Chapter 37

1.5K 37 5
                                    

Inilabas ko na muna ang aking cellphone para tawagan si Ricci kahit na ilang minuto na ang nagdaan mula ng schedule ng flight niya.

Wala akong ibang magawa kundi ang maglakad lakad dito sa hallway habang hinihintay na lumabas ang doktor.

On the first ring ay sinagot na niya agad ang aking tawag. "Sorry natagalan," diretso kong ani. Dahil sa pagsasalita'y nakuha ko ang atensyon ni Dad na ngayo'y pagod na lamang akong tinitingnan, taliwas sa galit na ipinapakita nila kanina.

"Is something wrong?" Agad niyang napansin ang bahagyang panginginig sa aking boses. Tinalikuran ko na muna si Dad at naglakad palabas.

"Si Mom, Cci. Sinugod sa ospital kasi inatake nang malamang engaged na tayo." The atmosphere outside felt calm, serene even. Kaya may parte sa aking umaasang bangungot lamang ang nangyari kanina. That I would wake up once again, na hindi nag-aalala para sa buhay ng sariling ina.

Nang hindi siya sumagot ay napunta sa isipan ko ang sinabi ni Mom kanina. These past few minutes, wala na akong ibang magawa kundi ulit-ulitin sa isipan ang mga sinabi niya dahil sa takot na iyon na lamang ang mga huling salita niya at baka makalimutan ko.

Again and again, sa kabila ng lahat ng ipinakita niya, hindi pa rin ako mapakali sa sinabi ng inang pipiliin pa rin ni Ricci ang basketball kaysa sa akin.

I was afraid to ask him. Natatakot akong malamang kahit sa kanya'y hindi pa pala sapat ang ibigay ko ang halos lahat para piliin niya ako.

Huminga ako ng malalim, kinikimkim ang lakas ng loob para magsalita. "Nang sinabi mong may gagawin ka pa, what did you mean by that?" pagtukoy ko sa ikalawang rasong pinakawalan niya ng gabing iyon.

It took him a few seconds to answer. "That I have things to do." Napairap ako dahil sa sagot niyang isinalin lang sa ingles.

"May tinatago ka sa akin," siguradong ani ko as I remembered the times na nakikita ko siyang nakatulala, deep in thought at ang mga tinging sinusubukan niyang ilihim sa akin. "How can we face this together when you're hiding something from me?"

Nadidismaya ako tuwing nababantayang sa bawat saya na nararamdama'y agad namang nababawi ng labis na pighati. Now that I was engaged, malalaman ko namang may ganito pala sa aming dalawa.

I've never liked being kept in the dark.

Bumuntong hininga siya and simply hearing the frustration in his voice saddened me. "Hindi ko kayang iwan ang naabot ko sa basketball," he finally said na para bang nasasaktan siyang sabihin iyon dahil alam niyang masasaktan ako.

It felt like deja vu pero hindi ko pa rin magawang maniwala kahit siya na mismo ang nagsabi. I was in denial na sa kabila ng lahat ng mga ipinapakita niya'y mas may higit pa pala sa akin.

I gulped down hard at umupo na muna sa bench. "Pumili ka, ang basketball mo or ako?" I knew I was being cruel pero ayoko namang parusahan ang sariling palagi na lang nagdadalawang-isip sa kung saan ako lulugar sa parteng ito ng buhay niya. Na kapag ganito na ang tinatapon sa aki'y wala akong maisasagot dahil ako mismo ang walang alam.

The silence that followed was excruciating as the seconds dragged on, the pain that came along with it very familiar in a sense.

Kasi kung talagang iisipi'y dito nagsimula ang pagkakawatak-watak ng relasyon namin noon.

Nang tinanggap ko ang proposal niya'y binitawan ko na ang pangarap na tanggapin at mahalin ng sariling mga magulang. Kahit na magkaiba ang pagmamahal na naibibigay ng mga magulang at naibibigay niya, I trusted that he'd fill me with so much love that I'd stop yearning for that kind of love everyday.

Burn // Ricci Rivero FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon