Chapter 17

2K 50 1
                                    

Hapon na nang nakarating kami sa Isabela. I felt guiltier pa nga dahil kitang-kita ang pagod sa kanyang mga mata.

Sa gitna kasi ng biyahe namin, sinusubukan kong kumbinsihin siyang magpahinga na muna kami at para naman ay kahit papaano'y makatulog siya ng ilang minuto man lang.

Pero hindi siya pumayag at ipinatuloy lang ang pagmamaneho. I tried so hard to keep him company at kausapin siya pero palaging natatapos ang usapan namin and I'd find myself waking up a few minutes after, nakatulog na pala.

Susubukan ko naman ulit na kausapin siya but on the 3rd time that it happened, tinawanan niya lamang ako at sinabihang magpahinga na lang muna.

Kahit na hindi ko naman gusto'y sumuway sa akin ang aking katawan kasi nga gusto kong matulog and so I did.

As we turned the last corner para makarating na kami sa kanilang bahay ay humikab si Ricci. His eyes were droopy now, kitang kita ang pagod na pinipilit niyang itago kanina pa.

Kahit na hindi pa kami tuluyang nakarating, Tita Abby, Riley, Ashton and Allen were already standing outside their house marahil ay hinihintay ang pagdating namin. Ipinaalam na rin kasi naming pupunta ako para hindi sila magulat.

Binuksan nila ang gate at idiniretso na rin ni Ricci papasok ang sasakyan. I watched him take off his seatbelt before I did the same to mine at lumabas na rin nang makitang nakalabas na siya.

Nag-inat siya na sinabayan ng hikab and I did the same. "Kung nagpahinga ka na lang sana kahit sandali lang," I knowingly told him.

Sasagot pa sana siya nang marinig na namin ang pagtakbo nina Riley palapit. I felt Riley hug my thighs bago ko siya nakita.

Agad naman akong lumuhod sa harap niya at hinalikan ang kanyang pisngi, pinipigilan ang sariling manggigil.

"Hi Riley!" I greeted him.

He gave me a big smile bago nagsimulang magsalita tungkol sa ginawa nilang paghihintay. Kahit na hindi na siya ang kausap ko'y ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.

I stole a glance at him at napangiti nang makitang nakanguso siya at ang noo'y bahagyang nakakunot, nagseselos na naman siguro tulad noon.

"Riley! Dali na dito! Paniguradong pagod ang ahia at achi mo." Umayos ako sa pagkakatayo nang marinig ang boses ni Tita. Ricci went to her at hinalikan siya sa pisngi habang ako nama'y bumeso lang.

"Pasensiya na po sa abala, Tita."

"You're not a bother Kamila! Nasisiyahan nga kami kasi makakasama ka namin. Ricci's gonna be in his best this Christmas!" Nagagalak na ani ni Tita. "Iyan kasi siya, ang tigas ng ulo lalo na't sinasabihan kong magbihis na para sa pictures namin tuwing Pasko. Ngayong nandito ka na, magbebehave na yan!"

Sabay naming nilingon si Ricci na nahihiya dahil sa ginawang pambubulgar ng ina. "My naman," ani niya.

Hinayaan kami ni Tita na ayusin ang aming mga gamit. Ricci led me to the guest room na pinakamalapit sa kwarto niya.

He then left me para makapag-ayos na ako at para rin siguro ay makatulog na siya. Inayos ko lamang ang pagkakalagay ng gamit ko bago ko mabilis na pinadalahan ng mensahe si Ciera na nagsasabing magkasama kami ngayon.

Hindi ko na ikinwento pa ang nangyari dahil paniguradong makukuha naman niya ang ibig kong sabihin. I was in the middle of brushing my hair nang may kumatok sa pinto. "Pasok lang."

Bumukas ang pinto at pumasok si Ricci na ngayon ay naka-shorts na lamang. I watched him curiously as he closed the door behind him.

Dahil nakaupo ako'y mas lalo kong kinailangang tumingala para salubungin ang kanyang mga mata nang tuluyan na siyang makalapit.

Burn // Ricci Rivero FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon