Britney's POV
Alam kong sinabi sa akin ni Aaron na ayaw niyang kinakaawaan siya pero ngayon ay naawa ako sa kanya. Kahit hindi kami ganoon kadalas noon magkita ay ngayon ko pa lang siya nakitang umiyak. Ganoon ba talaga kalaki ang problema niya?
Noong tinanong niya ako kung paano kapag nalaman kong may pumatay sa mahalagang tao sa akin, ano ang gagawin ko. Hindi ko inaasahan tatanungin niya ako ng ganoon. Is all about my father? I don't know dahil wala naman sinasabi si Aaron sa akin na kilala niya si papa. At alam ko rin kung ano ang ginagawa niya. Isa siyang mafia boss. Kahit gusto kong tumigil na siya sa ginagawa niya pero hindi ko magawa. I'm one of his puppet pero kahit ganoon si papa ay minsan pumapayag siya sa iba kong gusto gaya ng pagpayag niya na maging boyfriend ko si Aaron dahil tinawagan niya ako kung bakit hindi ako umuwi noong gabing iyon at hindi ako pwede magsinungaling sa kanya dahil alam kong may nagbabantay sa akin na tauhan niya.
Pero ang mas hindi ko inaasahan noong tinanong niya ko kung mamahalin ko pa rin ba siya kapag nalaman ko ang tunay niyang pagkatao. Doon ako hindi kaagad nakasagot dahil ang daming katanungan na hindi ko matanong sa kanya. Kapag tinanong ko kasi siya baka sabihin lang niya sa akin ay masyadong personal na ang tanong ko. Gusto ko siya makilala ng lubusan.
Nag-hire na nga rin ako ng private investigator pero wala siya makuhang information tungkol kay Aaron Villanueva. Sinasabi niya rin baka hindi talaga Aaron Villanueva ang tunay na pangalan na pinapahanap ko sa kanya. Sino nga ba talaga siya? Hindi kaya...
Sana mali ang iniisip ko.
"Hindi mo na ba ako magagawang mahalin kapag nalaman mo na ang pagkatao ko?" Bumalik ako sa katinuan noong tanungin ulit ako ni Aaron at tumingin ako sa kanya.
"Sino ka ba talaga?" Sabi ko nga maraming katanungan ang gusto kong tanungin sa kanya. Kahit personal na.
Imbes na sagutin niya ang katanungan ko ay isang iling lang ang sinagot niya sa akin. Paano ko naman malalaman ang pagkatao niya kung hindi niya sinasabi sa akin. Isa ba talaga siyang killer?
"Sabi ko nga sayo ayaw kitang madamay sa buhay ko ngayon kaya hindi ko masabi sayo kung sino ba talaga ako."
"Paano kita matatanggap kung hindi mo masabi sa akin."
Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nagkakagusto sa isang lalaki. Sila ang may gusto sa akin dahil anak ako ng pinaka sikat na negosyante, mayaman, maganda at matalino pero hindi nila magawang lumapit sa akin kasi may bantay ako palagi noong nagaaral pa ako. Ang akala ko nga hindi na ako pinapabantay ni papa sa mga tauhan niya noong kinausap ko siya pero iyon pala ay pinapabantay pa rin niya ako sa malayo. Akala siguro ni papa hindi ko mapapansin yun.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan, Britney hindi ka pa talaga sigurado diyan sa nararamdaman mo para sa akin." Sabi niya sa akin. "Kung sigurado ka na ba talaga diyan ay tatanggapin mo ko kung sino man ako. Pero hindi ko naman sinabi sayo na mahalin mo talaga ako. Gaya ng sinabi sayo noon ay huwag ka basta-basta maniniwala sa tao nasa paligid mo dahil hindi ka sigurado kung wala ba sila gagawing masama sayo o sa pamilya mo."
Tumalikod na siya sa akin.
"Sana sa susunod na pagkikita natin ay yung sigurado ka na diyan sa nararamdaman mo."
"Bakit? May gusto ka na rin ba sa akin?"
Imbes na sagutin ako ni Aaron ay umalis na siya sa harapan ko. Iniwanan niya ako magisa rito na hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.
Ano ka ba, Britney? Umaasa ka bang mamahalin ka rin niya? Pera lamang ang gusto nila kaya sinubukan nilang lumapit sayo kaso hindi nila magawa.
Mapatingin ako sa phone ko noong tumunog iyon. Tumatawag sa akin ang pinsan kong si Coleen. Close kami ni Coleen simulang mga bata pa lang kami pero ang pagkaalam ko ay nasa ibang bansa siya ngayon ah.
"Napatawag ka yata ngayon." Bungad ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag.
"Girl, puntahan kita sa inyo mamaya ah."
"Wait. Nasa Pilipinas ka ngayon?"
"Of course. Imposible naman na pupuntahan kita sa inyo kung wala ako ngayon sa Pilipinas." Inikot ko ang mga mata ko dahil sa sagot nito.
"Oo na. Alam ko naman miss mo na ang maganda mong pinsan."
"Pardon? Sa atin dalawa, ako ang pinaka maganda, Brit."
"Yeah, whatever. Anong oras ka pupunta sa bahay?"
"Exact 6."
"Siguraduhin mo lang saktong 6 ka pupunta mamaya kung ayaw mo hindi na kita papasukin sa bahay kahit kailan." Kilala ko kasi itong si Coleen masyadong mabagal kung kumilos. Tinalo pa ang pagong sa sobrang bagal. Kaya minsan ay naiinis ako sa kanya sa sobrang bagal dahil nahuhuli na kami sa unang klase namin.
"Yes, ma'am."
Pagkauwi ko sa bahay ay ano pa nga ba ang maasahan ko rito. Makikita si papa nandito sa bahay? Nah, that's impossible. Mas importante pa sa kanya ang pera niya kaysa sa sarili niyang anak pati rin ang mafia niya. Mga maids lang madalas kong kasama sa bahay dahil palagi naman wala si papa.
Pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga kaso may naalala pa ako kailangan gawin kaya tinawagan ko ang private investigator kaso hindi ko siya matawagan ngayon.
"Bwesit iyan. Kung kailan kailangan ko ng tulong mo doon ka hindi matawagan." Inis na sambit ko.
Kung ayaw sabihin ni Aaron sa akin tungkol sa pagkatao ay ako na ang gagawa ng paraan para malaman ko na talaga kung sino siya. Kahit magalit pa siya sa akin kapag nalaman niyang pinaimbestiga ko siya.
Sinubukan ko ulit tawagan ang private investigator at mabuti na lang ay natawagan ko na siya ngayon.
"Bakit hindi kita matawagan kanina?" Inis kong tanong sa kanya.
"Sorry po, ma'am. Hindi ko nalamayang lowbat pala ako."
"Whatever." Sana man lang tinitingnan niya kung marami pa ba siyang battery o wala na. Bwesit rin, eh.
"May papagawa po ba kayo sa akin?"
"Gusto ko kumuha ka ng information tungkol kay Aaron Ventura."
Sana nga lang hindi talaga si Aaron itong Aaron Ventura dahil ang pagkaalam ko ay pinapahanap ni papa ang Aaron Ventura na iyon. Sa hindi ko alam kung ano ang atraso niya kay papa kung bakit siya pinapahanap.
BINABASA MO ANG
One Great Love
RomanceAgent Series # 7 Aaron Ventura is one of the best agent. Pero hindi alam ng mga kasamahan niya kung bakit siya pumasok sa pagiging agent. Ano nga ba ang dahilan ni agent Ventura kung bakit siya pumasok sa pagiging agent? Until he met Britney Watson...