Sasabihin ko ba o hindi?
Ginulo ko ang buhok ko dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kapag sinabi ko sa kanya na isang mafia boss ang ama niya ay baka hindi siya maniwala at magalit pa siya sa akin.
Ah! Damn it! What should I do?
"Huy!" Napaangat ako ng tingin at nakita kong nasa harapan ko na si Yuan. "Mukhang may problema ka ngayon ah. Ano meron?"
"Noong nakaraang araw kasi may natuklasan ako. Konektado sa misyon ko, bro."
Wala yung iba dahil malapit na ikasal si Oliver at lahat sila ay pumunta sa boutique ng asawa nila Rocco at Zion. Hindi kasi ako sigurado kung makakaattend ako kasal ni Oliver dahil sa misyon kong ito at naiintindihan naman niya. Ewan ko lang si Yuan kung pupunta sa kasal.
"Ano yun?"
"Natuklasan ko si Bernard Watson ang mafia boss ng Dark Abyssal."
"Anong problema doon?"
"He is the father of Britney Watson. Yung instant girlfriend ko."
"Hindi mo masabi sa kanya dahil ayaw mong masaktan iyang girlfriend mo. Umamin ka nga sa akin, Ron mahal mo na ba yang girlfriend mo?"
"Matagal na kaming hiwalay ni Britney. Kung nalaman ko nga lang nang mas maaga na si Bernard Watson ang mafia boss ay sana hindi ako pumayag na makipag hiwalay sa anak niya. Tanga ko kasi, eh. Nandoon na, pinakawalan ko pa."
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo, Ron."
"Anong tanong ba yun?"
"Mahal mo na ba siya?"
"Bro, kahit kailan ay hindi ko magagawang mahalin ang babaeng iyon. Kung hindi lang ako tinangkang ipapakulong ng ama niya ay hindi talaga ako papayag maging girlfriend iyon. May usapan kami ni Britney na kapag walang bunga ang nangyari sa amin ay hihiwalayan ko siya."
"Paano kung nagkaroon ng bunga?"
"Kahit labag sa kalooban ko ay papakasalan ko siya. Ginagawa ko ito para sa bata hindi sa ina."
"Hindi na ikaw ang kilala kong Aaron." Tumalikod si Yuan sa akin para kumuha ng mauupuan.
"Bro, anak siya ng kalaban at hindi ako pwede magkakagusto sa kanya. Kung alam lang niya kung ano ang ginagawa ng ama niya ay baka siya pa ang kumausap para huwag na niya ituloy kung ano man ang plano niya."
Nilagay ni Yuan ang silya sa harapan bago pa siya umupo.
"Ang tanong, makikinig ba si Bernard Watson sa anak niya?"
"Iyon ang hindi ko alam."
Marami pa kasing puzzle pieces ang kulang rito bago ko makuha ang buong clue na kailangan ko.
All I know, si Bernard Watson ang mafia boss ng Dark Abyssal at kailangan ko lumapit sa kanya para makakuha pa ng ibang clue magtuturo sa akin kung saan ang hideout nila.
"Bakit hindi mo ligawan ang anak niya?" Kumurap ako sa suggestion ni Yuan.
"Liligawan ko si Britney? Paano– I mean, ni hindi ko nga alam kung saan sila nakatira. Wala ako kahit contact number niya."
Once or twice ko lang siya nakita bago pa kami naghiwalay ng tuluyan. Pagkatapos ng hiwalayan ay hindi na kami nagkita pang muli. Busy na kasi ako rito sa misyon ko.
"Bakit hindi mo bali–" Hindi natapos ang sasabihin ni Yuan noong marinig namin ang boses ng iba. Nakabalik na pala sila.
"Mabuti nandito ka, Aaron." Sabi ni Zion pagkakita niya sa akin.
"Bakit?"
"Hindi ko alam kung konektado ba sayo ito pero may nakita akong article tungkol sa pagpatay sa magasawang Ventura."
"They are my parents. Pinatay sila ng isang mafia. Sorry kung hindi ko sinabi sa inyo dahil ayaw ko pa kayo madamay rito."
"I see. We understand why you didn't tell us about this. At may nakuha akong information kung sino pumatay sa kanila."
"Sino?" Kunot noo kong tanong. Malapit ko na malaman kung sino ang pumatay sa mga magulang ko. Imbes na sagutin ako ni Zion ay may inabot siya sa akin isang folder.
Kaagad ko binuksan ang folder para alamin kung sino ang pumatay sa mga magulang ko. Laking gulat ko kung sino ang pumatay sa kanila.
Napamura ako sa nababasa ko ngayon. Nandoon na binitawan ko pa. Ang lapit na sa akin noong taong iyon. Ngayon may ideya na ako kung sino pumatay sa mga magulang ko. Hindi ko na papalampasin ang pagkakataon na ito.
"Ano na ang binabalak mo ngayon, Aaron?" Tumingin ako kay Zion.
"Papatayin ko siya kung paano niya pinatay ang mga magulat ko." Sabi ko habang nakayukom ang kamao ko.
"Teka, Ron. Delikado iyang gagawin mo. Masyadong malakas ang kakalabanin mo."
"I agree with Yuan. Hindi ako papayag na gawin mo iyan."
"Kung buhay sa buhay ang labanan ay wala akong pakialam! Kinuha niya sa akin ang buhay ng mga mahalaga sa akin!"
"Naiintindihan kita, pre. Alam mo naman ang kalagayan ko dahil pinatay rin ng kalaban ang mga magulang ko. Ang pagkaiba lang natin ay yung akin dahil sa politiko, ang sayo ay hindi ko alam ang dahilan."
"Hindi ako pwedeng walang ginagawa rito habang nagpapasarap ang hayop na yun!" Nalabas ko tuloy ang galit ko kay Zion dahil sa taong iyon. "Hahanapin ko ang hideout niya."
"Bro, huwag ka padalos-dalos."
Ang masaklap pa damay rin dito si Britney. Ama niya ang matagal ko ng gustong hanapin.
Gusto ko sumigaw. Gusto ko ilabas lahat na galit ko na kinikimkim ko ng ilang taon.
Wala ako sa sarili habang patawid sa kabilang kanto hanggang sa may humatak sa akin.
"Nagpapakamatay ka ba?" Tanong niya sa akin.
Humarap ako sa kanya. Ang babaeng ayaw ko na muna makita ngayon pero siya ang nakita ko. Damn it.
"Sana hinayaan mo na lang akong mamatay!"
"Bakit mo sasayangin ang buhay mo?"
"Hindi mo maiintindihan kung bakit sasayangin ang buhay ko."
"Paano ko naman maiintindihan kung hindi mo sinasabi sa akin. Siguro nga ilang buwan pa lang tayo nagkakilala."
Ayaw ko sabihin sa kanya dahil sigurado akong hindi siya maniniwala sa akin.
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko at ngayon lang ulit ako umiyak. Niyakap ako ni Britney. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil paniguradong wala siyang alam sa ginagawa ng ama niya.
Paano kung meron?
Ayaw ko na muna isipin na meron nga siyang alam sa nangyayari at nagpapanggap lang siya.
"Paano kung may isang mahalagang tao sayo ay namatay at nalaman mo kung sino ang pumatay sa kanya, ano ang gagawin mo?" Tanong ko kay Britney.
"I don't know. Magagalit ako sa taong iyon dahil pinatay niya ang mahalagang tao sa akin at hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Bakit mo naitanong sa akin iyan?"
"Someone killed my parents and I found out who's the killer a while ago."
"Oh my... Sorry, I shouldn't ask that."
"You still love me, right?" Tumango siya sa akin. "Hindi ba magbabago ang nararamdaman mo sa akin kapag nalaman mo ang tunay kong pagkatao?"
BINABASA MO ANG
One Great Love
RomanceAgent Series # 7 Aaron Ventura is one of the best agent. Pero hindi alam ng mga kasamahan niya kung bakit siya pumasok sa pagiging agent. Ano nga ba ang dahilan ni agent Ventura kung bakit siya pumasok sa pagiging agent? Until he met Britney Watson...