Saktong 6 nga pumunta si Coleen sa bahay. Takot talaga na hindi ko na siya papatuluyin sa bahay kung late pa siya makarating.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Club." Masayang sagot nito. "Pero nandyan ba si tito?"
"Wala si papa ngayon."
"Good. So, makakaalis ka ba walang bantay?"
"Oo naman. Nakakapunta na nga ako ng club na walang asong sumusunod sa akin."
Pagkarating namin sa isang club ay para kaming mga VIP ni Coleen dahil sa amin nakatingin ang mga tao. Well, iba talaga kapag isa kang dyosa. Umorder na rin kami ng maiinom pero wala akong balak uminom ng marami ngayon. Ayaw ko maglasing.
"Tagal na natin hindi nakita, Brit. Magkwento ka naman."
"Wala naman ako makukwento sayo. Maliban na lang kung interesado ka malaman kung ano ang ginagawa ko sa toy factory." Natatawang sambit ko sa pinsan.
"Wala akong interest malaman kung ano ang ginagawa mo sa toy factory, Brit. Boring kaya doon. Gagawa ka lang ng mga laruan araw-araw. So boring."
"Masaya kaya. Kahit pa paano ay may napapasaya akong bata." Kahit isa akong spoiled brat ay masaya ako kapag may nakita akong batang masaya sa laruan na binibili ng mga magulang nila.
"Hindi kasi iyan ang gusto ko malaman. Ang gusto ko malaman gaya ng love life o kaya sex life mo." Sabi niya.
"Nagkaroon ako ng boyfriend dati."
"Talaga? Ano nangyari? Natakot ba kay tito Bernard kaya ka hiniwalayan?" Umiling ako sa kanya. Baliw talaga. Walang kinalaman si papa rito kung bakit kami naghiwalay ni Aaron.
Kinuwento ko lahat nangyari noon kay Coleen. Siya lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko simula pa noon. Alam niya ang mga sikreto ko.
"Wow. Ganoon pala nangyari. Sayang naman. Akala ko siya na yung lalaki para sayo."
"Wala tayo magagawa. Wala talagang magmamahal sa akin." Tumingin ako sa dance floor kasi marami na sumasayaw doon kumpara kanina.
"Maniniwala ako balang araw ay makakahanap ka rin ng tamang lalaki na kaya kang mahalin."
"Hindi ako umaasa."
Pero wala naman akong balak tumandang dalaga. Pinangarap ko rin ang magkaroon ng sariling pamilya. Saan naman kaya ako makakahanap ng husband for hire? O groom for rent? Kahit pa paano ay magkaroon ako ng experience na magkaroon ng asawa kahit pera lang ng pamilya ko ang gusto nila.
"Huy! Ang gwapo noon." Tumingin ako sa tinuro ni Coleen at kumunot ang noo ko dahil si Aaron ang nakita ko malapit sa dance floor. "Teka, pupuntahan ko lang siya."
Ano naman kaya ang ginagawa ni Aaron rito? Don't tell me siya na itong stalker sa akin? Kung dati lang ay tinawag niya akong stalker dahil kung nasaan siya ay nandoon rin ako. Hindi ba pwede pagkakataon lang na parehong lugar ang pinuntahan namin?
Nakikita mula rito sa pwesto ko kung gaano kalapit ang pinsan ko kay Aaron. Hindi ko nga gusto ang nakikita ko ngayon pero hindi ko naman masisi si Coleen kung magkaroon siya ng crush kay Aaron dahil matagal na kaming hiwalay ni Aaron. Kaso ayaw ko talaga itong nararamdaman ko ngayon. Kumikirot ang dibdib ko... sa selos? Nagseselos ba ako? Ngayon ko pa lang kasi ito naramdaman sa buong buhay ko.
I'm really jealous.
Tumayo na ako at lumapit sa kanila. Hindi ko naman aawayin si Coleen dahil siya na nga lang ang kakampi ko sa buhay tapos aawayin ko pa.
"Coleen." Tawag ko sa kanya.
"Oh, Brit. Mabuti lumapit ka ngayon dito. Gusto mo bang sumali sa amin ng kasama kong gwapo?" Tanong ni Coleen sa akin at kahit hindi ako nakatingin kay Aaron ay pakiramdam ko tinigingnan niya ako. Naiisip ba niya na mas maganda ako sa mga babae nandito sa club ngayon.
Sige, Britney managinip kang gising.
"Huwag na. Gusto ko na rin kasi ang umuwi. Anong oras na rin." Sabi ko kay Coleen.
"Sorry kung hindi na kita masasamahan pauwi ah."
"Ayos lang. Kaya ko naman ang umuwi magisa." Ngumiti ako ng pilit sa kanya.
Yumuko na ako para hindi na makita ang mukha ni Aaron. Kapag nakita ko ang mukha niya ay baka halikan ko lang siya, eh.
Pagkalabas ko ng club ay kaagad kong pinunasan ang luha ko. Hindi na ako magtataka kung si Coleen ang tipo ni Aaron na babae.
Napalingon ako noong may humawak sa braso ko at kumunot ang noo ko ng makita kung sino.
"What are you doing here? Baka hanapin ka ni Coleen."
"Ako dapat ang magtanong sayo niyan. Ano ang ginagawa mo sa ganitong lugar?"
"Hindi ko naman kailangan magpaliwanag sayo."
"You're right." Binitawan na ni Aaron ang braso. "Sorry. I have no rights to ask you that kind of a question."
"Bumalik ka na doon. Baka–" Kumurap ako noong dumampi ang labi niya sa labi ko. Nakaw halik talaga itong si Aaron.
"Ang totoo niyan ay ang boring kasama ng kaibigan mo."
Si Coleen boring kasama? Siya pa lang nagsasabing boring ang pinsan ko.
"Gago ka ba? Hindi boring kasama ang pinsan ko."
"Pinsan mo pala yun."
"Oo, pinsan ko si Coleen. May problema ba tayo?"
"Wala naman. At..." Pinitik niya ang noo ko dahilan napaaray ako. Bastos rin. "Wala akong interest sa mga babae kung iyan ang iniisip mo."
"Bakit? Lalaki ba ang gusto mo kaya wala kang interest sa babae?"
"Aba. Baka gusto mong buntisin kita para malaman mong hindi ako pumapatol sa kapwa ko."
Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong sinabi niyang bubuntisin niya ako. Excitement? Siguro nga.
"Tumigil ka. Huwag ako, Aaron. Ikaw pa nga nagsabi sa akin kanina na hindi pa ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko para sayo. Siguro tama ka dahil masyadong mabilis ang pangyayari."
Pero wala akong pakialam kung mabilis ang pangyayari at hindi ko naman mapipigilan ang puso ko kung siya talaga ang tinitibok nito.
"Mabuti inaalala mo yung mga sinasabi ko sayo."
"Siyempre naman para hindi ako ang kawawa sa huli. Ilalagay ko sa utak ko ang salitang walang interest sa mga babae si Aaron kaya wala akong pag asa sa kanya."
Kung pwede nga lang pigilan ang puso ay matagal ko ng ginawa para hindi ako ganito ngayon. Umaasa balang araw ay mamahalin rin niya ako.
BINABASA MO ANG
One Great Love
RomanceAgent Series # 7 Aaron Ventura is one of the best agent. Pero hindi alam ng mga kasamahan niya kung bakit siya pumasok sa pagiging agent. Ano nga ba ang dahilan ni agent Ventura kung bakit siya pumasok sa pagiging agent? Until he met Britney Watson...