His Obsession 13: Kiss

38.2K 1K 159
                                    


Hensely's POV

" Wooooooo! Party party."

Sigaw ni Rhea at Janina. Hayst! Tuwang-tuwa ang mga luka dahil kami ang nanalo sa pageant. Kanina pagkatapos ng announcement ay marami ang nagpa-picture sa amin. Feeling ko naman artista ko(^^)

" Wait lang guys, susunod na lang ako. Punta lang akong cr. "

Napagdesisyonan kasi naming pumunta kila Rhea para magcelebrate. Magluluto daw syang spaghetti.

" Sige! Dalian mo ah? Hintayin ka namin sa gate."

Sabi ni Janina. Tumango na lang ako at mabilis na pumunta ng cr. Kaninang kanina pa talaga ako naiiihi. Nakakakaba pala rumampa? Susko! Feeling ko bubuwal ako ano mang oras doon eh.

Pag pasok ko sa cr ay agad akong pumasok sa pinaka dulong cubicle. Alas-4 palang ng umaga pero medyo madilim na dito sa cr dahil napundi ang ilaw. Hindi naman ako takot dahil hindi naman. Ako naniniwala sa multo.

Maya-maya ay may narinig akong pumasok sa cr. Narinig ko ang yabag nitong huminto sa cubcle na katabi ng akin. Apat kasi ang cubicle dito. Huminto ang yabag pero hindi ko naman narinig bumukas ang cubicle na katabi ng akin.

Nananalamin siguro. Nagflash na ako ng cr at lalabas na sana ako pero may nag pasok ulir sa akin sa cubicle. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat.

" Hensely? Nandito ka ba? "

Narinig kong sabi ni Ian mula sa pinto ng cr. Sisisgaw na sana ako kaya lang ay nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.

" Wala dito, unggo. Baka sa kabilang cr sya nagpunta." Janina

" Wag mo nga akong tawaging unggo. "

Umalis na sila pero naninigas lamang ako sa kinatatayuan ako.

Gusto kong sumigaw at itulak ang lalaki pero ayaw kumilos ng katawan ko.

Ang lakas ngbkabog ng dibdib ko. Ang lalaking ito...

... Hinalikan nya ako.

Dilat na dilat lamang ako habang nakatingin sa mga nakapikit nyang mata. Hindi ko masyado makita ang buong mukha nya dahil sa lapit ng mukha namin.

" M-mr K-konstantine? "

Gulat na sabi ko ng ilayo na ng lalaki ang kanyang mukha sa akin.

" A-no pong g-ginagawa nyo? "

Nakatingin lamang sya sa mukha ko at ni hindi nagsalita.

Muli nyang inilapat ang labi nya sa akin. Parang sabik na sabik sya sa akin. Sinasabi ng utak ko na itulak sya at humingi ng tulong pero ayaw kumilos ng katawan ko.

Malumanay ang bawat kilos nya. Hinagkan ang bewang ko kaya't mas lalo akong napalapit sa kanya.

Naramdaman ko ang pag galaw ng kanyang labi. Nataranta ako kaya't sinubukan ko syang itulak ngunit hindi nya ako hinayaang maitulak sya.

Napagod ako sa pagtulak sa kanya at nakita ko na lang na sinasabayan ko ang bawat galaw ng labi nya. Hindi ko pa masyado alam ang gagawin dahil ito ang unang pagkakataong maramdaman ko ito.

Naramdaman kong kinagat nya ang pangibabang bahagi ng  labi ko. Napasinghap ako sa sensasyong dulot non. Naramdaman ko ang dilang nyang pumasok sa loob ng labi ko. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Pero isa lang ang nalaman ko...

...pwede ka naman palang lumipad kahit walang pakpak.

Para akong dinuduyan sa alapaap. Pakiramdam ko ay nakalutang ako. Halos 2 minuto na nya akong hinahalikan.

His Obsession - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon