Chapter 2: The Legendary King

259 10 0
                                    

SACRED'S POV:

"Ano nang balita sa mga kalaban natin?" Tanong ko habang kumakain nang paborito kong strawberry flavored Ice cream.

"Marami na naman pong pinapatay si Suniega King." Sagot nito. Hindi na ako nagulat. Talaga naman kasing halang ang kaluluwa nang gagong yun.

"Ganun ba? Kailangan ko na talaga sigurong iligpit ang hayop na yun para mabawasan naman ang mga walang kwenta sa mundong ito." Ani ko dito.

"Marami na nga rin po ang tumutugis sa kanya pero hindi pa rin po mahanap-hanap." Sabi na naman nito. Ngumiti na lang ako habang kumakain pa rin.

"Ipahanap niyo na kaagad ang gagong yun para naman mapatay na siya." Naka pout kong saad.

"King, may nalaman rin po akong balita." Sabi nito.

"Ano naman yun?" Takang tanong ko. Importante ba yun?

"Namatay po ang dalagang si Staid August Asher. Ang kaisa-isang anak nang pamilyang Gemstone." Kaagad na napatingin ako sa aking butler nang sabihin niya yun. Gulat ang rumihestro sa mukha ko. Namatay ang anak nila? Eh, sino ang magmamana nang organisasyon nila?

"Bakit hindi ko naman yata alam yan?" Parang batang tanong ko habang binababa ang kutsarang nasa kamay ko.

"Sekreto po ang burol nang dalaga King pero nalaman namin ito dahil sa mga source natin." Sagot nito sa tanong ko.

Napanguso nalang ako. "Sino daw ang pumatay?" Tanong ko dito. Para kasing interesado ako sa balitang yun.

"Nalaman ko pong si Suniega rin po ang pumatay dito." Naningkit ang mata ko at napabusangot.

"Hayop talaga yun. Akala niya naman ikinagwapo niya ang pagpatay, tsk." Napahalukipkip ako habang sumusubo na naman nang Ice cream, dahil dito ay awtomatiko na naman akong napangiti. Ang sarap talaga nang strawberry.

"Mauna na po ako King." Tumango nalang ako at iwinasiwas ang kamay ko saying na lumabas na siya. Kaagad naman nitong naintindihan kaya nag bow muna ito bago lumabas nang opisina ko.

Pagkalabas nito ay napatingin kaagad ako sa kisame saka napaisip na naman habang sumusubo nang Ice cream. Ano kaya ang nangyari at ginawa nang Suniega na yun sa babaeng si Staid? Napailing nalang ako. Siguradong grabe ang pinsalang natamo nito.

Nasa kalagitnaan naman ako nang pag-iisip nang mapagtanto kong ubos na pala ang kinakain ko. Napapadyak nalang ako nang paa dahil dito. Kulang talaga eh. Tsk!

Tumayo nalang ako mula sa swivel chair na inuupuan ko saka ko kinuha ang coat na hinubad ko kanina at isinuot ito.

Kaagad akong naglakad palabas nang opisina ko at bawat madadaanan kong employees ay kaagad na bumabati sakin. Nginingitian ko lang sila bilang tugon.

Pagkalabas ay kaagad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito papuntang Krone Empire. Ang sarili kong Mafia organization.

We are currently on the rank 2 because obviously, nangunguna palagi ang Edelstein Mafia kung saan pagmamay-ari ito nang pamilyang Gemstone.

Pagdating ay kaagad kong ipinarada ang kotse ko sa parking lot saka nagsuot muna nang maskara bago pumasok sa loob nang empire.

Nakapamulsa akong pumasok sa loob. Maraming nakakalat na reapers sa paligid nitong lugar. Mahirap na, baka maisahan kami nang mga kalaban kapag naging pabaya ang organisasyong ito.

Pumasok ako sa isang silid kong saan nandito ang mga kaibigan ko.

"Hey King!" Bati sakin ni Spring. Isa siya sa mga reapers ko. Ang tawag sa kanya ay Grim reaper. Happy go lucky ang attitude niya. Maloko rin minsan pero loyal yan sa organization ko. Magaling ito sa hand to hand combat at sa mga guns rin.

The Legendary King And QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon