Chapter 6

161 8 2
                                    

Another update this month. Please support this story guys, thank you!

SACRED'S POV:

Nagising ako at napangiti dahil sa lambot ng aking hinihigaan. Napakakomportable naman ng kayakap ko ngayon. Umaga na kaya? Ayoko pang bumangon.

I pouted at inamoy-amoy ang kayakap ko. It smells like lavender and peppermint, napakabango naman nito. Pagmulat ko ng mata ay bumungad kaagad sa harapan ko ang isang malaking stuff toy na panda. Kaagad nanlaki ang mata ko at napasigaw sa saya.

I really love pandas, pero sino ang naglagay nito dito? Napatingin naman ako sa paligid at napagtantong nasa kwarto na pala ako. My eyebrows furrowed in confusion. Hindi naman ako naglakad papunta dito kagabi saka sa natatandaan ko, nasa library ako kahapon at doon ako nakatulog. How come nandito ako? At isa pa, wala akong natatandaang may kinuha akong panda sa mga koleksyon ko.

Bumangon ako sa kama saka lumapit sa isang pink na kabinet. Pagbukas ko nito ay bumungad sakin ang napakaraming stuff toys na panda. I count all of them at napagtantong, hindi naman sila kulang.

Napatingin ako sa hawak ko at inamoy ulit ito. Hindi rin naman ito ang amoy ko, amoy babae naman 'to eh. Kanino ito?

Kahit nakapajama pa ay lumabas na ako sa kwarto dala-dala ang pandang kanina ko pa hawak. Bago naman kasi ako pumasok kahapon sa library ay nag change na ako into pajamas.

Nang makababa ay kaagad bumungad sakin ang napakaraming maid. Lahat sila ay nakangiti saka ako binati ng magandang umaga na kaagad ko namang tinugunan ng isang ngiti.

Naglakad ako papuntang kusina at naabutan doon si manang Ana. Nang makita ako ay kaagad itong napangiti.

"Good morning, hijo." Bati nito sakin saka lumapit sa kinatatayuan ko.

"Good morning, manang." Nakangiting tugon ko naman dito.

"Oh, may kailangan ka ba?" Malumay na tanong nito sakin.

I pouted. "May nagdala po ba sakin sa kwarto at nag-iwan ng pandang ito?" Tanong ko dito saka ipinakita sa kanya ang pandang dala-dala ko.

Nangunot ang noo nito. "Hindi ko alam, hijo." Naguguluhang sagot nito saka napatingin sa pandang dala ko. "Pero ang pandang yan ay parang nakita kong hawak kahapon ng bago nating maid." Dagdag nito na nakapagpakunot ng noo ko.

"Si Aldridge po?" Nagtatakang tanong ko.

"Aldridge ba pangalan nun?" Pabalik na tanong nito sakin na tinanguan ko na lamang. "Ah, oo siya nga." Tatango-tanong saad nito.

Naguluhan man ay nagpaalam na ako dito saka pumasok sa aking library. Wala namang kakaiba bukod sa naka close kong laptop. Wait, naka close!?

Hindi ko naman ito pinatay kagabi ah? Dali-dali akong lumapit dito saka ito binuksan. Ang files ko baka hindi na save, ayokong magsimula na naman.

Nang maopen na ay kaagad kong binuksan ang file kong saan ko isinagawa ang financial reports ng kompanya. Sa totoo lang, pwede ko naman itong ipagawa sa company's auditor pero mas gusto ko pa ring ako ang gumagawa. Ayokong nasasalisihan.

Marami akong ginagawa sa opisina pero naha-handle ko rin naman with the help of my employees. Aside from managing my own company, I need to manage my own mafia organization too.

This mafia organization is given to me by my own parents dahil kailangan ng magpahinga ni Dad from work. Ngayon ay nasa ibang bansa na sila at anytime soon ay alam kong dadalawin rin nila ako dito.

Pagbukas na pagbukas ng file ay unti-unting nanlaki ang mata ko sa nabasa. Natapos na ang report na ginagawa ko at ang mas nakakagimbal pa ay napaka pulido ng pagkakagawa.

The Legendary King And QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon