Chapter 12

465 20 0
                                    

Ilang araw na ako hindi lumalabas dahil tinatapos ko pa ang painting na ginagawa ko. Halos isang buwan na rin siguro ako nakakulong sa babay at malapit na rin matapos ang suspension ko. Para tuloy akong bumalik sa pagiging estudyante dahil sa suspension. Sanay na rin naman ako sa ganoon kasi ganoon ako noong nagaaral pa ako. Pasaway at hindi marunong makinig sa ibang tao except my parents. Palagi ko sila sinusunod sa gusto nila. Supportive naman sila sa pangarap ko maging artist at natupad ko naman iyon.

Noong isang araw ay nagpasya akong lumabas ng bahay para bumili ng makakain ko pero nakasalubong ko ang pinsan ni Britney sa daan. Kumunot ang noo ko nang banggitin niya naghahanap ng mapapangasawa si Britney.

What the hell?

Ano na naman ang pumasok sa utak noon at naisipan niya maghanap ng magiging asawa? Malayo pa ang edad niya para lumagpas siya sa kalendaryo. Kaya imposible iyon ang dahilan niya.

Gabi na rin at sigurado akong pumupunta iyon sa mga club. Kaya nagpasya rin ako pumunta ng club kung saan ang una at huli namin kita ni Britney.

Tumikhim ako noong makita ko siyang nakaupo lang sa lounge na magisa na dahilan napalingon siya sa akin.

"Hi." Nakangiting bati ko sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong niya sa akin.

"Kailangan bang may dahilan para pumunta sa club? Anyway, may kasama ka ba?"

"Wala akong kasama. Bumalik na kasi ng Japan si Coleen kanina." Tumango ako sa kanya at umupo sa harapan niya.

"I see. Nagkita nga pala kami ng pinsan noong isang araw at binanggit niyang naghahanap ka daw ng magiging asawa."

"What? Sinabi niya iyon? Baliw talaga si Coleen. Nagiisip lang ako noong mga panahon na iyon since wala na rin si papa ngayon kaya magisa na lang ako pero hindi ako seryoso."

"Sayang. Balak ko sana magapply bilang asawa mo."

"Hala, seryoso ka?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Yes, I'm serious."

"Pero malaki ang kasalanan ni papa sayo tapos gusto mo ko pakasalan. At hindi rin ako marunong sa gawaing bahay kaya hindi ako qualify maging wife."

"Hindi mo kailangan ang magtrabaho sa bahay. Ang kailangan ko ay may makasama sa habang buhay at ina ng magiging anak ko."

"Pero bakit? Hindi mo naman ako mahal ah. Ah, alam ko na. Because of my money?"

Kumunot ang noo ko. Iniisulto daw ba ako. Ako na nga mismo ang nagaapply sa kanya bilang husband para hindi siya mapunta sa maling lalaki.

"I don't need your damn money. All I need is your..." Tinuro ko ang kanyang dibdib. "The way you love me."

Hindi na sumagot pang muli si Britney dahil yumuko na ito at narinig ko ang paghikbi niya. Hindi kasi ganoon kalakas ang music sa club ngayon.

"Hey, may nasabi ba ako?"

"Sorry." Pinunasan na niya ang kanyang luha. "Masaya lang ako kasi may lalaki pa pala na kaya akong tanggapin."

"Oo naman."

"Pero may tanong pa ako sayo. Kung ayos lang ba."

"Okay. Shoot."

"Ano ba talaga ang trabaho mo? I know you're a former artist pero hindi ka naman mabubuhay kung wala kang trabaho ngayon."

"I'm a secret agent. Kaso suspend ako ngayon dahil hindi ko sinunod ang utos ng superior namin."

"Kaya ka ba naging agent para hanapin ang pumatay sa mga magulang mo? Which is my father." Tumango ako. Iyon lang naman ang dahilan ko kung bakit ako pumasok sa pagiging agent. "Pero ngayon wala na si papa. May balak ka pa rin ba bumalik sa pagiging agent mo?"

"I don't know. Maybe dahil napamahal na rin sa akin ang trabaho kong iyon at baka hanapin ko yung mga kaingayan ng mga kasamahan ko doon."

Kung paano nila pinagkaisahan si Miguel gusto nilang lahat na maging seryoso na siya sa babae. Baka siya pa ang maging kawawa dahil mapag iiwanan na talaga siya. Ang pagkaalam ko kasi may girlfriend si Yuan noong nasa ibang bansa pa siya pero hindi ko alam kung sila pa rin noong girlfriend niya. Wala kasing binabanggit sa akin si Yuan kahit pangalan ng girlfriend niya.

"Pero hindi ko naman sinabing hindi na ako babalik sa pagiging artist ko. Kaso kailangan ko ng inspiration para sa magiging masterpiece ko."

"Bakit hindi na lang ako ang gawin mong inspiration?"

"Speaking of that, may papakita ako sayo." Tumayo na ako. "Tara."

Pagkarating namin sa bahay ay inalok ko si Britney na pumasok.

"Bahay mo ito?" Tanong niya.

"Yup. Sorry kung maalikabok dahil ilang taon ako hindi umuuwi noon at nagkaroon rin ako ng injury kaya hindi ko nalisin rin." Tumingin ako sa kanya. "Close your eyes."

Hindi na nagtanong pa si Britney dahil sinunod niya ang sinabi ko. Pinikit na niya ang kanyang mga mata at inilalayan ko siya hanggang sa kwarto ko. Kinuha ko ang bago kong masterpiece nakapatong lang sa kama.

"Okay, you can open your eyes." Sabi ko kaya binukas na niya ang mga mata niya.

"Ang ganda naman."

"Ilang araw na ako hindi lumalabas ng bahay para matapos ko lang itong painting."

Ginawa ko talagang inspiration ngayon si Britney at hindi lang iyon dahil siya pa ang pinipili ko maging masterpiece.

"Thank you, Aaron. But wait, ang sabi mo ilang araw ka na hindi lumalabas dito? Wala ka bang gagawin sa trabaho?"

"Hindi ko ba sinabi sayo kanina na suspend ako ng isang buwan dahil hindi ko sinunod yung utos ng superior namin."

"Oo nga pala. Naalala ko na. Musta na pala ang tama mo?"

"Hindi pa masyado magaling pero nagagamit ko na ang isang braso ko kahit pa paano."

"That's good. Um, pwede bang akin na lang itong painting? Ipapalagay ko ito sa kwarto ko."

"Sure. Ibibigay ko naman talaga sayo iyan kapag nagkita tayo. Hatid na kita sa inyo."

"Huwag na. Kaya ko naman umuwi magisa."

"Hindi ako papayag, Britney. Masyado ng gabi at delikado na sa labas ngayon."

"Sige na nga. Kung mapilit ka talaga."

Sabay na kami ni Britney na lumabas sa kwarto ko at napatingin ako sa mga kamay namin noong hawakan niya kaso binawi niya kaagad ang kamay niya.

"Hold my hand if you want." Nilahad ko ang kamay ko at nakita kong natuwa si Britney kaya hinawakan na niya ulit ang kamay ko.

"Aaron, bakit mo ito ginagawa? I mean bigla ka nagapply maging asawa ko. I'm sure wala kang balak gumanti sa mga kasalanan ni papa lalo na wala na siya ngayon."

"Nah, labas ka sa gulo na pinasok ng ama mo."

"Hindi ako makapaniwala na magagawa ni papa ang pumatay ng tao para ipaghiganti ang pagkamatay ni mama."

"Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ng mga magulang ko sa mangyari sa mama mo. Ang pagkakilala ko sa kanina ay mabait at matulungin sa kapwa."

Mahigit isang buwan na hindi ko napapanaginipan iyon. Mukhang nanahimik na sila mama kahit malaki rin ang kasalanan nila sa pamilya ni Britney.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila ay pareho kami bumaba ng kotse pero nandito lang ako nakatayo sa labas ng bahay nila. Hindi tama pumasok ang isang lalaki sa bahay ng babae sa ganitong oras.

"Pasok ka na." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Bagay sayo ang ngumiti. Sige, papasok na ako sa loob. Good night." Pinanood ko lamang si Britney na pumasok sa loob ng bahah nila.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Yuan.

"Napatawag ka, bro."

"Ron, I need your help."

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon