Habang papunta kaming Boracay, hindi ako tinitigilan ni Ciera sa mga tingin niyang para bang may malaki akong kasalanan sa kanya dahil sa hindi ko pagkwento sa mga nangyayari.
It was the third week of September at nagpaalam ako kay Mom na liliban na muna ako sa trabaho kasi pagbalik ko'y ako na ang magpapatakbo sa kompanya.
I wanted to take a huge breath of fresh air before I take the responsibility.
Naalala ko kung paanong hindi man lang siya nagdalawang isip nang sinabi kong kasama ko si Ciera at ang kanyang pamilya papuntang Boracay. Halos itaboy na nga ako eh.
She was so enthusiastic about my going away na inakala kong hindi niya ako padadalhan ng body guard pero ngayon, habang nagco-commute kami papuntang Bora ay kitang-kita ang dalawang palagi kong nakikitang nakasunod sa akin.
They didn't even mind making their presence subtle. Takip na takip ang kanilang mga katawan na halos mag-suit na sila. Mahina akong napailing, kailan pa kayo 'to matitigil? Kung kasal na kami ni Pat? Hell, no.
Sa mga nagdaang araw, na-kuntento na lamang ako sa gabi-gabing tawag na natatanggap ko mula kay Ricci, wala nang maisip na dahilan kung paanong aksidente umano kaming magkikita.
A few days ago, nagpaalam siyang pupunta raw silang Boracay with some of his teammates from before at inakala kong magkikita na rin kami dahil pupunta rin akong Bora. Pero iyon pala'y sa ibang bahagi kami.
Late na nang nakarating kami doon. I arranged my stuff at pinauna nang bumaba sina Ciera dahil magpapahinga na muna ako, wala pang ganang kumain.
Matapos ang ilang minuto'y lumabas na rin ako. Paglabas ko ng elevator sa baba'y nakita kong pumasok rin si Cie sa katabing elevator.
Tapos na siyang kumain?
Dumiretso na ako sa kainan ng hotel only to see Tita and the others standing, na para bang nag-aaway pa sila. My eyes landed to my body guards na nakatayo lang pala sa gilid ng elevator.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila. The taller of the two looked surprised dahil pinansin ko sila habang ang isa nama'y umiwas ng tingin.
"Lumapit po kasi si Sir Kobe kay Ma'am Ciera kanina kaya nagka-away sila." Hindi na nila sinubukan pang itago ang kanilang mga trabaho sa paraan pa lang ng pag-address nila kina Kobe at Ciera at mismong sa pagkilala nila sa dalawa.
Pero si Kobe? Nandito?
Hindi ba't sabi ni Ricci na magkasama sila ni Kobe ngayon? Ibang station sila ah?
Nalilito man ay bumalik ako sa pagsakay sa elevator at hinayaan ang dalawang pumasok rin at pindutin ang tamang floor. I pulled out my phone at tinext si Ricci.
You:
Saan ka ngayon?
Ibinaba ko na muna ang phone at tumingala para makita kung saang floor na ba kami.
Lampas na 'to ah?
I glanced at the keys at nakitang maling floor nga ang pinindot nila. "Lampas na 'to ah?" kunot noong tanong ko.
Nagkibit balikat silang dalawa, "We're just doing our job, ma'am." Ano na naman ba tong pakulo nina Mom at kahit dito'y dinadamay pa ako?
Bumukas na ang elevator at nagmatigas ako dahil hindi ko gustong lumabas. "Ma'am labas na ho kayo," the shorter one said.
Umiling ako, hinihintay na magsarado ang elevator but the taller of the two kept on pressing the button para manatili itong bukas.
"Labas na po, ma'am," pag-ulit niya.
BINABASA MO ANG
Burn // Ricci Rivero FF
FanfictionUAAP FF 2 Kamila Raye is quite literally a ray of sunshine for the people around her. Everywhere she goes is a happy place. It's safe to say that she has the ability to radiate joy to everyone around her. Put her in a random group and return an hour...