Chapter 20

63 4 8
                                    

Hi guys! I'm sorry for being inactive since aside from being busy, my laptop became defective last December so I bought another one last January 16. And now, here I am! Thank you for reading this story guys, it was full of fluff now so better watch out for some crying scenes the next time. Keep safe!

Ps. Errors and typos ahead.

SOLEMN'S POV:

Pagkalabas namin doon sa lugar gamit ang isang yate papalabas sa isa pang daanan ay naramdaman kong kinalabit ako bigla ni Sacred dahilan para mapatingin ako dito.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

He frowned and glared cutely at me. "May madali naman palang daan Dridge bakit doon pa tayo dumaan sa buwis buhay nung una?" Tanong nito na may halong maktol.

I chuckled at itinaas ang kamay ko para guluhin ang kanyang buhok. "Wala lang, gusto ko lang maranasan mo." Mahinahong sagot ko dito dahilan para mas malukot ang mukha nito.

"Ewan ko sayo, basta ayoko ng maranasan iyon next time." Saad pa nito ulit dahilan para mapatango na lamang ako at pinasakay na siya sa kotseng ginamit din namin kanina.

"Baby, matulog ka na muna. Gigisingin na lamang kita kapag nasa bahay na tayo." I told him softly while he nodded his head and close his eyes.

Nagdrive na lamang ako paalis doon habang siya naman ay natulog na. I looked at him and smiled softly before holding his hand.

I drove silently and when we arrive at his house, I woke him up immediately. Hindi naman pwedeng buhatin ko pa siya dahil baka magtaka ang ibang tao dito. Ang laki-laki kaya ni Sacred kumpara sa katawan ko.

"Nandito na ba tayo?" Inaantok na tanong nito sa mahinang tinig. Bakit ba para sakin, kahit anung gawin niya ay cute pa rin sa paningin ko? Baliw na ba talaga ako? Napailing na lamang ako sa isiping yun at inalalayan siyang bumaba.

Kaagad naman nitong inangkla ang kanyang kamay sa kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Gabi na kaya medyo hindi na ganun kadami ang maids na nandito sa baba ngunit meron pa rin naman.

Hindi na ako nag-abalang bumati kahit kanino at dumiretso na lamang sa kwarto ni Sacred para patulogin na siya. Pagkahigang-pagkahiga niya sa kama ay kaagad na naman itong nakatulog kaya napailing na lamang ako.

Hindi ko na siya ginising at kumuha na lamang ng maligamgam na tubig at maliit na towel para punasan ang katawan niya. Masasabi kong maganda ang hubog ng katawan ni Sacred, iyong nga lang, maganda ang katawan niya ngunit isip-bata pa din.

Kung umabot man sa puntong mahanap ako ng mga kalaban at mga naghahanap sakin, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya. Kahit sabihin pa nating, hindi siya pumapatay ng inosente ngunit alam kong nakapatay na siya ng mga taong halang ang kaluluwa.

Hindi ko alam kung ano ang impact sa kanya ng pagpatay ngunit ayokong gawin niya pa ulit iyon. Gaya nga ng sinabi ko, ako ang papatay at magpapahirap sa mga kalaban dahil ang kamay ko ay matagal ng nabahiran ng dumi.

Noon, wala akong pinipiling taong papatayin sapagkat ganun ako klaseng tao noon at sa pamilya lang ako lumalambot. Ngunit ngayon, aside from my family, I already have my baby.

Napabuntong-hininga na lamang ako at binihisan na siya ng damit pampatulog saka ako pumasok din sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis ng damit na pangtulog din at pinatuyo ang aking buhok.

Hindi na ako nag-abalang pumunta pa sa kwarto ko dahil tinatamad na ako kaya damit na lamang ni Sacred ang sinuot ko. Bukas ko na lamang iyan poproblemahin.

Nahiga na din ako sa tabi niya at natulog na. Ngunit hindi ko alam kung ilang oras akong natulog at nagising na lamang dahil sa isang sigaw.

"Bakit ka ba sumisigaw?" Inis na tanong ko dito at unti-unting binuksan ang mga mata ko kasabay ng pagtitig sa kanya.

Nangunot naman kaagad ang noo ko ng makita kong parang lumpia siyang nakabalot sa kumot habang namumula pa ang kanyang buong mukha. Sabagay, mukha lang naman talaga ang nakikita dahil pinasok niya lahat sa loob ng kumot ang kanyang katawan.

"Anong nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ko dito. Hindi ito sumagot ngunit mas lumala lamang ang pamumula nito kaya bumangon na ako at lumapit dito. "May lagnat ka ba?" Tanong ko sa kanya at hahawakan na sana ang kanyang noo nang magsalita ito.

"I-ikaw b-ba n-nagbihis s-sakin?" Nauutal na tanong nito.

I chuckled but nodded my head afterwards. "Are you shy because of it?" I asked and he pouted while turning his head on the side.

"S-so, y-you s-saw m-my b-body?" Nauutal na tanong nito kasabay ng pamumula pa rin ng kanyang mukha.

I chuckled again because of his cuteness. This guy is so cute and I am proud that he is mine. I kiss his cheeks and nodded.

"I did." I answered truthfully. "However, don't worry about it because your girlfriend is not a pervert. Actually, you don't need to be shy also since I have already seen so many bodies whether it is from a girl or even boys before." Dagdag ko pa at tumayo na. I stretch my arms and my feet and looked at him again.

This time, he was looking at me with a different expression. "You did?" He asked again.

Napatango naman ako. "Of course, I did. Aside from being a mafia queen, I am also a doctor and a businesswoman." I told him the truth which made him frown. I chuckled, "Don't be jealous, baby. Of course, I need to do that because I am a doctor." Dagdag ko pa at tumayo sa harapan nito.

Kaagad naman siyang lumabas mula sa kumot at kaagad na niyakap ako sa bewang. "Pwede bang, huwag ka nalang tumingin sa katawan ng iba simula ngayon?" Tanong nito at muntik pa akong mapasinghap ng marinig ko ang boses niya.

Napaka seryoso nito at malayong-malayo sa isip-bata niyang boses, it was deep with some hint of firmness. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil dito.

"Yes, hindi ko na gagawin iyon. Actually, hindi naman talaga ako nagdu-duty dahil matagal na akong tumigil sa larangan na iyon. I was just managing many hospitals under my name but aside from that, I am not handling some operations anymore." Sagot ko dito at naramdaman ko na lamang na mas hinigpitan niya ang yakap sakin.

Napangiti na lamang ako at yumuko para halikan ang buhok niya. "I think, kailangan mo na talagang pumasok sa opisina dahil alam kong natatambakan ka na." Saad ko pa dito at kumalas sa yakap niya.

"Oo nga pala." Saad naman nito at kaagad na napatingin sakin ng kakaiba mula paa hanggang ulo. "You are wearing my clothes." He stated and a big smile appear on his lips.

I smiled and nodded. "Yeah, tinatamad na akong bumalik sa kwarto kagabi eh." Saad ko dito at tiningnan ang oras mula sa alarm clock nito bago ibinalik sa kanya ang tingin ko. "Tumayo ka na diyan at maghanda na." Utos ko pa dito at napatango na lamang siya.

Bumalik naman ako sa kwarto ko upang makapagbihis na din at pagkatapos ay sabay na kaming bumaba papuntang dining room.

Bago pa ako makaupo ay kaagad na tumunog ang aking cellphone kaya kaagad ko itong binuksan at nakita ang pangalan ni Irish sa screen.

"Baby, sasagutin ko lang 'to ah." Mahinang saad ko dahilan para mapatango siya. Naglakad naman kaagad ako ilang pulgada lang ang layo mula sa kanya at sinagot ang tawag.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Queen, nagpadala ko ng larawan diyan. Kung kilala mo ang taong yan, sabihan mo ako." Sagot nito.

"Sandali." Saad ko at binuksan ang aking email. Doon ko nakita ang tatlong larawan at pagbukas ko nito ay kaagad na bumungad sa harapan ko ang lalaking kahit kailangan ay hindi ko malilimutan.

Humigpit ang aking hawak sa aking cellphone at masamang tiningnan ang litrato. "Oo, kilala ko siya." Mahinang saad ko ngunit sakto lang para marinig niya.

"Kung ganun, Queen. May kailangan kang malaman." Tugon nito at bumuntong-hininga.

"Ano yun?" Malamig na tanong ko dito.

"He was after you again. This time, he even became the founder of a secret organization under the black market."

The Legendary King And QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon