Chapter 1: The Legendary Queen

461 14 0
                                    

This is my first update for this story. Hope you will love this. Spread the love nor the hate.

SOLEMN'S POV:

Bumaba ako sa kotse ko at napatingin sa tower na nasa aking harapan ngayon. Napapoker face nalang ako saka naglakad papasok doon.

Nakasuot ako nang isang special mask na may maraming gemstone na design kung saan, ako lang ang merong gan'to sa buong mundo.
Ang mask na ito ay galing pa sa mga magulang ko at kung sino man ang magsuot nito ay siyang kikilalaning reyna. Special din ang mga gemstone na nilagay dito dahil rare lahat nang mga yun. In short, minsan mo lang makikita sa tanang buhay mo.

Sakop lahat nito ang mukha ko, ang kulay gray ko lang na mata ang naaaninag. Nakasuot rin ako nang black fitted jeans, black fitted long sleeve at isang black boots na may mga design na gems sa kaliwang bahagi.

Ang maskara at ang tattoo ko sa likod ay ang tanda na isa akong Gemstone,  reyna nang Edelstein Mafia at ang tower na ito ay siyang akin. Namana ko rin ito sa aking mga magulang.

May kakambal rin akong babae pero nasa pilipinas siya ngayon. Marunong siya sa martial arts at kung paano gumamit nang mga armas pero hindi niya alam ang tungkol sa mga pinanggagawa ko. Masyado kasi siyang matatakutin at madaling panghinaan nang loob kaya itinago ko ito sa kanya. Isa pa, ayoko siyang mapahamak nang dahil lang sakin.

She's sweet, caring, loving, cheerful, funny and angel of the family while me, I'm heartless, brutal, cold, walang pakialam sa iba, laging tahimik at introvert. In short, I'm her total opposite.

Pero kahit ganito ako ka cold at ka brutal sa iba, wala nga daw akong puso eh pero pagdating sa kanya ay tumitiklop ako. Siya ang tangi kong kahinaan at papatayin ko ang taong mananakit sa kanya.

Sa pilipinas siya nakatira kasama ang mga magulang namin habang ako naman ay lumipad papunta dito sa Australia. Dito ako nakapagtapos saka ko minanage lahat nang kompanya namin all over the world, lalong-lalo na ang Edelstein Mafia. Pinayagan naman nila ako ni mom dahil yun din naman ang gusto nilang mangyari.

Napabuntong-hininga ako saka iwinaksi ang mga isiping yun at nag focus nalang sa aking paglalakad. Bawat taong madadaanan ko habang papasok ay kaagad na nagbibigay galang sa akin sa pamamagitan nang pagyuko.

Nagbibigay rin sila nang daan para makapasok ako nang matiwasay sa loob. Ramdam na ramdam ko rin ang takot at pagkamangha nila habang nakatingin sakin. Well, who wouldn't? I am their queen. They should bow down before me.

"Queen?" Tawag sakin nang isang pinagkakatiwalaan kong tauhan. Si Elluna o mas kilala sa tawag na Amethyst sa mafia world.

Magaling itong umasenta kahit ano pa kalayo. Mapabaril man, kutsilyo o pana.

"Ano ang kailangan mo Ameth?" Tanong ko dito. Nag bow muna ito bago sumagot.

"Nandun na po silang lahat sa loob." Magalang na ani nito. Hindi na ako sumagot at naglakad nalang papunta sa lugar na tinutukoy niya.

Pagkapasok ko ay kaagad na nagsitayuan ang mga taong nandito at kaagad na nag bigay na naman nang paggalang.

"Maupo na kayo." Malamig na utos ko sa mga ito. Kaagad naman silang umupo sa kani-kanilang mga upuan kaya umupo na rin ako sa upuang para sakin.

"Queen?" Tawag pansin sakin ni Irish o kilala sa tawag na Emerald. Isa siyang geek pagdating sa technologies. Magaling rin siya sa martial arts at sa mga weapon but more on sa mga gadgets niya na kung pupwede lang ay pinakasalan niya na sana, tsk.

"Ano yun?" Malamig na tanong ko dito.

"May kailangan kang malaman." Halata ang pag-aalinlangan sa tono nito. Hindi ko man nakikita ang mga mukha nila dahil sa nakasuot rin sila nang mask katulad ko, pero kahit ganun ay ramdam ko parin na may hesitation sa mukha nito.

The Legendary King And QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon