Chapter 1

788 17 0
                                    

Walang minuto na hindi ko tinitingnan ang file na binigay sa akin ni Zion tungkol sa misyon ko. Mafia itong kakalabanin ko, pero bakit ako kinakabatan? At hindi ito ang unang beses na binigyan ako ng mabibigat na misyon ni Zion.

Habang naglalakad ako ay doon pa rin sa hawak kong file ako nakatingin hanggang sa may nabangga ako.

"Ouch!" Pupulutin ko na sana yung file na hawak ko ng may narinig akong boses.

"I'm sorry, miss." Nilahad ko ang kamay ko para tulungan siya tumayo. "I'm really sorry."

"No, it's okay." Pinagpagan na niya ang kanyang suot.

Kukunin ko na sana yung file na nabitawan ko kanina noong nagbanggaan kami noong babae.

"BW?" Pagkapulot niya doon sa file kaya agad ko inagaw sa kanya. Wala pwedeng makaalam kung bakit ako merong ganito.

Tangina mo, Aaron. Hindi ka marunong magingat.

"Hey! Mister nakabangga sa akin kanina!" Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. "Bakit may ganyan kang information? Isa ka bang pulis?"

"Miss, I'm sure you know the word of mind your own business, right?"

"Aba, ang yabang mo ah. Hindi mo ba kilala kung sino ang kausap mo?"

Kunot noo akong tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Sino ka ba?"

"May tao pa pala hindi nakakilala sa akin. Ako lang naman ang anak ng pinakamayang negosyante na si Bernard Watson. I'm Britney Watson." Nilahad niya ang kanyang kamay kaso tiningnan ko lang iyon.

"Miss or whatever your name is ay wala akong oras sayo."

"Britney nga ang pangalan ko."

"Okay, ms. Britney. Masaya ka na?"

"Anyway, tungkol diyan sa..." Turo niya yung file na hawak ko. "Pero may alam ako na isang company na BWG ang pangalan."

Pagkakatiwalaan ko ba ang babaeng ito? Ngayon ko pa lang siya nakilala para pagkatiwalaan ko. Kailangan ko maging alerto sa lahat na bagay. Iyon lagi ang sinasabi sa akin ni Kurt noon siya pa yung superior namin.

"BWG?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Kailangan ko rin makakuha ng information baka itong sinasabi niyang BWG ay konektado sa misyon ko.

"Yes. You heard me, mister."

"Okay. Saan banda itong BWG na sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.

Tinuro niya sa akin ang direksyon papunta sa BWG.

"Kung maligaw ka ay magtanong ka na lang sa mga taong dumadaan doon."

"Okay. Thanks." Tumalikod na ako sa kanya para puntahan na yung hinahanap ko.

Sabi nga ni Zion sa akin ay wala sila masyadong nakuhang information tungkol sa pinapagawa niyang misyon sa akin.

Palinga linga ako sa paligid ko pero hindi ko makita yung building nang BWG iyon.

Fuck. Naloko na!

Humanda talaga sa akin ang babaeng iyon kapag nakita ko siya ulit. Dapat hindi ako agad naniwala sa hindi ko pa ganoon kakilala.

Frustrated akong bumalik sa head quarter. Unang araw ng misyon ay palpak kaagad. Hindi pala ganoon kadali ang misyon na ito. Kailangan ko pa kumuha ng information para mahanap ko na ang mafia na ito. Habang nasa misyon ako ay kukuha na rin ako ng lead kung sino ang pumatay sa mga magulang ko.

"You looks frustrated, bro." Binaling ko ang tingin kay Yuan.

"Oo, eh. Hindi ko kasi alam kung saan ba ako magsisimula. Wala masyadong nakuhang information sina Zion at Oliver para dito."

"I can help you, Ron."

"Really?" Biglang sumigla ang mukha ko.

Tumango siya sa akin.

"Yup. Wala rin naman binigay na misyon sa akin si Zion kaya wala rin ako masyadong gagawin ngayon."

"You're a life saver, Yuan." Mabuti na nga lang may kaibigan akong tutulong sa akin sa misyon kong ito. Marami na rin ang naitulong ni Yuan sa akin kahit noong nasa high school pa kami.

"BW, right?" Tumango ako sa kanya. "Sa dami pa naman may initials na BW sa buong mundo."

"May nabangga ako kanina at binanggit niya ang BWG. Baka may connection ang information na ito sa company na iyon."

"BWG? Ang pagkaalam ko ay sikat ang company na yan. Madalas ko rin kasi nakikita sa TV ang pangalan na yan pero hindi ko pa nakikit ang CEO."

"Kung ganoon hindi nagpapakita sa TV ang CEO ng BWG. Pero huwag mo rin sana kalimutan na isa rin mafia ang BW na ito."

"I know." Binalik na ni Yuan ang tingin sa laptop at nagsimula na kumuha ng information. "Heto. May nakita akong information pero hindi ako sigurado kung makakatulong ito sa misyon mo."

Nilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa screen para makita ang nakuhang information.

"Dark Abyssal?"

"Pangalan ng isang mafia. Ayon dito ang Dark Abyssal ang pinaka malakas na mafia sa buong mundo. Wala may gustong lumapit o kumalaban sa kanila."

"Hindi kaya may kinalaman iyan sa misyon ko ngayon? Anyway, may makukuha ka ba kung saan ko mahahanap ang BWG?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Sorry, bro. Wala ako nakuha kung saan ang saktong lugar. Mahirap pasukin ang ibang information."

Kulang pa ang information ko rito para mahanap ang mafia nila na Dark Abyssal.

"Bakit hindi ka tumanggi na binigay ni Zion sayo itong misyon? Alam kong may dahilan ka. Kilala kita, Ron."

Tumingin ako kay Yuan bago bumuntong hinga.

"Pinatay ng isang mafia ang mga magulang ko."

"What? May alam ka ba kung anong mafia ang pumatay sa kanila?" Mabilis akong umiling kay Yuan.

"Wala akong ideya. Kaya ko ito kinuha baka konektado itong misyon ko at doon sa pumatay sa mga magulang ko o kahit man lang makakuha ako ng clue kung sino."

"Naniniwala akong makakahanap ka ng clue kung sino pumatay sa kanila."

Sana nga...

Bigla ko naalala yung tumawag sa akin noong isang araw. Kung gusto ko daw gumanti sa pagpatay niya sa mga magulang ko ay hahanapin ko siya. Talagang hahapin ko siya at ako mismo ang papatay sa kanya dahil hindi ko siya mapapatawad sa pagpatay sa inosente. Malabong may nakaaway na isang mafia ang mga magulang ko.

Nagpaalam na ako kay Yuan. Since gabi na rin naman ay nagpasya akong pumunta sa club. Gusto ko uminom buong gabi.

Pagkarating ko sa club ay isang malakas na music ang sumalubong sa akin sa labas, amoy ng sigarilyo at alak ang naamoy ko.

"Boss, yung dati." Sabi ko doon sa bartender. Regular customer na ako rito sa club na ito kaya alam na niya kung ano ang madalas kong inoorder.

"Okay po, sir."

Binigay na sa akin noong bartender yung order ko kaya nagsimula na akong uminom. Marami ngang babae ang lumalapit sa akin pero niisa ay wala akong pinatulan. Hindi ako ganoon. Pumunta ako rito para uminom, hindi ang makipag tukaan sa mga babaeng prosti.

Kumuha akong tissue at kinuha ko rin ang ballpen sa bulsa ko. Nagsimula ako magdrawing kung ano ang lumabas sa isipan ko. I know how to draw because I was an artist. Isa akong kilalang artist noon pero nagresign na ako noong namatay ang mga magulang ko. Sila kasi ang inspiration ko kaya maraming kumpanya ang kumukuha sa akin pero ngayon... wala na.

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon