Chapter 7

2.2K 54 0
                                    

Naging madali ang paglipas ng araw and before I knew it, bukas na ang game ng UP against ADMU and after this, second round na naman.

Simula ng gabing iyon, napapadalas ang pagkakataong sabay kaming nagdi-dinner sa unit niya o sa unit ko. Pero may mga gabi ring hindi kami nagsasabay dahil may training sila.

I was on my way back home at medyo madilim na ang mga ulap. Tinapos ko muna kasi ang mga kailangan kong gawin para bukas ay wala na akong iisipin pa.

Heavy rain started to fall outside kaya binuksan ko ang bag para kunin ang palagi kong dalang payong only to find out na hindi ko pala iyon naibalik sa bag kagabi.

Tumigil ang taxi sa harap ng condo at nagbayad naman ako habang tinitignan ang distansyang tatakbuhin ko para makaabot sa nakasilong na bahagi ng building.

I shivered when I felt the heavy downpour of rain on my skin at agad na ring tumakbo sa takot na mabasa ang gamit ko sa bag.

Para akong basang sisiw sa labas ng building while I tried to catch my breath. Nginitian ko ang guard na nakakakilala sa akin at pumasok na rin. Habang naghihintay akong bumukas ang isa sa mga elevator ay binuksan ko muna ang bag.

Kinuha ko ang aking cellphone at in-on iyon, bumukas ang elevator sa harap ko kaya bumaling ako doon. Ricci was standing inside, surprise flickered on his face dahil sa kalagayan ko.

"Wag kang magsasalita," pagpipigil ko sa kanya. Paniguradong manunukso na naman kasi siya and I wasn't in a mood to deal with his teases. Ang gust ko talaga ngayo'y maligo ulit.

Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang katabing elevator. Bumaling ako doon at natigilan dahil sa nakita.

Mom and Dad were standing inside. And they were so not pleased with me right now.

Only child kasi ako, kaya simula pa lang noo'y napaka-overprotective nila sa akin. Ni-lamok ay hindi pinapadapo kaya nang pinayagan nila akong bumukod at magkaroon ng sariling condo ay parang langit na ito sa akin.

We also didn't have a relationship that's that great. Palagi kasi kaming hindi nagkakasundo ni Mom habang si Dad nama'y sunod-sunuran lang sa mga sinasabi ni Mom.

They rarely ever visited and I rarely ever did too , I didn't know how pero nagawa nilang magbigay ng pekeng pamilya sa harap ng ibang tao.

Others would see them as loving and caring parents habang ako naman ang spoiled na anak. But it was never like that.

And seeing them here felt weird. After weeks of silence, manggugulo na naman sila.

"Oh my Kamila! Anong nangyari sa'yo!" Nakatakip ang dalawang kamay ni Mom sa kanyang bibig habang naglalakad siya palapit sa akin. Dad on the other hand, looked nonchalant.

I glanced outside, kung saan patuloy pa rin ang pag-ulan bago muli silang tiningnan. "My, Dy," I greeted at lumapit para halikan sana sila sa pisngi but Mom took a step back.

I froze on my spot, bahagyang nainsulto at nahiya dahil alam kong nakatingin si Ricci. Him seeing this made me feel vulnerable.

"Now dear, baka mabasa pa kami dahil sa'yo. Stay right where you are," maarteng sabi ni Mom. Sinara ko ng maayos ang aking bag habang pinapakinggan siyang magsalita.

"We went to your unit, tapos wala ka doon. Buti nga't naabutan ka namin," dad was saying in a calm tone. I looked at Ricci in the corner of my eye na nakatayo pa rin doon na para bang may hinihintay.

"I know! But look at you! Tumaba ka! At para kang basang sisiw, ang dugyot! Pat's gonna go livid once he sees you!" Mom said distastefully, mahina lamang ang boses niya para hindi marinig ng ibang mga tao sa lobby and a smile was plastered on her face.

Sino ba kasing hindi tataba kung ang sarap magluto ng chef? I felt so embarrassed na hiniling ko na lang na lamunin na ako ng lupa.

It's always been like this, mang-iinsulto si Mom pero hindi lang ako magsasalita. She always knows my flaws and how to exploit them.

Pero ang hiyang nararamdaman ko ngayo'y sobra-sobra dahil alam kong nakikinig pa rin siya sa gilid ko.

The frown in her face slowly disappeared at sa mukhang iyo'y alam ko na agad kung anong susunod niyang itatanong. "How's Ciera by the way? Such a sweet young lady, right hon?" Tumango si Dad sa sinabi ni Mom kaya napaiwas ako ng tingin.

Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Ciera lang talaga ang nakakaalam tungkol kay Mom. It's a secret between the both of us dahil paniguradong magagalit si Mom kung may tsismis na kakalat sa perfect family niya.

Alam rin naming dalawa na kung pwede lang ay matagal niya nang inampon si Ciera at ipinamigay ako. It hurt at first pero kalaunan ay natanggap ko na rin.

I wasn't one to beg.

Nanunuot na ang lamig sa mga buto ko kaya nagsalita na rin ako. "Akyat na tayo?" pag-aya ko sa kanila. They agreed at pumasok na nga kami sa loob ng elevator.

I watched Ricci curiously who also followed us inside, nananatiling tahimik. Mom was about to talk again nang bumukas ulit ang elevator at may pumasok na mag-ina. Nasa kaliwa ko si Mom habang sa kanan naman si Ricci who stood in a respectable distance. I silently thanked him for that, wala pa kasi ako talaga sa mood para sagutin ang anumang tanong ni Mom.

Nang umabot na kami sa 3rd floor ay may pumasok na namang babaeng may dalang stroller. Tiningnan ko ang mag-ina sa harap namin, kung paano niya hinila ang anak niya palapit sa kanya para mabigyan daan ang kakapasok lang.

"Excuse me," I snapped out of my trance dahil sa sinabi ng babaeng kakapasok lang. I felt Ricci's hands slightly tug me palapit sa kanya at bumaling naman ako kay Mom na parang wala lang.

Tahimik akong bumuntong hininga, maybe a part of me will always mourn for motherly affection.

Humakbang ako paabante para hindi mabasa si Ricci sa likod ko but instead, hinawakan niya ulit ang braso ko at hinila ako pabalik. Not even minding na nababasa na ang suot niya.

May inabot siyang towel sa akin kaya tahimik ko iyong tinanggap at pinunasan ang sarili. When it finally opened on the correct floor ay lumabas na kami.

Napagdesisyunan kong labahan na muna ang towel bago ko iyon ibabalik sa kanya. Pinigilan ko ang sariling lingunin siya sa loob, knowing how I was probably gonna cry kung ganoon.

Huminga muna ako ng malalim bago sumunod kina Mom papasok. This was going to be a long night.

Mag-aalas onse na nang umalis na rin silang dalawa. Hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil nawalan ako ng gana. They kept on bugging me about something kahit na palagi kong sinasabing hindi ko pa iyon gustong pag-usapan.

Tulala ako habang nakatingin sa taas. I didn't feel sleepy yet pero alam kong dapat na akong matulog. Still bothered with everything that happened.

Was it too much to ask for love from my parents?

Naaalala ko nang sinubukan kong mag-reach out sa kanila tungkol sa problemang ito. Dad would tell me na dapat ay magpasalamat na lamang akong pinapakain at pinapaaral nila ako ng maayos while Mom would just shrug it off.

My phone beeped kaya kinuha ko iyon at binuksan.

Ricci:

I'm outside your unit.

Burn // Ricci Rivero FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon