Chapter 17

91 4 6
                                    

Wala akong maisip na plot tungkol kina Sacred at Solemn kaya kina Irish na lang since gusto ko ding magka progress ang love story nila. Haha, enjoy!

PS. Errors and typos ahead.

IRISH'S POV:

"May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" Matabang na tanong ko dito at pilit na nginitian siya kahit sa kaloob-looban ay gusto ko na siyang suntukin. Hindi ito nakatingin sakin at seryoso lamang sa pagtitipa sa kanyang laptop ngunit tahimik pa rin itong tumango.

Tiningnan ako nito ng malamig. "Make me a coffee." Maikling sagot nito sa walang emosyong tono bago ibinalik ulit ang kanyang atensyon sa laptop nito.

I mentally scowled at that but calm myself anyway. Ayokong magalit dahil nakakapangit iyon at ayoko ding masayang ang ganda dahil lang sa pesteng lalaking ito.

"Sige po, sir." Magalang na tugon ko dito at lumabas na mula sa kanyang opisina.

Naglakad na lamang ako sa hallway ng padabog dahil sa inis. Ilang araw na magmula nung pumunta kami kina Louie at simula nun ay hindi niya na ako kinikibo. Lagi niya akong binibigyan ng cold shoulder at ayaw ko ng pakiramdam na iyon.

Okay lang na sungitan niya ako at bwesitin palagi dahil at least alam kong may pakialam siya. Hindi tulad nito, sasagot lang at magsasalita kapag importante.

Noon ay nagjo-joke pa siya sakin ngunit ngayon ay wala. He was treating me like I was just an air around him. Yes, I was a secretary here and we don't have a relationship but I can't change the fact that I already treat him as something beyond than just a mere boss and secretary.

Gusto kong magsalita ngunit alam ko namang wala akong karapatan. Nandito lang naman ako dahil sa isang misyon, di ba? Pwedeng sa susunod na araw ay hindi na din naman ako mananatili dito ngunit instead of feeling happy because finally, I would be able to go back with my life, that's not what I felt.

I feel hurt and doubt, hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang umalis na parang walang nangyari at iwan siya dito.

I sighed and did what he told me. Tinimplahan ko siya ng kape at binitbit ito pabalik sa kanyang opisina. Kumatok ako sa pintuan nito.

"Come in." Rinig kong saad nito kaya binuksan ko ulit ang pintuan at pumasok dito.

I put the coffee above his desk and bowed. I was about to turn my heels when I felt my phone vibrated as well as his phone rang at the same time. I continue my walk while picking up my phone from my pocket.

When I open it up, it was a message from my love.

From: Walang Jowa si Ivan

Love, pupuntahan sana kita mamaya. Gusto kang makita nina mom and dad. Pwede ka ba ngayon?

To: Walang Jowa si Ivan

Pwede ako ngayon love, puntahan mo na lang ako mamaya.

From: Walang Jowa si Ivan

Thanks Love, I love you.

Napangiti na lamang ako at napailing ngunit kaagad din akong napabusangot ng marinig ang sinabi ng lalaking kinaiinisan ko ngayon.

"Yes, I can pick you up later." Saad nito at tuluyan na akong lumabas sa kanyang opisina. Pumasok na lamang ako sa aking opisina at umupo sa aking swivel chair. Napabuntong-hininga ako habang nakahawak sa aking dibdib.

I felt a pang on my chest while those words keep repeating in my head. Yes, wala namang kakaiba sa sinabi nito ngunit iba para sakin.

Bakit? Kasi kung ano kalamig ang boses nito at pakikitungo sakin ay ganun din kasaya ang boses nito habang kausap ang kung sino mang Poncio Pilatong iyon.

The Legendary King And QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon