Chapter 40

2.1K 52 8
                                    

Pagod akong sumandal sa upuan, tahimik na nagdadasal na sana'y magiging maayos lamang ang lagay ni Mom.

Everything after went like a blur. Naiwan sa conference roon si Pat dahil hindi siya hinayaang makawala ng mga police. Ricci carried Mom to his car at hindi ko na alam kung saan pumunta si Atty. Francisco.

Hindi pa rin nawawala ang gulat ko sa mga nalaman. Kung paanong pinaglalaruan lang pala kami ni Patrick the entire time, na siya pala ang nag-utos sa mga lalaking iyon na gahasain ako.

Agad akong tumayo nang makitang papalapit na si Dad. I saw how his eyes shifted from me patungo kay Ricci na nasa tabi ko.

"Anong nangyari?" tanong ni Dad.

Masyado akong nanghihina para magsalita at nabantayan naman iyon ni Ricci dahil nag presenta siyang magsalita.

I didn't know how many hours passed before the door finally opened at lumabas ang doktor. She had a pleased look on her face kaya kahit papaano'y nakahinga naman ako ng maayos.

"Mrs. Samaniego is fine. Ipinapayo ko lang na wag na muna natin siyang ilagay sa stressful at nakagugulat na sitwasyon, she might not get lucky next time." mataman akong tiningnan ng doktor na siya ring dumalo kay Mom nung una siyang nawalan ng malay.

Lumapit na si Dad sa kanya para makita si Mom habang ako nama'y nakatayo lang. How was I going to tell her now?

Naramdaman ko ang paghawak ni Ricci sa aking kamay. He lightly squeezed it and that enough reassured me. "Magiging maayos lang ang lahat."

We ended up telling Dad first. Naging maayos ang pagtanggap niya sa sinabi namin. He didn't overreact or get angry like I thought he would. Nagulat pa nga ako nang sabi ni Dad ay siya na lang daw ang magpapaalam kay Mom.

Nang nagising na si Mom ay labis ang naging paghingi niya ng tawad sa akin, for not believing me even when I already told her about what Patrick did.

It felt like everything was staring to be perfect.

Ngayo'y maaga pa lang ay nasa loob na ako ng drugstore. These days kasi, nababantayan kong napapadalas ang paggising ko ng maaga para magsuka. Alam ko naman ang maaaring ipahiwatig nun lalo na't medyo active kami sa bandang iyon.

Ilang araw na rin ang nagdaan mula nang umalis na ako sa bahay after Dad told Mom already. She didn't take it nicely pero sa kabutihang palad nama'y hindi siya nawalan ng malay.

At first, inakala kong magagalit siya dahil sa desisyon kong magpakasal pero kalauna'y kumalma naman nang maalalang ang lalaking nirereto niya sa aki'y hindi na pwede.

She ended up getting angry dahil hindi ko ipinaalam sa kanya agad kahit na alam naman naming dalawa kung bakit.

Since then, doon na ako sa unit ni Ricci tumitira dahil hindi naman siya pumayag na bumalik akong mag-isa sa sariling unit noon. Kada nagigising ako para magsuka, hindi napuputol ang tulog niya kaya hinayaan ko na lamang knowing how tired he is lalo na kapag grabe ang training nila the night before.

And besides, ayokong umasa siya kung hindi naman pala.

He was still fast asleep nang umalis ako kaya binilisan ko na ang pagbaba sa sasakyan para pagbalik ko'y tulog pa rin siya.

Dahil maaga pa nga'y wala pa masyadong tao kaya madali akong nakabili ng iilan PTs. I bought other medicines just in case gising na siya pagbalik ko't magtanong kung ano ang binili ko.

Burn // Ricci Rivero FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon