Kalauna'y pumayag rin ako sa offer ni Kobe na mag-hiking. Akala ko nga hindi iyon matutuloy kasi sabi niya may training raw. Kaya ngayo'y nasa labas ako't naglalakad patungo sa convenience store sa malapit para mamili ng mga gamit na dadalhin ko.
It was the last day of October, kahapon, natalo ang UP against ADMU pero hindi ko na nagawang kitain pa ang sino man sa kanila.
Umuwi na kasi ako agad. Late na rin kasi nang tinext ako ni Kobe na nagsasabing tuloy daw ang hiking bukas. Maaga kaming aalis para maaga rin naming masisimulan ang trail.
I instantly regretted kung bakit hindi ako tuluyang nagbihis bago umalis sa condo. Sinuot ko lang kasi ang malaking hoodie na natagpuan ko sa mga bagay na kakalaba lang, hindi man lang nagbihis ng panloob.
At ngayo'y giniginaw na naman ako, dagdag pa ang malakas na aircon ng covenience. Namimili ako ng magandang lotion para hindi ako lamukin nang may kamay na inabot ang lotion malapit sa tabi ko.
I instinctively stepped back para padaanin siya pero natigilan ako nang agad ko siyang nakilala. Ricci was standing in front of me, kinukumpara rin ang dalawang brand ng lotion na hawak ko rin.
When he was done reading the labels, bumaling siya sa mga dala ko. Dahil sa tangkad niya, nagmukhang maliit ang convenience store at para bang ang sikip agad ng lane na 'to kahit na wala naman masyadong tao.
"Sasama ka sa hike?" tanong niya. Bahagyang umawang ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Nakakapanibago kasing siya ang nagsisimula sa pag-uusap namin matapos niya akong bigla na lang i-ghost. Tapos ang normal pa ng tanong!
Nilingon ko ang basket ko na nakalagay sa sahig. "Oo," I had to clear my throat dahil garalgal ang boses ko. "Ikaw rin ba?"
Paglingon ko ulit sa kanya'y nakatingin pa rin siya. Like his eyes never left me. "Oo, Kobe invited me." Pagkatapos niya iyong sabihin ay tumango na lamang ako. Hindi alam ang dapat sabihin.
This is so not normal! Should I say "good"? Or "I can't wait"? I decided to settle with saying, "Bounce back, next time," na tinanguan lamang niya.
Sinundan ko siya ng tingin nang tumingala siya at kinagat ang labi, na para bang may pinipigilan. After a few seconds ay nagsalita ulit siya, "We can buy those in bigger sizes, mas makakatipid tayo." Pagtukoy niya sa mga gsmit ko sa basket na pang-isahan lang.
So that would mean na mag-sha-share kami? Tama nga naman siya't makakatipid kaming dalawa pero makakaya ko ba ang awkwardness?
He sighed bago inabot ang mas malaking size nga ng lotion na napili ko. Inilagay niya iyon sa basket at nang mapansing hindi pa rin ako nagsasalita ay muli akong nilingon.
I continued to stare at him, confused. Bigla na lang atang nag-iba ang pakikitungo niya ah? Nakuha niya ang tanong sa likod ng aking mga mata dahil umiwas siya ng tingin, na-guilty rin siguro sa mga pinanggagawa niya.
"I'm sorry." The seriousness in his expression increased tenfold habang sinasabi niya iyon. "I'm sorry for ghosting you so suddenly. I—" Biglang naging frustrated ang expression niya. Ginulo niya ang kanyang buhok but for some reason, mas naging maayos pa iyon sa aking paningin. "Nagtampo lang naman ako kasi parang ikinakahiya mo ako kay Cie. Don't turn your back on me, please?"
For the nth time with Ricci, speechless na naman ako. I admit, tama nga naman ang rason niya pero enough ba iyon para i-ghost niya ako?
