Aaron's POV
Kung kailan nagkakaroon na ako ng mararamdaman sa kanya pero siya na mismo ang lumalayo sa akin. Alam kong mali ito dahil anak siya ng kalaban at hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Ron... Earth to Aaron!" Kumurap ako ng marinig ko ang boses ni Yuan at tumingala ako sa kanya. "Nandito ka nga pero wala naman dito sa head quarter ang utak mo. Ano ba nangyayari sayo, bro?"
"Wala. Ano ba ang kailangan mo?"
Si Yuan lang ang kasama ko rito sa head quarter dahil gusto niya ako tulungan sa misyon ko at ngayon rin ang kasal ni Oliver kaya wala yung iba.
"I have good news for you." Kumunot ang noo ko sa kanya. "Nahanap ko na ang hideout nang Dark Abyssal. Kailangan natin sabihan si Zion."
"Yeah, iyon naman ang bilin niya sa akin noon na sabihin ko siya kapag nahanap na yung hideout nila."
"May problema ba? Alam ko gusto mo ipaghiganti ang pagkamatay ng mga magulang mo at heto na ang pagkakataon mo ngayon."
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako ngayon."
"May nararamdaman ka ba para sa kanya?"
"I-I don't know. Pero nakakaramdam ako ng weird feelings kapag nakita ko siya na may kasamang ibang lalaki."
"Tangina. In love ka sa kanya."
"Ako? In love?"
"No doubt, bro." Nagkibit balikat pa siya sa akin. "Hindi ka magseselos sa mga kasama niyang lalaki kung hindi ka in love sa kanya. Pero ito ang tandaan mo ang ama niya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo."
Nagseselos pala ako. Ang bobo ko naman dahil hindi ko naisip agad iyon.
"I know. Tuloy pa rin naman ang binabalak ko sa kanya. Hihintayin mo lang ang utos ni Zion."
"Sige, tatawagan ko na muna si Zion. Sana nga lang tapos na yung seremonya ng kasal ni Oliver." Lumayo na sa akin si Yuan para tawagan niya si Zion.
Ano ba ang ginawa mo sa akin, Britney? Kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Ginayuma mo ba ako?
Ugh...
Nakita ko na ang pagbalik ni Yuan sa desk kung saan ako nakaupo.
"Ang sabi ni Zion hintayin lang natin ang pagbalik nila. Malapit na daw matapos ang reception."
"Okay..."
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh, hintayin ang pagbalik nila.
Wala pa ngang isang oras noong bumalik silang lahat sa head quarter. Hindi nga nila naisipan magpalit na muna ng damit dahil lahat sila ay nakasuot pa rin ng tuxedo.
"Yuan, nasaan na yung information na sinasabi mo kanina tungkol sa hideout ng Dark Abyssal?" Nilahad ni Zion ang palad niya.
"Heto yung information nakuha ko kanina." Pinakita na ni Yuan kay Zion yung nakuha niyang information sa Dark Abyssal.
Hinihintay ko ang utos ni Zion na pumunta doon sa hideout nila. Surprise attack from us.
"Okay. Dahil wala si Mig ngayon kaya ikaw na lang pumunta, Aaron." Natuwa ako dahil sa akin inassign ni Zion yung misyon. "Pero kailangan mo magsama ng ilang agent para mahuli natin ang boss nila."
"No! Hindi pwedeng huliin lang ang boss nila! Malaki ang–"
"Alam kong malaki ang atraso niya sayo pero iniisip ko lang ang pwedeng mangyari sayo. Malakas itong kakalabanin mo, Aaron at bilang superior mo ay trabaho ko ang protektahan kayong lahat."
"Parang hindi naman. Kung kami ang binibigyan mo ng misyon ay hinahayaan mo lang kami mamatay sa misyon." Sambit ni Neil.
"Oo, hinahayaan ko nga kayo pero nasa inyo pa rin kung magpapakamatay ba kayo o hindi."
"Basta ako hindi ko pwedeng iwanan ang mag-ina ko." Sagot ni Rocco.
"Rocs, mas lalo na ako. Kapag namatay ako ay hindi ako papatahimik ni Fannie ang kaluluwa ko."
"Wala naman may gustong iwanan ang mga mahal natin sa buhay. Mas gusto ko pang mamatay sa katandaan kaysa sa magiging misyon ko." Sabi naman ni Jake.
"Narinig mo siguro ang sinabi nila." Sabi ni Zion sa akin.
"Hindi ako mangangako na hindi ko papatayin ang lalaking iyon."
"Fine. Wala naman sa inyo ang nakikinig sa akin. Mas mabuti pa bumalik na lang si Kurt para siya ulit ang superior natin."
"Huwag. Bipolar si Kurt." Singit ni Neil.
"Isusumbong ka ni Rocco na tinawag mong bipolar si Kurt." Natatawang sambit ni Jake.
"Kung dati pedophile, ngayon bipolar. Ano ba talaga, Neil?" Tanong ni Rocco.
"Both?" Kibit balikat pa siya.
Binigay na sa akin ni Zion ang mga kailangan ko sa misyon. Baril at ibang gadget katulad ng earpiece para may communication ako sa head quarter.
Wala akong choice kaya sinama ko na rin ang ibang agent na pinadala ni Zion. Pinuntahan na rin namin yung location na sinabi ni Yuan.
"Nakarating na ba kayo sa location?" Tanong ni Zion.
"Yes."
"Tandaan mo, Aaron. Huwag ka padalos dalos sa mga kilos mo. Hindi mo alam kung patibong lang ba ito o hindi. Maging alerto ka. Huwag mo muna pairalin ang init ng ulo."
"I know."
Naghiwlay hiwalay na kami ng ibang agent para napadali ang trabaho namin. Habang naglalakad ako ay may naririnig akong mga yapak ng paa palalapit sa direksyon ko.
Bubunutin ko na sana yung baril ko pero nakaramdam ako na tinutukan na niya ako ng baril sa ulo. Imbes ay tinaas ko ang mga kamay ko bago humarap. Laking gulat ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
"Aaron?" Kahit siya ay nagulat rin pagkakita sa akin.
"Surprise." Nakangisi ako sa kanya.
"Bakit?"
"Yeah, why? Bakit nga ba? Alam kong maraming bakit diyan sa isipan mo ngayon, Britney."
Nakita ko kung paano niya binaba ang hawak niyang baril. Isa lang ibig sabihin nito may ideya siya kung ano ang ginagawa ng ama niya pero hindi man lang niya sinabi sa akin. Sa simula pa lang ay hindi na niya ako pinagkatiwalaan.
Ikaw rin naman ah. Hindi mo nga sinabi sa kanya kung sino ka ba talaga.
Shut the fuck up, brain!
"Gusto ko malaman kung ang pangalan mo ba talaga ay Aaron Villanueva."
"No, my real name is Aaron Ventura." Walang gana kong sagot pero bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"B-Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala si Aaron Ventura?"
"Wala akong ideya kung bakit hindi ko sinabi sa inyo ang tunay kong pagkatao. Pero ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ko iyon ginawa."
"Ano ang dahilan mo?"
"Because of your father. Ngayon pa nalaman ko siya pala ang matagal ko ng hinahanap."
"Aaron–" Inalis ko ang earpiece bago tinapon sa semento at inapakan.
"Ano ang ginawa ni papa sayo?"
"He killed my parents." Nandoon pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. "I'm here to avenge my parents' death."
"Hindi magagawa ni papa iyan. Inaamin kong masamang tao si papa pero hindi niya magagawang pumatay ng tao."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may alam kang isang mafia ang ama mo."
"Hindi ko magawa dahil maraming tauhan si papa na nagbabantay sa akin at hindi ko siya pwedeng suwayin sa lahat na utos niya sa akin. Kahit hindi anak ang tingin niya sa akin dahil mas mahalaga pa sa kanya ang negosyo at pera niya. Ang tingin lang niya sa akin ay isang puppet, hindi anak." May luhang pumapatak sa pisngi niya. "Hindi niya iniisip ang kaligayahan ko dahil ang iniisip lamang niya ang kaligayahan niya."
BINABASA MO ANG
One Great Love
RomanceAgent Series # 7 Aaron Ventura is one of the best agent. Pero hindi alam ng mga kasamahan niya kung bakit siya pumasok sa pagiging agent. Ano nga ba ang dahilan ni agent Ventura kung bakit siya pumasok sa pagiging agent? Until he met Britney Watson...