Chapter 30

1.5K 33 7
                                    

Umuwi na rin naman ako kinabukasan. Pagdating na pagdating ko sa aking unit ay natulog agad ako. Napagdesisyunan na ring wag na munang pumasok ngayon.

Nagising na lamang ako nang tumunog ang aking phone. Malapit nang mag-alas dose sa hapon at medyo nagugutom na rin.

"Hmm?" tamad kong sagot sa tawag.

"Kamusta ang biyahe?" Boses pa lang ay kilalang kilala ko na.

"Ayos lang," sagot ko naman. Hindi na ako nagtanong pa kung paano niya nalamang nakauwi na ako. "Ikaw?"

"Kakarating lang sa Isabela." I stayed silent. Contented in hearing our labored breaths over the phones. "Don't forget to eat your lunch."

Sasagot pa sana ako nang narinig ko ang boses ni Tamara sa kabilang linya. "Ricci? Sinong kausap mo?"

"I'll get going now." Hinintay kong siya ang pumatay ng tawag pero hindi iyon nangyari kaya ako na mismo ang pumatay.

I stared at the ceiling, nalilito kung bakit kahit ang simpleng tawag na iyo'y naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

By the next week, naging maayos at dire-diretso na ang trabaho ko. Mom just nodded at me at dinagdagan ang ipinagawa sa akin pagbalik ko sa trabaho.

Ngayon ang balik ni Ricci mula sa Isabela at napag-usapan naming sabay na kaming magdi-dinner ngayong gabi.

Lunch break na namin ngayon at dahil may bibilhin rin naman ako'y pumunta na lang akong mall.

I was in the middle of checking if nakuha ko na ba ang lahat ng dapat bilhin habang nakapila nang may makita akong batang naghihintay malapit sa isang isle.

He looked familiar kaya tinitigan ko talaga siya, sinusubukang alalahanin kung saan ko nga siya nakilala. The kid looked up at bumaling rin sa direksiyon ko.

At doon ko na naalala. Ang laki na ni Riley! Recognition was also evident on his face nang makita ako.

Kinawayan ko siya at sinuklian niya naman ako ng ngiti. I waved him over at lumapit naman si Riley.

"Ang laki mo na ah? Do you remember me?" nakangiti kong ani at hindi na napigilan ang sariling pisilin ang kanyang mga pisngi.

"Yes ate. Nalito nga ako kung bakit bigla na lang kitang di nakita."

So hindi siya nasabihan noon? O baka naman hindi ikinwento ni Ricci ang mga nangyari?

Napailing ako sa naisip, close kasi si Ricci sa pamilya niya kaya paniguradong naikwento na niya ang mga nangyari sa amin noon.

"Sahia keeps on telling me na umalis ka lang daw sandali. Now that you're back, dito ka na lang ba talaga?" Kung iisipi'y hindi na naman talaga ako aalis sa bansa but a part of me thinks na hindi iyon ang tinutukoy ni Ricci nang sabihin niya iyon kay Riley.

I was about to answer him nang nakita kong naglakad si Tita Abby papunta sa kinaroroonan ni Riley kanina. Bumaling siya sa direksiyon namin at nagulat nang makita ako.

The surprise was then replaced by coldness. The same kind of cold na nakita ko sa mga mata ni Ricci noong kakauwi ko pa lang.

It was weird, seeing someone as kind and welcoming as her suddenly turn cold.

I remembered during Christmas, kung paanong binalaan ako ni Tita Abby patungkol sa amin ni Ricci. She implied that I shouldn't hurt him pero ang nangyari'y taliwas sa sinabi niya.

Minsan ko nang inisip kung paano ang magiging pakikitungo ni Tita sa akin kapag nagkita kami ulit. After all, Ricci was her son at ngayo'y malalaman ko na ang sagot sa tanong na iyon.

Burn // Ricci Rivero FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon