Chapter 19

81 5 7
                                    

Hello, guys! Napakatagal na pala mula nung huli kong pag-update kaya heto na po. Salamat sa pagbabasa!

PS. Errors and typos ahead.

SOLEMN'S POV:

"Queen, may mga natagpuan na po kaming mga tauhan ng pinaghihinalaan naming pumuprotekta kay Suniega ngunit lahat sila ay namatay bago pa makapagsalita." Saad ni Onyx sa seryosong tono, isa siya sa mga tauhan ko.

Lihim naman akong napakuyom ng kamao dahil sa narinig, hindi pwedeng hindi ko mahanap at mapatay ang putanginang iyon. Ayokong mapunta lang sa wala ang pagkamatay ni August at ayokong wala man lang akong nagawa para maipaghiganti siya.

Napabuntong-hininga ako at kinalma ang aking sarili bago mapatingin sa mga taong nandito rin sa loob ng kwartong ito. 

Nandito ako ngayon sa conference room kasama ang sampung elite leaders habang si Sacred naman ay nasa labas kasama ang iba ko pang mga pinagkakatiwalaang tauhan. Lahat sila ay nakatingin sakin maliban na lamang kay Diamond na tulog na naman. Tangina, talaga itong lalaking 'to.

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Onyx. "Bakit sila namatay? Paano?" Nagtatakang tanong ko dito.

Napabuntong-hininga si Zircon. "Ayun sa imbestigasyon nina Beryl at Agate, may mga nakalagay na device sa loob ng mga ulo nila and once matrigger ito ay bigla na lamang sumasabog. We don't know kon paano ito natitrigger pero sa tingin ko, may controller din ang mga ito." Pahayag nito habang ang iba ay tahimik lang din namang nakikinig at napatango naman ang dalawang tinawag bilang kompirmasyon.

Napatango ako dahil dito. "Mukhang malakas din sila ah. Mukhang pinaghandaan din nila ang mga gagawin." I mumbled in a bored tone.

Napatango naman si Cobalt. "Parang ganun na nga, Queen. Ngunit huwag kang mag-alala, hindi naman kami tumitigil sa paghahanap ng iba pang clue para mahanap siya at ang mga taong nagtatago sa kanya." Saad nito dahilan para mapatango ako.

"Mabuti kung ganun dahil kailangan ko na siyang mahanap as soon as possible. Hindi na ako makapaghintay na mapatay ang tarantadong iyon." Malamig na saad ko sa mga ito dahilan para sabay-sabay silang mapatango. "Pwede na kayong umalis at gawin ang iba ko pang mga pinaggagawa ngunit maiwan ka Siam." Saad ko sa mga ito at hindi nakaligtas sakin ang pagbusangot ng isa sa kanila ngunit kaagad din naman silang napatayo kasama na siya habang ginising naman ni Sapphire si Diamond na mukhang lutang na naman. They all bowed before they got out maliban sa pangalang tinawag ko.

Nang mawala na silang lahat ay kaagad na napatingin sakin si Siam ng seryoso. "Huwag po kayong mag-alala, unti-unti ko na pong nililinis ang mga kalat sa ilalim ng organisasyon natin." Malamig na saad nito dahilan para mapangisi ako.

"Mabuti naman kung ganun dahil kung ako pa ang lilinis ng mga kalat na iyon, sisiguraduhin kung mas sasaklap pa ang kahihinatnan ng mga traidor na iyon." Tugon ko naman dito dahilan para tanguan lamang ako nito.

"Nga pala, Queen. May konti na akong balita tungkol sa pumuprotekta kay Suniega." Panimula nito dahilan para taasan ko siya ng kilay na mukhang nakuha niya naman ang ibig sabihin. "Nalaman kong isa din silang Mafia organization ngunit tago lahat ng mga impormasyon tungkol sa kanila. Hindi ko pa alam kung anong klaseng mga illegal na aktibidad ang kanilang ginagawa ngunit nasisiguro kong myembro din sila ng black market." Dagdag pa nito.

Napailing ako. "Kung myembro sila doon, hindi magandang sitwasyon ito. Maraming masasama sa black market at hindi sila pwedeng lumaganap at kung talagang may kinalaman sila doon, kailangan nating maghanda." Pahayag ko dito. "Nga pala, kamusta ang transaksiyon?" Tanong ko pa dito.

The Legendary King And QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon