Aaron's POV
Hindi naman talaga ako tinawagan ni Zion kanina. Ginawa ko lang iyon excuse para hindi masira ang plano ko mamaya. Ayaw ko na masira at hindi matuloy ulit iyon.
"Seryoso ka na ba talaga diyan? Hindi ba ang sabi mo sa amin kanina na kahapon ka pa lang sinagot ni Britney?" Ang kulit talaga ni Yuan kahit kahit kailan. Kahit ilang beses ko na sinabi sa kanya seryoso talaga ako sa gagawin ko. "Payong kaibigan lang, bro. Mas mabuti pang patagalin niyo na muna bilang mag-boyfriend girlfriend niyo para mas makilala niyo ang isa't isa."
"Ilan taon mo gusto bago ko yayain siya magpakasal? Kapag pumuti na ang buhok ko? Yuan, hindi na ako bumabata at kailangan ko na may kasama sa buhay."
"Kung gusto mo may kasama ka sa buhay ay pwede naman kayo magsama sa isang bahay pero hindi ko sinabing gawin mo talaga iyon."
"Ang gusto ko kung magsasama kami ay yung kasal na kami ni Brit."
"Bahala ka. Buhay mo naman iyan." Bumalik na siya sa desk niya at napansin kong nakatingin sa akin ang ibang kasama ko.
Alam ko ang ibig sabihin ng mga titig nila, hindi sila sang ayon sa plano ko pero buo na talaga ang desisyon ko.
Alam ko rin masyadong mabilis ang gagawin ko ngayon.
Tinext ko na rin si Britney na susunduin ko siya mamayang uwian niya.
"Guys." Napatingin kaming lahat kay Neil na hingal na hingal. Saan kaya ito galing? Kung bakit kinapos ng hininga. "Nabalitaan niyo na ba ang nangyari kay Robin?"
"What happened?" Tanong ni Rocco na halos kababalik lang niya galing sa bakasyon.
Wala pa rin kasi si Zion ngayon dahil sinasamahan pa niya ang kanyang asawa. Nalaman namin buntis ang asawa ni Zion.
"Someone kidnapped her kaya pumunta kaming tatlo nila Jake at Mig sa lugar nang kidnapper but in the end Robin protected Mig. Si Robin ang nabaril kaya kritikal ngayon ang buhay niya. Ang masaklap pa ay nalaman naming buntis si Robin kaso comatose siya ngayon." Sabi ni Neil.
"Nasaan si Jake ngayon?"
"Nasa ospital kasama ni Mig."
Kung kailan may sineryoso na siyang babae ngayon ay naging ganito pa ang nangyari sa kanya ngayon. Noong una ay namatay ang mama niya sa hindi kilala kung sino ang nasa likod noon. Sa dami pa naman kami mga agent nakalaban panigurado isa sa kanila ang pumatay sa mama ni Miguel.
Naging partner ni Miguel si Robin sa isang misyon pero nabigo sila sa misyon na iyon.
"Oliver, Yuan, kayo na muna ang bahala rito. Kailangan ko puntahan si Mig sa ospital ngayon." Sabi ni Rocco.
"Sasama ako sayo, Rocs. Kailangan ko bumalik sa ospital. Pagkatapos nangyari sa mama ni Mig." Ani Neil.
"Alam nating lahat walang mangyayaring masama kay Robin at sa magiging anak nila. Mahina siya sa barilan pero malakas ang loob niya sa ibang bagay. We know Robin, Neil."
Wala na rin gagawin ngayon kaya nagpasya na ako umalis na rin.
Pagkarating ko sa Watson toy store ay kinausap ko na ang isang empleyado kung marami ba ginagawa si Britney ngayon. Ang sabi pa niya sa akin na pupuntahan niya daw si Britney sa office para alamin.
May isang batang babae ang lumapit sa akin at kinausap ako. Binulungan ko rin yung bata noong naramdaman ko ang presensya ni Britney.
"Hi." Hinalikan niya ako sa pisngi kaya humarap ako sa kanya nakangiti.
"Ate, boyfriend niyo po ba siya?"
"Yes."
"Bagay po kayo ni kuya." Sabi ulit noong batang babae. Tinanong ko kasi yung batang babae kung bagay ba kami ng girlfriend ko. Siyempre hindi niya kilala kung sino ang girlfriend ko pero noong halikan ako ni Britney sa pisngi ay nagkaroon nang ideya yung bata.
Tumingin sa akin si Britney pero isang kibit balikat ang binigay ko sa kanya. Patay malisya na walang alam sa sinabi ng bata kahit ako talaga ang salarin.
Kinukulit na nga ako ni Britney kung saan ba talaga kami pupunta. Siyempre ayaw ko masira ang surpresa ko.
Huminto kami sa isang lugar kung saan ang first encounter namin.
"Do you remember this place?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Minsan nandito ako para sa client ko."
"Wala na bang iba?" Tanong ko ulit. Baka nga nakalimutan na niya kung paano kami nagkita.
"Dito rin tayo nagkita noon. I accidentally bumped you kasi nagmamadali na ako noon." Natuwa ako dahil naalala pa niya na dito kami nagkita na dalawa. Inaamin kong nagalit ako sa kanya noon dahil ang akala ko nagsinungaling siya kung saan makikita ang company ng papa niya but I forgot to ask someone. Kasalanan ko rin pala. "Bakit pala tayo nandito ngayon?"
"Tara, baba tayo. Nagpareserve kasi ako kanina sa isang restaurant sa malapit."
Bumaba na kami ni Britney sa kotse para puntahan yung restaurant.
"Masarap ang mga pagkain nila dito." Sabi niya sa akin.
"Nakakain ka na dito?" Tanong ko sa kanya na kinatango niya.
"Yes, with my clients. Dito kasi nila madalas pinipiling kainan. At iba sa kanila ay kilala ang may ari nitong restaurant."
Napatango na lamang ako. Ganoon pala sikat ang restaurant na ito. Hindi kasi ako mahilig kumain sa labas kaya wala ako masyadong alam kung saan ba masarap na kainan.
Sinamahan na kami ng isang waiter sa table namin na pinareserve ko kanina.
Napalunok ako dahil hindi ko inaasahan ganito pala kamahal ang mga pagkain dito. May ginto ba dito? Kung bakit ganito kamahal ang mga ito.
"May problema ba, Aaron?" Inangat ko ang tingin sabay ngiti.
"Wala. Pili ka lang kung ano ang gusto mong kainin."
Hindi ko sinabing hindi ko kaya ang presyo dito. Tutal magisa na nga lang ako sa buhay at hindi na rin ako umuuwi sa bahay. Ang ginagastos ko na lang ang pagkain ko araw-araw.
"Gusto mo bang share tayo sa babayarin?"
"Ako ang lalaki rito, Brit."
"Hindi ako papayag na ikaw lahat na magbabayad ng mga inorder natin."
"Sige, kung mapilit ka talaga." Wala na ako magagawa kung gusto niya talaga hati kami sa babayarin.
Tumawag na ako ng waiter para kunin ang mga orders namin. Nagulat ako dahil ang dami ng inorder ni Britney. Bakit ganoon ang ibang babae kung umorder parang ito na ang huling kain nila.
"Gusto ko pakitim sayo yung ibang natikman ko na. Promise hindi sayang ang babayarin natin dito." Sabi niya at tumango na lamang ako.
"Naniniwala naman ako sayo."
BINABASA MO ANG
One Great Love
RomanceAgent Series # 7 Aaron Ventura is one of the best agent. Pero hindi alam ng mga kasamahan niya kung bakit siya pumasok sa pagiging agent. Ano nga ba ang dahilan ni agent Ventura kung bakit siya pumasok sa pagiging agent? Until he met Britney Watson...