa trabaho nila.

"Aaron, may papagawa akong misyon sayo." Bungad ni Zion sa akin pagkabalik ko sa loob ng head quarter. Bumalik ako dahil kailangan ko talaga mahanap agad yung mafiang iyon. Hindi na nga ako umuuwi sa amin masyado dahil mas naalala ko ang nakaraan. Ayaw ko rin matulog dahil palagi ko napapanaginipan iyon.

"Okay, sir. Ano iyon?" May binigay na isang folder sa akin si Zion kaya agad ko iyon binuksan. "BW?"

"Initial iyan nakuha namin ni Oliver pero nahihirapan kami makakuha ng ibang information tungkol sa leader ng mafia na yan. Ang pagkaalam ko ay masyado silang delikado."

Tungkol sa mafia ang binibigay na misyon ni Zion sa akin. Baka may connection rin ito sa mafia na hinahanap ko.

"Alright. Kukunin ko itong misyon. Ano ba ang kailangan kong gawin para rito?"

"Ang kailangan mo lang ay hanapin kung saan ang hideout nila. Sabi ko nga kanina ay isa sa mga delikado ang mafia na ito."

"Bro, ingat ka dahil ang pagkaalam ko ay walang sinasanto ang mafia na iyan. Kalaban man nila o hindi ay pinapatay nila." Sabi ni Yuan.

Ganoon pala delikado ang mafia na ito. Kahit na kailangan ko pa rin alamin ang lahat. Baka may makuha akong clue sa hinahanap kong mafia.

~~~

Aaron Ventura's story published.

May binago lang ako dahil konektado ito sa kwento ni Yuan. 😊

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon