Hensely's POVNakita ko ang puting van na huminto hindi kalayuan sa akin. Tinignan ko ang plaka nito at natuwa ako ng malamang sya yun. Yung babaeng pumapakyaw sa paninda ko.
Nakita ko na syang bumaba mula sa van. Lumapit ito sa akin kaya ngumiti ako.
" Good Afternoon po, Ate. Kagaya po ba nung dati?"
Tanong ko. Malay nyo papakyawin na naman nya ang paninda ko.
Tumango si Ate kaya't sinimulan ko ng iihaw ang mga natira ko pang paninda. Lagi syang nagpupunta dito upang bilhan ang mga paninda kong naabutan nya. Lahat ng tira ay binibili nya.
Una kong inilagay ang natitirang 28 na isaw sa may ihawan.
Sunod ang 10 hotdog.
15 adidas.
6 na atay.
8 inihaw na laman
at 19 na tenga ng baboy.After 6789054321 years,natapos na din lahat.
" Php. 919 po lahat. "
Nakangiting sabi ko habang iniaabot kay Ate ang mga inihaw. Inabot nya ito mula sa akin at kumuha sya ng isang libo sa wallet nya. Susuklian ko na sana ito ngunit tumalikod na sya pabalik sa van.
" Ate, yung sukli nyo po."
Sabi ko. Alam kong narinig nya ako pero hindi na sya huminto. Pinanood ko syang sumakay sa van at dahan-dahang umalis.
Napakamot na lang ako sa ulo ko.
Sa loob ng dalawang taon na bumibili sya sa akin,never nyang kinuha ang sukli nya. Kung tutuusin ko yun lahat ay sa tingin ko,aabot ito ng 50,000 mahigit. Syempre di ko yun ginagasta,nakalagay lang yun sa isang malaking bag. Baka kasi mamaya maisipan nyang kunin yun eh,kaya lahat ng sukli nya ay itinatabi ko.
At sa loob ng 2 taon,di ko pa sya narinig mag salita. Oo bumubili sya sa akin pero di naman sya nagsasalita. Isinusulat nya lamang ang mga sasabihin nya sa papel.
Ewan ko ba dyan kay Ate, pipi ata.
Dahil ubos na ang paninda ko ay niligpit ko na ang mga lalagyanan ng ihaw. Saktong habang nag liligpit ako ay lumabas ng bahay si Kuya Harry.
Si Kuya Harry ay pinsan ko. 23 years old na sya ngayon. Sa bahay nila ako nakatira kasama ang Tita ko na mama ni Kuya.
Ang mama ko? Wag nyo ng tanungin. Mahirap hanapin ang wala. Bata pa lang ako ay iniwan nya na ako at iniwan sa puder ni Tita. Galit ako sa kanya dahil pinabayaan nya ko.
CHAROTTTTT! Asa namang iiwan ako ni Mama eh mahal na mahal ako nun. Nasa Palengke lang si Mama at namili ng panindahan para bukas.
" Iaayos mo na ba ulit yan,Hensely? Tulungan na kita."
Kinuha ni kuya Harris ang mga Tupperware mula sa akin. Binuhusan ko ng tubig ang baga mula sa ihawan.
" Pinakyaw ba ulit ni Ate ang paninda mo?"
Tanong ni kuya. Nailagay nya na sa loob ng bahay ang mga Tupperware. Kinuha nya ang di tiklop na lamesa at inilagay muna sa gilid.
" Opo,Kuya. Tsaka di naman nya kinuha ang sukli nya. "
Tinignan ko ang 81 pesos sa kamay ko. Mukhang may madadamay na naman sa sukli na inabandona ni Ate.
" Hanggang ngayon,palaisipan pa rin sa akin kung saan dinadala ni Ate ang mga isaw na iyon. Araw-araw syang bumubili. Di kaya sya nagsasawa? "
Maski ako ay nagtataka kung saan dinadala ni Ate ang mga isaw na iyon ngunit hindi ko na lang pinapaki alaman. Ang mahalaga ay hindi ako nalulugi.
" Siguro ay pinapakain nila sa street children o kaya ay binibigay sa mga bata sa ampunan. "
Yun talaga ang nasa isip ko. Andami naman kasi ng binibili nya at araw-araw yun. Di ba sila nagsasayang o nagsasawa?
" Tsk,tama na nga ang pag iisip na yan. Pumasok na tayo sa loob at magpahinga ka na. May pasok ka pa bukas."
Agad akong tumugon sa sinabi ni Kuya. Pumasok na kami sa loob at saka ako nagpahinga.
***
" Bestfrienddddddddd! "
Sigaw ng kaibigan kong si Janina pagpasok ko pa lang sa gate. Tumakbo ito palapit sa akin at dinamba ako ng yakap.
" Grabe naman makayakap,best. Dalawang araw lang tayong hindi nagkita eh."
Natatawang sabi ko. Sumimangot lamang si Janina. Hahaha! Ang cute talaga ng bestfriend ko.
Tumunog na ang bell. Agad kaming nag punta ng gym para sa flag ceremony. Napayuko nalang ako ng nakita kong nakatingin sa akin ang mga babae. Ang mga lalaki namang madadaanan namin ay lumalato sa akin na para bang ayaw na ayaw nilang madikit sa akin.
" Ok ka lang best? "
Tumango ako sa kaibigan ko kahit ang totoo ay nalulungkot ako. Sa tingin ko ay tatanda na akong dalaga dahil sa mga nangyari.
Nagsimula ang lahat noong bakasyon ng Grade 8 dalawang taon na ang nakalipas. Normal naman ang lahat bago yun. May mga nanliligaw sa akin,nakikipag-usap na lalaki at nilalapitan pa nila ko.
Hanggang sa dumating araw na tapos na ang bakasyon. May nagtangkang manligaw sa akin noon. Syempre pumayag ako. Pero pag tapos noon ay isang araw syang hindi nakita at noong nakita na sya ay umiiwas na sya sa akin at ni hindi man lang ako binalingan ng tingin.
Hanggang sa lahat na ng lalaking kumakausap sa akin ay isang araw na nawawala at sa tuwing bumabalik ay parang takot na silang lumapit sa akin. Mula noon ay wala na ni isang lalaki ang nagtangkang lumapit o kumausap sa akin. Tinatawag ako ng mga babae bilang “ ang babaeng may sumpa.”
Hayst. Nag aaral ako sa isang public school. Grade 10 na ako ngayon. I'm 16 years old. Masaya naman ako kahit na walang lalaki ang kumakausap sa akin, ang gusto ko lang naman malaman ay kung bakit nangyayari sa akin ito. Sana naman masagot na ang tanong ko.
" Dalian mo, bestfriend. Baka malate tayo sa Flag Ceremony at mapatayo na naman tayo sa stage."
Sabi ni Janina at hinatak na ako papuntang gym.
BINABASA MO ANG
His Obsession - COMPLETED
Romance" You're mine, little girl. Mine and mine alone."- Xzekiel Blood Konstantine Posted: December 19, 2019 Finished: April 14, 2020