I was livid! Nakakasakit sa ego at pride na bigla na lang siyang nang-iiwan sa ere at ngayong na-guilty na ang loko ay hihingi ng patawad? He thinks I'm that easy huh? Akala niya manlalambot ako sa mga salita niyang iyan at kahit ang pagpapa-cute pero hindi! Hin—
"Okay," I breathlessly answered.
Gusto kong sampalin ang sarili. My brain was furious, telling me to push this guy away pero biglang ganoon na lang ang sagot ko? Okay??
At ganoon na lang ay magkakasundo kami?
"I mean, no! Akala mo ba ganoon lang ako kadaling magpatawad? Nakakasakit ng pride!" galit kong ani at nagpamewang.
A smile was starting to form on his face, that very familiar smile. Na para bang alam niya ang totoong iniisip ko, because admittedly, I know deep inside that I an soft for this guy.
"Sinabi mo na bawal bawiin," nakangisi niyang ani. His playful mood was back na para bang kahit kailan ay hindi talaga ito naglaho. Sinimulan na niya ang pagbabalik ng iilang produkto sa basket ko at ang pag-palit ng mga mas malaking sizes nito. "Well if you really insist on taking it back then I want to take back that jacket that you're wearing. It's mine."
Yumuko ako para makita ang suot na jacket. Kaya pala hindi familiar sa akin kasi sa kanya pala! I can be so forgetful sometimes!
Defensive kong niyakap ang sarili, the jacket was already starting to grow on me. Napaka-komportable kasi nito.
"Not anymore," sabi ko at pinatuloy na ang pamimili ng ibang mga gamit.
By the time na natapos kami ay halos ako lang ang gumagalaw at namimili habang si Ricci naman ay nakatayo lamang sa likod ko't walang ginagawa.
Alas kwatro na sa umaga at naghihintay lamang ako sa labas ng condo. Susunduin lang daw kasi ako dito bago didiretso sa trail.
After a few minutes of walking ay may dumating na ring pamilyar na sasakyan. Agad akong pumasok sa loob nang maalalang kay Ricci ito.
So sasakyan niya ang isa sa mga gagamitin?
"Good morning!" He greeted cheerfully bago ako inabutan ng napakainit na kape. I greeted him back bago bumalik sa pagkakatulala. I'm never a morning person, ngayon nga'y pinagsisisihan ko na kung bakit sumama pa ako.
We were in the middle of the road nang may tawag na natanggap si Ricci. "Can you answer it for me?" I yawned bago walang pasabing inabot ang cellphone niya. It was Kobe who was calling.
"Hello?" pagtawag ni Kobe. "O? San na kayo?" I asked. Nilingon ko si Ricci na nagnanakaw ng tingin habang nagmamaneho so I decided to put it on loudspeaker.
Napuno ng mahinang pagtawa ni Kobe ang sasakyan dahil sa pagkakaloud-speaker nito. "Magkasama na pala kayo?" tanong niya.
I gestured for Ricci na siya na ang sumagot dahil antok na antok pa rin ako. Nakuha niya naman ang ibig sabihin at nagsalita na nga.
"Oo."
"Bro, something came up kaya hindi ako makakasama. I asked the others kung tutoy ba sila pero may gagawin rin daw. Kayo na lang dalawa ang tumuloy." Kobe's voice sounded like something was funny na nagpakunot sa noo ko. He didn't sound at all regretful na hindi sila makakatuloy.
Nakuha naman ni Ricci ang ibig sabihin ni Kobe dahil tumawa siya before he cursed at Kobe.
"Language!" I silently hissed na nagpatikom sa bibig niya.
Ibinaba na rin ni Kobe ang tawag leaving me in this familiar silence once again.
So kami na lang dalawa huh?
BINABASA MO ANG
Burn // Ricci Rivero FF
FanfictionUAAP FF 2 Kamila Raye is quite literally a ray of sunshine for the people around her. Everywhere she goes is a happy place. It's safe to say that she has the ability to radiate joy to everyone around her. Put her in a random group and return an hour...