Chapter 7

157 12 2
                                    

Hello, first update this month. Please vote and comments all your thoughts. Thank you!

SOLEMN'S POV:

Habang nakapikit ay naramdaman ko kaagad na may nakatingin sakin ngunit binalewala ko na lamang ito at natulog pa rin. Paki ko ba sa nakatingin, inaantok ako eh. Putangina kasing isip batang yun, nang dahil sa kanya ay hindi ako dinalaw ng antok kagabi.

Pumikit ako ulit ngunit kahit gusto ko pang matulog ay ginagambala ako ng nararamdaman kong nakakailang na tingin at nangunot pa ang noo ko dahil hindi na lamang isa ang nakatingin sakin kundi tatlo na. Tatlo?

Tamad akong bumangon at tumingin sa tatlong tukmol na nasa harapan ko. Kaagad akong napabusangot ng bumungad sa harapan ko ang nakangiting mukha ni Sacred, ang nakakunot na noo ni Tyrone at ang nakabusangot na mukha ni Irish.

Oo, nandito silang tatlo. Napairap ako sa hangin dahil dito.

"Anong ginagawa niyo dito?" Walang emosyong tanong ko at tumingin sa wristwatch na suot ko. "Nang ganito kaaga?" Dagdag ko pa at ibinalik sa kanila ang tingin ko.

"Well, since pumayag ka na sa gusto ko. Gusto ko sanang isama ka sa mall kasi bibili tayo ng mga susuotin mo sa opisina." Sagot ni Sacred at mas lalong lumaki pa ang ngiti nito.

I give him my bored look. "Mukha kang tanga sa mukha mo. Huwag ka ngang ngumiti." Balewala kong saway dito at tumayo na ngunit kaagad ring nangunot ang noo ko ng mag-iwas silang dalawa ng tingin ni Tyrone at halata pa ang pamumula nilang dalawa.

"Bakit kayo umiiwas ng tingin?" Tanong ko sa mga ito.

Hindi sumagot ang mga ito bagkus ay mas namula pa silang dalawa dahil sa tanong ko. Dahil wala akong nakuhang sagot sa mga ito ay tumingin ako kay Irish at tinaasan ito ng kilay.

Alanganin naman itong tumingin sakin at unti-unting tinuro ang parte na nasa dibdib ko kaya agad akong tumingin dito saka napatampal na lamang sa noo.

Nakalimutan kong hindi pala ako nagsusuot ng bra kapag natutulog.

"Bwesit! Labas!" Inis na sigaw ko sa kanilang dalawa dahilan para kumaripas sila ng takbo palabas.

Naiwan naman si Irish at alanganin akong nginitian saka lumabas na rin kasabay ng pagsarado nito ng pinto. Sandali nga, bakit ba nandito ang bruhang yun? Kailangan ba kapag secretary, laging kasama dapat ng amo?

Napairap na lamang ako sa hangin at pumasok sa banyo para maligo. Pagkalabas ay kaagad akong nagsuot ng hoodie, ripped jeans at black cap saka lumabas na.

Naabutan ko naman si Sacred na tahimik lang na nakaupo sa sofa habang nakayakap pa sa pandang ibinigay ko sa kanya.

"Alis na tayo." Walang emosyong aya ko dito.

Kaagad naman itong napatayo ngunit hindi ito nakatingin sakin. Para itong batang nahihiya dahil may ginawang kalokohan.

Napailing na lamang ako dito saka tumayo at nag cross arms sa harapan nito. Hindi pa rin ito tumingin sakin kaya naman ay tumikhim ako dito saka siya tumingin sakin ng isang segundo at umiwas ulit ng tingin habang namumula.

"Akala ko ba aalis tayo? Bakit ka ganyan ngayon?" Taas-kilay na tanong ko dito.

Umangat ang tingin nito saka napanguso. "Sorry po." Mahina ngunit malambing na panghihingi nito ng paumahin.

"It's okay. Huwag mo lang uulitin." Tugon ko dito. Tumango naman ito at mas niyakap pa ang stuff toy na dala.

Nakatingin lamang ito sakin ng malungkot kaya napabuntong-hininga na lamang ako saka ito hinawakan sa kamay at kinaladkad palabas.

The Legendary King And QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon