Chapter 8

161 14 14
                                    

Happy 1K everyone!🎉🎉🎊 Thank you for supporting this story. Yeyyyyy! Please vote pooooooooo. Enjoy reading!

Ps. Errors and typos ahead.

SOLEMN'S POV:

Maaga akong nagising dahil maaga rin ang pasok naming dalawa. Mas mabuti naman ito dahil mas makakakuha ako ng impormasyon mula sa kanya.

Sa susunod na araw ay bibisita ako sa isa sa mga headquarters ng Edelstein Mafia dito sa Pilipinas. I need to do something para makakuha kaagad ng impormasyon. It's taking too long for me and I am getting impatient about this.

I looked at the mirror in front of me and stared at my reflection. I am wearing a white long sleeve with black office suit outside and black pencil skirt with black heels. I turned my hair into a messy bun and I put a light make up.

Pagkatapos kong mag-ayos ay kaagad akong pumunta sa drawer ko at pinalabas ang dalawa kong baril na ako mismo ang nag-imbento. Hindi ito madedetect ng kahit anong scanner unless ipinagbabawal na ito sa sarili kong headquarters.

Scanner lang namin ang pwedeng makadetect nito at makakapagdetermine kung illegal na ba siya or hindi. Of course, ako lang din ang makakapagbawal nun. I have an access on every weapons I made and my men used.

I put the guns inside the two holster located on my right and left thighs while picking my handbag. Lumabas kaagad ako sa kwartong tinutulugan ko at dumiretso sa kusina ngunit bago ako makarating doon ay napuno muna ako ng masasamang tingin mula sa ibang mga maids na tiningnan ko lang ng malamig.

Kapag nakabalik na ako sa totoong pwesto ko ay ako mismo ang magtatanggal sa kanila dito sa trabahong meron sila kahit na kay Sacred pa sila nagtatrabaho. Paano ko gagawin iyon? You'll see.

Naabutan ko naman kaagad sa kusina ang nakangusong isip-bata. I roll my eyes, ano na naman ang problema nito?

"What's with the face?" Malamig na tanong ko dito dahilan para mapatingin siya sakin at nagulat ng dumako ang mata nito sa suot ko.

Tinaasan ko ito ng kilay dahilan para mapaiwas ito ng tingin ngunit hindi nakaligtas sakin ang pagpula ng tainga nito.

"W-wala naman Dridge." Sagot nito at itinuloy ang pagkain nito ng hindi tumitingin sakin.

Tumaas ang kilay ko sa narinig. "What did you just called me?" Tanong ko.

He look at me with his doe eyes and pouted. "Dridge because Aldridge is too long." Sagot nito sa malumay na boses.

I mentally smiled in my thought, he is really innocent sometimes. "Okay, let's finish our breakfast para makaalis na." Tanging saad ko na lamang saka kami patuloy na kumain ng tahimik.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad ako nitong iginaya palabas ng bahay. Halatang masaya ito ngayong araw dahil nakangiti ito sa akin.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Mataray na tanong ko dito. Ewan ko ba, kahit sabihin pa nating sa kanya ako nagtatrabaho ay hindi pa rin ako nagpapatinag. I hate to say this pero komportable ako kapag kasama ko siya.

Mas lumapad ang ngiti nito saka isinarado ang pinto pagkapasok niya sa driver's seat.

"Wala naman, masaya lang ako kasi pumayag ka." Sagot nito at nagdrive na. Napailing na lamang ako dahil sa sinabi nito.

Tahimik kaming sumakay sa kanyang kotse hanggang sa makarating sa building nito. Lumabas kami pareho at sabay na pumasok sa loob.

"Magandang umaga po!" Masayang bati nito sa lahat. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang binabati rin siya pabalik ng mga empleyado niya ngunit nakakairita ang mga babaeng kung tumingin sa kanya ay para isa siyang masarap na pagkaing ano mang oras ay gusto nilang kainin.

Tahimik lamang akong sumunod sa kanya hanggang sa mapadako ang tingin nila sakin. Curiosity is becoming an obvious reflection of what they feel right now ngunit hindi nakaligtas sakin ang tinging ibinibigay ng mga punyetang lalaki dito. I am not your fucking prey, idiots!

Busy ako sa pagtingin at pagmatiyag sa paligid ng makaramdam ako ng isang kamay sa bewang ko, I secretly gasp in surprise ngunit kaagad ding nakabawi. Napataas ang kilay ko at tumingin sa nagmamay-ari nito. It was Sacred, he was wrapping his arm around my hips possessively at halata ang pagkabusangot nito dahilan para magkaroon ng bulong-bulongan. I can't understand what they are saying dahil mas rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Shit, ano bang nangyayari sakin? Napahawak ako sa aking dibdib kung saan nakalagay ang puso ko hoping that it will calm and stop beating in an abnormal way but it didn't.

"Pwede bang alisin mo na yang kamay mo sa bewang ko?" Malamig ngunit mahinang tanong ko dito at pinipilit na hindi ipinapahalatang apektado ako. Tiningnan ako nito and he pouted his lips while shaking his head. "Kuhanin mo." Malamig na utos ko dito ngunit mas hinigpitan pa siya ang pagkapit kaya mas tumindi ang bulong-bulongan sa paligid.

Lumapit naman ang isang babae samin at tumaas pa ang kilay sakin bago tumingin na may kakaibang ngiti sa katabi ko. Typical flirt!

"King, kaanu-ano niyo po siya?" Tanong nito while secretly glaring at me. Wow, she's tough.

Napatingin naman kaagad ako dito only to find out na nakatingin na rin pala ito sakin. Napanguso ito sakin at tumingin ulit sa babae.

"She's my new assistant. Please be nice to her." Sagot nito at iginaya na ako papunta sa elevator. Nang kaming dalawa na lang ay tiningnan ko ito ng masama dahilan para mapatingin ito sakin.

"Pwede mo na akong bitawan." Malamig na utos ko dito.

Napanguso ito ulit. "Ayaw ni Sacred." Tugon nito at may kasama pang pag-iling.

I snorted. "Aalisin mo yan o aalisin ko habang buhay ang kamay mo?" Pagbabanta ko pa dito. Hindi naman sa ayaw kong hawakan niya ako. Kakaiba lang kasi talaga ang nararamdaman ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito humuhupa.

Napabusangot naman ito at unti-unting inalis ang kanyang kamay at doon lang ako nakahinga ng maluwag ngunit hindi ko ito pinahalata sa kanya. He crossed his arms childishly and pouted while staring straight. Ganyan lang ang ginagawa niya hanggang sa makalabas kami. Diretso itong naglakad without even glancing at me saka pumasok sa silid na sa tingin ko ay opisina niya.

Tahimik naman akong sumunod dito at nakitang umupo ito sa kanyang swivel chair habang nakahalukipkip pa rin. Now what!? This man is literally sulking at me. Unbelievable!

Lumapit ako dito ngunit hindi niya pa rin ako tinitingnan at nag open na lamang ng kanyang laptop.

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin!?" Inis na tanong ko dito ngunit wala pa rin akong makuhang sagot mula sa kanya. Napahilamos na lamang ako ng aking kamay sa mukha ko dahil sa inis. "You don't want to talk to me!? Fine! Lalabas na ako!" Saad ko at akmang aalis na sana ng maramdamang kong nataranta ito. I secretly smirk but ended up being shock ng maramdaman ko ang dalawang bisig nito na pumulupot sa bewang ko. He is fucking back hugging me!

I stiff and froze literally on my spot. "I'm sorry, Dridge. I didn't mean to." Mahinahon ngunit halatang nakanguso pa rin ito. I shake my head and calm myself first.

"It's okay." Tanging nasabi ko. I am fucking speechless. Me, a Queen is fucking speechless and having a mental debate whether I should let go or not. "Bitawan mo na ako at sabihin sakin ang mga dapat kong gawin." But I choose the latter because I freaking need to do something.

Binitawan niya naman ako saka ako humarap dito. I roll my eyes at nakatingin lamang ito sakin ng inosente. He is so fucking ador-- no, he is not.

"About that, I will let you check this files kung meron bang magandang proposal diyan at pwedeng magamit sa mga next na project." Ani niya saka kinuha ang mga papel na nasa mesa niya at ibinigay sakin. "That is your table." Saad pa nito at may itinuro dahilan para mapatingin din ako dito. Napatango na lamang ako sa kanya at pumunta na sa mesang pagtatrabahuhan ko.

I check everything. Meron naman pwedeng magamit na affordable lang ang materials while ang iba naman is maganda rin sana ang proposal ngunit mahal ang gamit. Speaking of company and project, I need also to follow up my company. Geez, I need to visit it next time.

Babalik rin ako sa lugar kung saan nakita ang katawan ni August. Babalikan ko lahat lalong-lalo na ang punyetang lalaking iyon.

The Legendary King And QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon