Chapter 21

523 15 0
                                    

Ilang araw rin namin inasikaso ni Britney ang kasal pero wala kami kaagad nakuhang schedule ayon sa plano ko dahil puno lahat na schedule.

Ngayon ang kasal namin. Kinakabahan na excite ako dahil makikita ko na ang magiging bride ko. Imbitado lahat na kasama ko sa head quarter kasama ang mga asawa nila maliban kay Miguel dahil hindi pa nagigising si Robin.

Ilang minuto na ang lumipas noong nagsimula ang seremonya kaso hindi pa dumadating si Britney sa simbahan. I hate this feelings dahil mas lalo akong kinakabahan sa pwedeng mangyari. Sana hindi umurong sa kasal si Britney.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na si Britney papasok ng simbahan. Hindi siya umurong sa kasal namin.

Pagkatapos ng wedding ceremony ay pumunta na kami sa reception. Ang dami pang sinasabi ng wedding planner bago pa kami pinayagan kumain.

"What are you doing here, dickhead?" Napaangat ako ng tingin and I saw Coleen, Britney's cousin with Yuan.

"Tsk. Please lang, Coleen. Huwag sa kasal ng kaibigan ko gumawa ka ng scene."

Coleen and Yuan? Sinabi pala sa akin ni Yuan na si Coleen na pinsan ni Britney ang ex girlfriend niya.

"May something ba sa kanilang dalawa?" Binaling ko ang tingin kay Britney nang tanungin niya ako.

"Naalala mo yung kinukwento ko tungkol sa kaibigan ko?" Tumango siya sa akin. "Si Yuan ang tinutukoy ko. May naging girlfriend siya sa Japan at kailan lang niya nabanggit ang pangalan ng naging girlfriend niya. He mentioned Coleen."

"Wow. Wala kasing binabanggit si Coleen sa akin na nagkaroon pala siya ng boyfriend sa Japan."

"Apat na taon sila magkarelasyon ng girlfriend niya."

"I see... Ilan taon na ba si Yuan?"

"Same age as mine."

Kumunot ang noo ko ng makita kong tumakbo palayo si Coleen kay Yuan. Hindi kaya...

"Excuse me lang ah. Susundan ko si Coleen." Tumango ako kay Britney at tumayo na siya para sundan si Coleen.

Lumapit na ako kay Yuan at pinatong ang isa kong kamay sa balikat niya dahilan lumingon siya sa akin.

"Ano nangyari sa kausap mo kanina?" Tanong ko kay Yuan.

"Ewan ko. Bigla na lang siya tumakbo palayo sa akin pagkatapos niya akong awayin. After 2 years, bro wala pa rin nagbago sa ugali ng babaeng iyon."

"Hindi kaya siya talaga ang kinuhang surrogate mother ng family doctor niyo? May kutob ako na buntis siya dahil hindi naman ganoon ang huling kita ko sa kanya." Kumunot ang noo ni Yuan. Wala nga pala siyang ideya kung sino ang surrogate mother na kinuha ng family doctor nila. Ayaw kasi alamin ni Yuan kung sino.

Napansin ko ang pagbalik ni Britney kaya nagpaalam na ako kay Yuan at nilapitan ko na ang asawa ko. Kaso napansin kong umalis si Yuan. Mukhang pupuntahan niya si Coleen.

"Nasaan si Coleen?"

"Comfort room." Sagot ni Britney at kumunot ang noo ko. Nagkaroon na talaga ako ng ideya kung bakit tumakbo iyon papunta doon. May posibilidad buntis si Coleen. Pero hindi pa ako sigurado sa hinala ko.

"Masama ba ang pakiramdam niya? Or what?"

"Hindi ko alam. Hindi sumasagot sa tuwing tinatanong ko siya. Bakit?"

"Nothing." Tumingin ako sa table ng mga kasamahan ko. "Pakilala kita sa iba."

Pinakilala ko na si Britney sa iba kong kasamahan sa trabaho. Kasali na siyempre doon ang mga asawa nila.

Nang matapos na yung reception ay pumunta kami sa isang beach resort. Hindi ang Sky Island. Nakakahiya naman kay Zion kung kakausapin ko siya para doon kami maghoneymoon.

Pagkarating namin sa hotel room ay nagpahinga na muna kami ni Britney. Kaya nagising kami ay gabi na. Sobrang sarap nga ng tulog ko pagkahiga ko sa kama na akala mo pa naman tagal na yung higa ko sa kama.

"What do you want to do while we're here?" Tanong ko.

"Swimming."

"Swimming? Sa ganitong oras? Bukas na tayo pumunta sa beach."

"Oh, sige. Ano na lang... kain na muna tayo ng dinner or maybe you want me for your dinner." Pinitik ko siya sa noo. "Aray."

"Silly. Huwag mo ko tanungin ng ganyan dahil hindi ko talaga tatanggihan yan, Brit."

"You can do whatever you want." Pinalibot niya ang kanyang mga braso sa leeg ko. "You're my husband now."

"Maybe later." Binigyan ko siya ng isang smack kiss sa labi. "Kain na muna tayo dahil nagugutom na ako."

Nagsimula na kami kumain noong dumating na ang order namin.

"Ilang anak ang gusto mo?" Ingat ko ang ulo ko para tingnan siya noong tanungin niya ako.

"Alam mo naman..."

"I know. At hindi ako naniniwala sa milagro pero wala naman mawawala sa atin kung susubukan natin, diba?" Pilit akong ngumiti sa kanya. Alam kong gusto talaga ni Britney ang magkaroon ng anak pero hindi ko siya mapagbigyan sa kahilingan niyang iyon.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa hotel room namin.

"Ano? Itutuloy mo pa rin ba ang binabalak mo sa akin?" Tanong ko nang humiga na ulit ako sa kama.

"Yup." Umupo sa may tyan ko so Britney na kinangisi ko. Inaangat na niya kasi ang suot kong shirt.

"Maligo na muna tayo." Pagbitin ko sa ginagawa niya.

"Ugh." Inikot ni Britney ang mga mata niya. Halatang naiinis sa ginawa ko. "Ano pa? Baka naman may gusto kang gawin ah."

"Wala na. Pagkatapos maligo ay gawin na natin kung gusto mo. O baka gusto mo sabay na lang tayo maligo."

"I like that idea." Umalis na siya sa ibabaw ko. "Tara. Bilisan mo na diyan ah."

Bumangon na ako at umiling noong pumasok na si Britney sa banyo. Talagang gusto niyang may mangyari sa amin dalawa, no? Hindi ko siya tatanggihan sa gusto niya.

Sana nga balang araw ay mabigyan ko siya ng anak kahit malabo mangyari iyon. Gusto ko rin magkaroon ng isang anak.

Pumasok na rin ako sa loob ng banyo at nakikita kong nagsha-shower na si Britney.

Damn. Makakasala ako nito wala sa oras.

Ang sexy pa naman kasi ng asawa ko.

"Bakit ngayon ka lang pumasok? Kanina pa ako naghihintay sayo dito."

"Sorry." Hinubad ko na rin ang lahat na kasuotan ko bago lumapit kay Britney.

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon