Chapter 15

473 17 0
                                    

Madalas ko nakakausap si Yuan sa video calls pero palagi rin problemado ang kaibigan ko. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa kanya sa Japan. Kung may kinalaman ba ang problema niya sa misyon niya. Katulad ngayon problemado na naman ang loko.

"Ano ba kasi ang problema mo? Halos gabi-gabi ka tumatawag sa akin at mukhang bitbit mo na lahat na problema sa mundo."

"I saw my ex girlfriend."

"Wow. Alam ba niya nandiyan ka ngayon?"

"Wala siyang alam dahil hindi ako nagpapakita sa akin. Kung malaman niyang nandito ako ngayon ay baka awayin lang niya ako."

"Ano ba kasi ang ginawa mo kung bakit kayo naghiwalay?" Tanong ko. Wala, eh. Curious akoz sa nangyari sa kanila at the same time nahihinayang. Sayang ang apat na taon nila.

"Dahil tatlong taon ang tanda ko sa kanya ay bumibisita na lang ako sa university pero nakita ko rin ang batchmate ko doon at sa hindi inaasahan hinalikan niya ako."

"Hindi mo naman pala kasalanan ang nangyari."

"Iyon na nga pero ayaw niya maniwala sa akin. Kahit anong paliwanag ko sa kanya. Pumayag akong lumayo sa kanya kaso nauwi rin pala sa hiwalayan ang relasyon namin. Pero walang closure ang break up namin."

"Kulitin mo. Wala pala kayong closure na dalawa."

"Addict ka ba? Mas lalong nagalit iyon sa akin."

"Mahal mo pa rin ba ang ex mo?" Nakita ko ang pagtango ni Yuan. "Kung mahal mo pa rin siya ay gumawa ka ng paraan para magkaayos kayong dalawa. Malay mo mahal ka pa rin niya."

"Ayaw ko umasa, bro. At saka sa loob ng apat na taon at kilala ko siya."

"Wala naman mawawala sayo kung gagawin mo, eh. Gayahin mo ko wala nawala sa akin noong pinatawad ko si Britney."

"In love ka kasi sa kanya, bro."

"Kung siya talaga ang babae para sa akin ay siya talaga. Kahit ba siya ang kakaisang anak ni Bernard Watson ang pumatay sa mga magulang ko kaso siya ang tinitibok ng puso ko. Why not?"

"Ayaw ko na problemahin ang tungkol kay Coleen."

"Coleen?" Kumunot ang noo ko. That name sounds familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig.

"Oo, pangalan ng ex girlfriend ko."

"I see... Ngayon mo pa lang kasi binanggit ang pangalan ng ex mo."

"Ayaw ko na dagdagan pa ang problema ko. Hanggang ngayon pa kasi kinukulit pa kami ni mama na bigyan ko sila ng apo. Tapos itong misyon ko."

"Bigyan mo na kasi sila ng apo."

"Napaisip ako doon sa sinabi mo sa akin dati kaya kinausap ko na yung family doctor namin na tulungan niya ako maghanap ng matinong babae na pwede maging surrogate mother. Anak lang ang gusto ko dahil wala pa sa plano ko ang magpakasal."

"Bakit hindi na lang doon sa ex mo?"

"Aya– Wait, pwede. Kaso hindi ko alam kung paano namin siya makakausap. Kapag nalaman niya naghahanap ako ng surrogate mother ay baka hindi siya pumayag."

"That's a big problem but get ready your money."

"My money is always ready, bro."

Ikaw na ang mayaman sa atin.

"Mauuna na ako sayo. Kailangan ko na matulog kasi magkikita pa kami ni Britney bukas."

"Buti ka pa may love life."

"Makakahanap ka rin. Malay mo hindi pa pala pinapanganak yung tinakda sayo." Natatawang sabi ko. "Good night."

"Good night, Ron. Huwag mo mamanyakin si Britney sa panaginip mo ah."

"Gago." Pinatay ko na yung power ng laptop.

Kinabukasan ay pinuntahan ko si Britney sa kanila.

"Ano nga pala ulit pangalan ng pinsan mo?" Tanong ko.

"Coleen Arisato."

"Half Japanese?"

"Yup, she is half Japanese but she grown up here."

"Ilang taon na siya?"

"Teka nga lang. Nakaka halata na ako, Aaron. Sino ba talaga ang mas type mo? Ako ba o si Coleen?" Lumabi si Britney habang nilalapit ang katawan sa akin. Wait, is she trying to seduce me? Hindi ko siya tatanggihan.

"Ikaw, siyempre. Noong binanggit mo kasing half Japanese ang pinsan mo ay naalala ko ang pinagusapan namin ng kaibigan ko kagabi. Coleen rin kasi ang pangalan ng ex girlfriend niya at half Japanese rin siya."

"Ohh... Wala kasi akong alam kung nagkaroon ba ng boyfriend si Coleen sa Japan. Hindi kasi siya nagkukwento tungkol sa love life niya."

"Huwag ka na magselos diyan. So, ilan taon na siya?"

"Um, 27."

"Matanda pala siya sayo. Pero bakit Coleen lang ang ta–"

"Huy! Hindi ah. Kasing edad lang kami ni Coleen."

Kumunot ang noo ko.

"I thought you're 22."

"Sinabi ko ba iyon? Wala ako maalala." Tumango ako sa kanya at doon ko lang naalala na lasing pala siya noon kaya siguro wala siyang maalala sa mga sinasabi niya. "I'm also a 27."

Nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko pa naman ay pumatol na ako sa mas bata sa akin.

"Akala ko pa naman 22 ka pa lang."

"Kung sinabi ko iyon sayo dati. Sorry."

"Ayos lang. At least hindi ako aasarin ng iba kong kasamahan sa trabaho."

Humiga siya sa may dibdib ko habang nakasandal ako sa armrest ng sofa.

"Bakit ka naman nila aasarin?"

"May iba kasi akong kasamahan sa trabaho na mas bata sa kanila ang naging asawa nila kaya yung iba ay tinutukso sila na Pedophile."

"Ganoon? Ilan taon ka na ba?"

"I'm 30."

"Talaga? Hindi halata ah." Ngumiti ako sa kanya. "Bakit ka nakangiti diyan?"

"Ganyan na ganyan yung sinabi mo noong nasa Sky Island tayo."

"Lasing ba ako noong nagkausap tayong dalawa habang nasa Sky Island?" Tanong niya.

"Yup. Hindi ko alam kung ilang inumin na ba ang nainom mo noong mga panahon na iyon."

"Kaya pala wala ako masyadong maalala sa pinaguusapan natin."

"It's okay." Sabi ko at pinaglalaruan ang kanyang buhok. "Papayag ka ba kung yayain na kita magpakasal?"

"Hala." Bigla siyang napabangon at tumingin sa akin. "Oo naman. Kaso huwag naman yung bibiglain ako. Bakit mo naitanong sa akin? Yayain mo na ba ako?"

"Sana."

"Anong sana? Wala ka bang balak yayain ako?" Kunot noo niyang tanong.

"May balak akong yayain ka. Kahit hindi mo pa ako sinasagot. Kung ayos lang ba sayo."

"Kung gusto mo ngayon na tayo magpakasal kaso wala akong kilala sino pwede magpakasal sa atin. Wala akong pakialam kung saan. Simbahan o huwes."

Natawa ako sa sinagot niya. Ibang klase talaga ang pagmamahal niya sa akin.

"Hindi ako papayag na sa huwes tayo magpakasal. Ang gusto ko ay special ang araw na iyon. Makita kitang nakasuot ng wedding gown at nakadalo ang mga mahalagang tao sa kasal natin."

"I can't wait." Halata ang saya sa mukha ni Britney.

"Siyempre, magpropose na muna ako sayo."

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon