Maaga pa lang ay nagising na ako dahil sa isang tawag. I glanced at the wall clock at nakitang mag-aalas sais pa lang.
Why are people calling me this early?!
Labag man sa kalooban ay sinagot ko nga ang tawag, hindi man lang tinitingnan kung sino iyon. Kaya naman, labis na lang ang gulat ko nang sa lahat ng pwedeng bumungad sa akin ngayo'y boses pa niya.
"Come out, I'm outside."
Agad niyang ibinaba ang tawag habang ako nama'y natigilan. I still felt groggy dahil kakagaling ko lang sa isa sa mga pinakamahimbing kong tulog kaya natagalan pa bago ko naproseso ang tawag.
The sleep was instantly out of me nang pagbukas ko ulit sa aking phone ay nakita ko na ang text ni Pat kagabi na binabati ako.
Shit! He found out I was lying!
Nagmamadali akong tumayo at binuksan ang bintana. Tulad ng sabi niya'y naka-park nga ang pamilyar na sasakyan sa harap ng gate nila Ricci. Patrick was standing in front of his car, nakahalukipkip habang hinihintay ako.
Paano niya nalamang nandito ako? Ang malas ko naman talaga ano? Kakasagot ko lang kay Ricci tapos magkakaganito?
Did I do something super stupid in my previous life kung ganito na ako kamalas ngayon?
I took advantage of the fact that the others were still sleeping at nagmamadali nga akong bumaba. I was too preoccupied with worrying about why he was here na hindi ko na naisipan pang gumawa ng palusot tungkol sa pagsisinungaling ko noong isang araw.
"Anong ginagawa mo dito?" I spat nang makalabas na nga. Umayos siya sa pagkakatayo at iniwan ang kanina lang ay sinasandalang sasakyan.
Nagtaas siya ng kilay, making him look more intimidating. "I should be asking you that. As far as I know, you should be in Paris?" His voice was casual, na para bang ang panahon lamang ang aming pinag-uusapan. But the venomous look on his eyes tells me otherwise.
"I—uhm ano! Umuwi na ako kahapon at dumiretso ako dito, nag-aya ang kaibigan ko." Umiwas ako ng tingin sa kanya, medyo na-guilty dahil sa dobleng pagsisinungaling ko by referring to Ricci as a friend. Because the both of us knew it was more than that.
"Nice try, Kamila."
"Can't you just leave us alone? Paskong pasko, Pat, pwede bang ibigay mo na lang sa akin 'to?" I was very frustrated habang iniisip kung gaano kadali ang mga pangyayari. How easily my mood has changed in the past few hours.
A look of realization passed in his face. For some reason, mas lalo akong kinabahan dahil doon. Humans have the capability to do what's unexpected and it scares me knowing Pat knows exactly what can bring me down to my knees, begging.
"I understand now." Sinabayan niya pa ng mahinang pagtango habang mas lalo niya akong pinapakaba sa kung anuman ang napagtanto niya. "Hindi ako magsusumbong kina Tita, as my gift for you."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya pero hindi pa man siya nakakasalita ulit ay muli akong kinabahan. Patrick is too adamant kung iyon ang gagawin niya kaya hindi na ako nagulat nang dinagdagan niya ang sinabi. "I'm letting you play with your boy toy, Kamila. Sa akin rin naman ang punta mo sa huli."
I didn't know what offended me the most. Ang paraan ng pagkakasabi niyang siguradong sigurado? O ang sinabi niyang naglalaro lang ako?
Did I really look unserious to everyone out there na pati siya na kilala ako mula pagkabata'y tinatawag ang mga nararamdaman kong parte ng isang laro?
"I don't mind if you have...experience." He clicked his tongue bago sinabi ang huling salita na para bang ninanamnam niya iyon.
I was already fuming with anger pero siya nama'y nagmukhang kuntento sa ginawa. "I'll see you soon, love."
BINABASA MO ANG
Burn // Ricci Rivero FF
Hayran KurguUAAP FF 2 Kamila Raye is quite literally a ray of sunshine for the people around her. Everywhere she goes is a happy place. It's safe to say that she has the ability to radiate joy to everyone around her. Put her in a random group and return an hour...