Chapter 22

33 4 0
                                    

Hey, everyone! I am back! 

Ps. Errors and typos ahead.

SOLEMN'S POV:

"Dridge, tapos ka na ba?" Narinig kong sigaw ni Sacred sa labas ng kwarto ko.

"Sandali lang. Hintayin mo ako diyan sa labas." Mahinahong tugon ko dito.

"Opo!" Masayang sabi nito dahilan para mapaikot na lamang ako ng mata. Minsan hindi ko talaga alam kung bakit nagkagusto ako sa isang abnormal eh. Napabuntong-hininga na lamang ako at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng itim na hoodie, itim na pantalon, itim na sapatos, itim na sumbrero at itim na face mask. Mukha akong papuntang burol, hanep.

Kinuha ko na lamang ang wallet at phone ko saka binuksan ang pintuan. Bumungad naman kaagad sa harapan ko ang nakangiting mukha ni Sacred. Nakasuot ito ng purong itim din mula ulo hanggang paa ngunit ang kaibahan lang ay hindi ito naka face mask at nakasumbrero.

"Alis na tayo?" Mahinahong tanong ko dito. Kaagad naman siyang napatango sakin. Lalakad na sana ako ng bigla itong napatigil at humawak sa palapulsuhan dahilan para mapatingin ako dito. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi ito sumagot bagkus ay kaagad ako nitong niyakap na mas ipinagtaka ko ngunit niyakap ko na lang rin ito pabalik. "Dridge?" Tawag nito sa pangalan ko.

He leaned his head on my shoulder and smelled my neck. He is becoming weird again. "What's the problem?" I asked calmly.

Mahina itong umiling, "I love you, Dridge." He mumbled faintly but it was just right for me to hear those words from him. This is not the first time for me hearing these words from his mouth but everything feels like the first time. I still feel my heart beating fast and my ears started to get hot while butterflies started to tickle my stomach.

I sighed, "I love you too, baby." I replied calmly even though deep inside of me, I'm so happy.

He gently loosen his hug and looked at me in the eyes while his eyes sparks with hope. "Dridge, I want you to meet my parents soon. Is it okay with you?" He asked gently.

Meeting his parents? I don't know anything about them but since they are the parents of the man I love, then I am always ready to meet them.

I smiled faintly even though I was already wearing the face mask, "Of course." I answered truthfully.

Napangiti ito ng malaki at binaba bigla ang face mask ko. Bago pa ako makaangal dito ay nakita ko na lamang ang sarili kong hinahalikan ng hinayupak sa labi.

His kiss is so possessive yet with a faint of gentleness and love. I kiss him back with the same intensity and I don't know how many minutes pass when he reluctantly stops. I was panting a little when we parted our lips together and he gently put back my mask.

I glared at him but he just looked at me innocently, "Let's go?" He asked like nothing happened. This bastard! When did he become a sly fox after becoming a rabbit?

Napailing na lamang ako at sabay na kaming bumaba. Naabutan naman ang ilang mga maids at sabay-sabay silang bumati kay Sacred habang todo ngiti naman ito kung bumati pabalik. Wala naman akong pakialam kung ayaw nila akong batiin eh, mukha bang kailangan ko sila?

Pagkalabas ay kaagad kaming pumunta sa garahe at siya na ang pinag drive ko ng kotse, tutal siya naman ang may alam kung saan kami pupunta.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko bigla dito habang nagdadrive na siya.

Inosente itong napatingin sakin at napailing, "Ayaw kong sabihin." Sagot nito at ibinalik sa daan ang atensyon.

Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang phone niya kaya sabay kaming napatingin dito ngunit kaagad kong sinampal ng mahina ang mukha nito pabalik sa harapan dahil nagdadrive ito.

The Legendary King And QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon