Sky Island...
Ang sikat na resort sa buong Pilipinas. Wala akong masabi dahil sobrang ganda talaga rito. Puti ang buhangin, sariwa ang hangin at kulay asul ang dagat. Hindi hinahayaan ang resort nila Zion. Sabagay dito rin nakatira ang pamilya ni Jake.
"Ang ganda rito, no?" Ani Yuan. Tumango ako sa kanya.
"First time niyo pa lang pumunta rito, ano?" Tanong ni Rocco sa amin. Tumango ulit ako.
"Tara na sa loob para kunin niyo na ang susi ng magiging kwarto niyo at gusto ko na rin matulog." Sabi ni Zion.
Papasok na sana ako sa hotel nang may napansin akong familiar na lumabas sa parehong hotel.
Imposible nandito rin siya.
Kung nandito rin siya ay isa lang talaga ang ibig sabihin noon. Stalker ko talaga ang babaeng iyon.
"Ron!" Tawag sa akin ni Yuan kaya lumapit na ako sa kanila.
"May nakita ka bang kakilala?" Tanong ni Oliver sa akin.
"Wala. May iniisip lang ako kanina." Pagdadahilan ko. Hindi ako sigurado kung nandito nga rin ba ang babaeng iyon.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng elevator at hinihintay na lamang bumukas ang pinto.
"Huwag mo na muna isipin ang binigay kong misyon sayo. Nandito tayo para magbakasyon. Wala na munang trabaho." Ani Zion.
"Since nandito kayong dalawa ni Yuan ngayon ay may kasama akong maghanap ng chicks." Sabi ni Miguel na kinailing ko.
"Huwag mo kami igaya sayo, Miguel. Pareho kami ni Yuan na hindi babaero."
"Savage." Natatawang sambit ni Neil.
"Nakahanap ka rin ng katapat mo ngayon, Mig." Natatawa ring sabi ni Rocco.
"Sige, lagi niyo na lang ako pinagkaisahan. Ikaw kasi Neil traydor ka!"
"Paano ako naging traydor, aber? Ano ang ginawa ko sayo?"
"Nagpakasal ka. Iniwanan mo na ako magisa ngayon."
"Ikaw kasi, Mig tumino ka na at magseryoso ka na sa babae para hindi ka na namin pinagkaisahan. Si Oliver nga malapit na magpakasal sa pinsan ni Zion."
"Bakit mo kasi binuntis agad ang pinsan ni Zion, Oliver?"
"Ano ang magagawa ko? Ella is trying to seduce me. Lalaki rin ako at malakas ang epekto ni Ella sa akin."
May dalawang anak na si Oliver ngayon sa girlfriend niya pero yung isa ay parating pa lang.
"Ganoon ba si Janella?" Tumango si Oliver kay Zion. "Hindi ko alam may tinatago pa lang ganoon iyon."
"Rocs, buti pumayag si Sarah na sumama ka ngayon." Ani Neil.
"Alam kasi ni Sarah na kasal na kayong lahat maliban kay Mig at hindi niyo na magagawang maghanap pa ng iba." Sagot ni Rocco.
"Kahit kailan ay hindi ako naghanap ng ibang babae ah. Si Jessa lang."
"Isa ka rin kasi loyal sa asawa, eh. Speaking of loyal sa asawa, nasabihan niyo ba si Kurt na pupunta tayo rito?" Tanong ni Miguel.
"Yup, pero hindi siya pwede sumama dahil may tournament ang team nila next week." Sagot ni Zion.
"Sana makapunta si Kurt sa kasal ko."
"Makakapunta iyon. Siguro naman imbitado si Eunice."
"Yup, imbitado sila sa kasal namin."
Lumabas na kami noong bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa amin ang isang magandang paligid.
"Zion, mukhang luxury itong binabaan natin." Sabi ni Rocco.
"Yeah, luxury nga ito. Ang sabi sa reception ay itong floor na lang daw ang may available rooms. Sobrang dami kasing guest pumunta ngayon."
"Bakasyon kasi ng mga bata kaya siguro naisipan nilang magbakasyon rin." Sambit ni Neil.
Kinagabihan ay pumunta ako sa tabing dagat pero may nakita akong familiar feature. Lumapit na ako sa kanya.
"Sabi na nga ikaw ang nakita ko kanina." Lumingon siya sa akin at nagulat pa siya ng makita niya ako.
"What are you doing here?" Tanong niya sa akin.
"Ako dapat ang magtanong sayo ng ganyan. What are you doing here?"
"Kasal kasi ng isa kong friend bukas."
"Dito gaganapin ang kasal?" Mabilis siyang umiling sa akin. "Bakit kayo nandito?"
"Dito kasi ginanap ang Bachelorette Party ng future bride." Kumunot ang noo ko ng malaman ko ang dahilan niya kung bakit siya nandito sa resort. Hindi ako nagseselos or what dahil wala naman akong gusto sa kanya. "Eh, ikaw?"
"Vacation with my colleagues. Ang pamilya kasi ng boss ko ang may ari nitong resort kaya nilibre kami."
"Really? Ang swerte mo pero hindi ko naman kailangan may manglibre sa akin dahil may pera naman kami kung gusto ko pumunta rito."
Pinapanood ko na ang alon nagmumula sa dagat. Walang ingay. Kung meron man baka yung tawanan ng mga tao.
"Ano pala trabaho mo?" Tanong ko sa kanya.
"Isa akong CEO ng toy company. Alam mo ba yung Watson toy store?" Tumango ako sa kanya. Isa ngang kilalang ang toy store na iyan. Kaso hindi ko inaasahan isang babae ang CEO nila. "How about you?"
"I'm a former artist."
"Former artist? Ano nangyari kung bakit ka umalis?"
"Masyado ng personal iyang tanong mo." Pinag krus ko ang mga braso ko. "At ayaw ko na pagusapan ang dahilan kung bakit ako umalis sa trabaho ko."
"Sorry. Anyway, siguro naman pwede tayo magpakilala kasi pangalan mo lang ang alam ko."
"No need." Tumalikod na ako sa kanya at pinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng shorts ko. "After a month kapag walang bunga ang nangyari sa atin noong isang gabi ay maghihiwalay tayo. Back to strangers again."
"Hindi ko naman nakakalimutan ang pinagusapan natin noon."
"I have to go. Baka hinahanap na ako ng mga kasamahan ko." Paalam ko sa kanya at may isa pa siyang sinasabi pero hindi ko maintindihan.
Pagbalik ko sa hotel ay nandito silang lahat sa lobby, especially Jake.
"Nakita ka daw ni Jake sa tabing dagat na may kasamang babae." Bungad ni Miguel sa akin. Kung nakita pala ako ni Jake, bakit hindi niya kami nilapitan?
"Maganda yung babaeng kasama mo kanina ah, Aaron. Pero mas maganda pa rin si Trixie."
"Hindi ako sigurado kung parehong babae lang yung nakita ko noong isang araw at yung babaeng nakita ni Jake kanina."
"Parehong babae lang."
"So, siya pala yung pinsan mo." Ani Jake.
"Actually, hindi ko talaga siya pinsan."
"Kaanu-ano mo siya? Kung bakit kayo magkasama noon sa hotel?" Tanong ni Neil.
"May nangyari sa amin noong isang gabi at kinabukasan pagkagising ko ay may instant girlfriend na ako. Kahit ayaw ko ang magkaroon ng biglaang girlfriend ay wala na ako magagawa dahil ipapakulong ako ng ama niya kapag hindi ko pumayag sa kagustuhan ng anak niya na maging boyfriend."
"Mahirap nga iyang pinasok mong gulo, pre." Sabi ni Neil.
"Hindi niyo mahal ang isa't isa." Ani Rocco.
Kaya nga. Ang gusto ko sana kapag nagkaroon ako ng girlfriend ay yung mahal namin ang isa't isa. Hindi ang ganito pero hindi na muna sa ngayon hanggat hindi pa tapos ang misyon ko.
BINABASA MO ANG
One Great Love
RomanceAgent Series # 7 Aaron Ventura is one of the best agent. Pero hindi alam ng mga kasamahan niya kung bakit siya pumasok sa pagiging agent. Ano nga ba ang dahilan ni agent Ventura kung bakit siya pumasok sa pagiging agent? Until he met Britney Watson...