Chapter 20

520 16 0
                                    

Kinakabahan ako dahil ngayon ko pa lang ito gagawin sa buong buhay ko. Si Britney pa lang ang first girlfriend ko.

"Um, Brit." Tumingin sa akin si Britney kaya tumayo na ako. Lumuhod na ako sa harapan niya saka nilabas ang singsing. "Alam ko sobrang bilis ng pangyayari dahil hindi pa ganoon katagal ang relasyon natin but I can't wait to call you mine. Will you–"

Ugh. Kinakabahan talaga ako. Paano kung ireject ako ni Britney? Nakakahiya dahil ang daming tao ang napapalingon sa amin.

Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kaba ko sa dibdib.

"Will you marry me?"

Nakita ko ang pagluha ni Britney bago pa siya tumango sa akin. Napangiti ako dahil pumapayag siyang magpakasal sa akin.

"Yes!" Sinuot ko na sa daliri niya ang singsing. "Thank you."

"Ito pala ang plano ngayon ah." Sabi niya.

"Sa totoo lang matagal ko ng plano magpropose sayo pero bigla nga nagkaroon ng emergency sa trabaho. Kapag gagawin ko na ulit ang plano ay ang gusto ko yung hindi na mauudlot."

Pagkatapos nangyari sa restaurant ay hati nga kami sa bills. Hindi na ako umangal pa noong naglabas ng pera si Britney. Nawala sa isipan ko isa nga pala siyang spoiled brat at kahit anong gusto niya ay makukuha niya.

"Nagustuhan mo ba yung mga pagkain?" Tanong niya sa akin.

"Yup, masarap yung mga inorder mo."

Ang totoo niyan ay hindi ko na kayang ilunok yung ibang pagkain sa sobrang busog ko na. Pinipilit ko na lang ubusin yung nasa plato ko at pinatake out na lang namin yung mga natira.

Pagkahatid ko si Britney sa kanila ay kukunin na sana niya yung tinake out namin pagkain.

"Akin na lang iyan. Para may pagkain ako bukas." Sabi ko.

"Sige." Hinalikan na niya ako sa pisngi.

Imbes na sa bahay ako dumeretso ay sa head quarter ang punta ko. Pagkarating ko doon, si Yuan na lang ang tao.

"Nandito ka pala. Musta naman ang pagpropose mo kay Britney?"

"She said yes. Sabi ko naman sayo mapapa yes ko siya dahil alam kong mahal niya ako."

"Congrats sa inyo." Binalik na niya ang tingin sa screen ng laptop. "Tumawag pala yung family doctor namin at sinabi niya sa akin may nahanap na daw siya kung sino pwede maging surrogate mother."

"That's great. May idea ka ba kung sino ang nakuha ng doctor niyo?"

"Wala akong ideya. Hindi na importante kung sino ang kinuha niya para maging surrogate mother. Ang importante ay bigyan niya ako ng anak para tumigil na si mama sa pangungulit sa amin."

"Wala kang ideya. Paano kung panget pala yung nakuha niyang surrogate mother? Sayang lahi mo, bro."

"Kilala ko yung family doctor namin at paniguradong hindi siya maghahanap nang panget na babae."

Pumuwesto na ako sa tabi ni Yuan at tinitingnan ang binabatayan niya ngayon.

"Kailan pala gaganapin ang kasal niyo? I'm sure mamadaliin mo rin ang kasal." Ngumiti ako sa kaibigan. Tama siya. Gusto ko na kasi makasama si Britney.

"Maybe next month. Basta umattend ka ah."

"You have my word, bro. Ako kaya ang kukunin mong best man."

Ang balak mo ay iimbitahin ko rin yung iba sa kasal namin. Kahit si Kurt kaso wala nga pala akong contact ni Kurt.

"May number ka ba ni Kurt?" Lumingon saglit sa akin si Yuan.

"Meron. Bakit?"

"Pwede ko bang kunin? Iimbitahin ko rin kasi siya sa kasal namin."

Binigay na sa akin ni Yuan ang contact number ni Kurt. Baka bukas ko na lang siya tatawagan. Siguradong busy siya ngayon sa pamilya niya. Ayon sa naririnig ko ay ayaw ni Kurt na lumayo ng matagal sa asawa niya or let say under daw sa asawa niya. May nangyari siguro sa kanila kaya ayaw na niyang mawala ang asawa sa kanya.

Kinabukasan ay medyo tinanghali na ako ng gising dahil anong oras na ako nakauwi. Kakain na sana ako ng pananghalian na may nagdoorbell. Sino naman kaya ang bibisita sa akin?

Ngumiti ako makita kung sino ang bumisita sa akin ngayon.

"Ngayon ka lang ba nagising?" Tanong niya sa akin.

"Yup. Dumeretso pa kasi ako sa head quarter pagkahatid ko sayo kagabi at anong oras na ako nauwi." Niluwagan ko na ang pinto para makapasok siya sa loob. "Wala ka bang pasok ngayon?"

"Wala sana dahil weekend ngayon kaso hindi pa ako tapos sa ginagawa kong trabaho."

"Baka nakaisturbo ako sayo ah."

"Ayos lang. Gusto rin kasi makita ka ngayon."

"Kumain ka na ba?"

"Yes, I'm done." Sagot niya.

"Ngayon pa lang kasi ako kakain." Tunalikod na ako sa kanya para bumalik sa kitchen at makakain na rin ako. "Sino nga pala ang naghatid sayo rito?"

"Nagcommute lang ako papunta rito." Nilingon ko si Britney. Isa siyang anak mayaman pero kaya niya kung paano magcommute.

"Hindi ba delikado sa kagaya mo ang magcommute? I mean, kilala ka ng mga tao. Wala ako palagi sa tabi mo para protektahan ka."

Handa akong ibuwis ang buhay ko para protektahan si Britney. Isa iyon sa trabaho namin bilang agent. Ang protektahan ang mga mahalagang tao sa amin sa mga kalaban.

"Nakalimutan mo yata isang mafia si papa at noong high school pa lang ako ay tinuruan ako ng isa niyang tauhan kung paano gumamit ng baril. Para kaya kong protektahan ang sarili sa mga gustong pumatay sa pamilya namin." Sumimangot ako dahil hindi ko rin pala mapoprotektahan si Britney dahil may alam siya kung paano gumamit ng baril. "Kaso hindi ko pa nagawang pumatay ng tao kahit may alam ako gumamit ng baril."

"Bakit?" Tanong ko habang kumakain.

"Natatakot ako. Para bang may pumipigil sa akin na huwag ko ituloy ang gagawin ko. Kaya si papa o isa sa mga tauhan niya ang nagtatapos." Kahit hindi ako nakatingin ay pakiramdam ko nakatingin sa akin si Britney. "Ikaw ba? Hindi ka ba natatakot sa pwedeng mangyari sayo?"

"Before? Hindi ako natatakot mamatay sa isang misyon dahil ako na lang kasi ang magisa sa buhay. Wala na akong pamilyang babalikan pa."

"Wala ka bang ibang kamag anak?"

"Wala. Kung meron man akong ibang kamag anak paniguradong hindi ko sila kilala. Kahit minsan ay walang binabanggit ang mga magulang ko tungkol sa kamag anak namin."

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon