"WHAT?!" Dumagundong ang boses ko sa loob ng elevator. Buti nga't kaming dalawa lang ang nandito.
"When are you going to accept the fact, sunshine, na fate is bringing us together?" Nakahalukipkip na tanong niya habang nakatingin sa kung saang floor na kami ngayon.
I gaped at what he said. At dinamay niya pa talaga ang tadhana ah! What an excuse!
"So dito ka rin?"
"Yup."
Halos hilamusin ko na ang mukha dahil sa narinig. I've been successful in avoiding him ever since I moved in this condo a few months ago pero ngayong magkakakilala na kami'y ewan ko na lang.
Hindi ko rin naman kayang tuluyang magalit sa kanya. It was the annoyance that got me to raise my voice kanina. Hindi rin naman kasi sa akin ang condo eh and for all I know baka siya pa talaga ang naunang tumira rito.
Unang tumigil ang elevator sa floor ko. Nilingon ko si Ricci na medyo nangingiti pa rin habang hindi ako tinitingnan.
"Salamat ulit, good night." Diretso ang pagkakasabi ko niyon at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tumakbo na ako patungo sa harap ng pinto. I glanced at him just in time para makita siya bago tuluyang masira ang elevator.
It was then when I realized how fast my heart was beating.
Nagising ako kinabukasan na nagdadalawang isip. Hindi ko kasi alam kung pupunta pa ba ako ngayon what with how I'm trying to avoid Ricci nga.
Same condo pa nga kami tapos pupunta pa ako sa larong lalaruan niya. Nasayangan naman ako sa tickets na nabili ko na kaya in the end, mag-isa na naman akong pumunta dahil hindi na naman sumama si Ciera.
This is gonna be the last time na pupunta ako this season, pwede rin naman kasing tumingin na lang ako sa TV eh, masusupportahan ko pa rin naman ang school kung ganoon.
Papaalis na sana ako ng unit ko nang maka-receive ako ng text mula sa kanya.
Ricci:
May nakalimutan akong dalhin!
You:
Sml?
Ricci:
☹️
kunin mo pleaseYou:
ewan ko sa'yo
Ricci:
sige naaa
bayad mo sa paghatid ko kahaponYou:
nagpasalamat na naman ako ah! 🙄
Ricci:
wala nang libre sa mundo, sunshine
unless we become friends 🤩You:
tss
sige na nga ano yung ipapakuha mo?Kahit na hindi ako komportable sa inutos niya ay ginawa ko pa rin. I followed his instructions and found myself in front of his door. Nakakailang kasing pumasok sa ibang unit na wala ang may-ari.
Pakiramdam ko tuloy may masama akong ginagawa. And he even told me his password! Hindi man lang nagduda na baka looban ko o ipagkalat ang lokasyon niya!
Pagpasok ko pa lamang, alam ko na agad na lalaki ang nagmamay-ari ng unit na 'to. Some of his clothes were scattered around at kahit ang iilang mga plato doon ay hindi pa nahugasan.
BINABASA MO ANG
Burn // Ricci Rivero FF
FanfictionUAAP FF 2 Kamila Raye is quite literally a ray of sunshine for the people around her. Everywhere she goes is a happy place. It's safe to say that she has the ability to radiate joy to everyone around her. Put her in a random group and return an hour...