His Obsession 43: His Tears

29.6K 674 83
                                    


Nagising si Xzeckiel sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nanghihina ang kanyang katawan at kumikirot ang kanyang ulo.

" L-love? "

He whispered. Kinapa nya ang gilid ng kama dahil hindi nya maimulat ng maayos ang kanyang mga mata dahil sa pagod.

Nang wala syang makapa ay mabilis syang napabalikwas ng bangon.

" LOVE? "

Bakante. Wala si Hensely sa kanyang tabi. Doon nya lang naalala ang lahat. Kidnap. Fleur.

' X-xzeckiel, h-happy b-b-birthday. M-masaya a-ako na n-nakilala kita. S-sobrang s-s-saya. '

' M-mahal k-k-kita. Mahal n-na m-mahal. P-aalam. '

" LOVE!!! "

Mabilis na bumangon si Xzeckiel. Kahit na masakit ang kanyang katawan ay pinilit nyang bumangon. Bumukas ang pinto at pumasok doon si Zianna na may kasamang nurse.

" Blood, bakit bumangon ka na? You need to rest.”

Mabilis na dinaluhan ni Zianna ang kapatid. Ang bilin ng kanyang mga magulang ay wag hayaang makalabas si Xzeckiel.

" Where is she? Where's my love? Are she safe? Is she here? Zianna tell me. "

Pinipilit ni Zianna na wag tumulo ang kanyang luha habang nakatingin sa kapatid. Matapang ito. Malakas. Pero sa mga oras na ito ay hindi nya makaya na nakitang nahihirapan ang kapatid.

" Zianna ano ba? SABIHIN MO SA AKIN KUNG NASAAN SYA. "

Ito ang unang pagkakataon na marinig nyang magtagalog ang kapatid. Kung sa ibang pagkakataon sana ito nangyari ay baka nagtatatalong na sya sa tuwa.

" B-blood, magpahinga k-ka mun--- "

Napapiksi si Zianna ng maramdaman nya ang mahigpit na hawak ni Xzeckiel sa kanyang mga braso. Pilit na ding pinapakalma ng nurse si Xzeckiel ngunit itinutulak sya nito palayo.

" WHERE IS SHE, ZIANNA? WHERE IS SHE? "

Bawal. Yan ang bilin ng kanyang ina. Gusto man nyang sabihin ngunit mas inaalala nya ang kalagayan ng kapatid nya.

Itinaas ni Xzeckiel ang isa nyang kamay. Dahil sa pagaakalang sasampalin sya nito ay ipinikit ni Zianna ang kanyang mga mata. Ngunit imbis na sampal, ay naramdaman nya ang yakap ni Xzeckiel. Hindi nya napigilang umiyak.

Matagal na nyang hindi nararamdaman ang yakap ng kapatid. Matagal na. Ramdam nya ang pagyugyog ng balikat ni Xzeckiel. Umiyak si Xzeckiel na parang batang inaway ng kalaro at nagsusumbong sa ina.

" S-sabihin nyo na k-kung nasaan sya. P-please, Ate."

Napahagulgol ng iyak si Zianna sa narinig. Ni minsan ay hindi sya tinawag na ate ni Xzeckiel kahit gaano nya kagusto. Ang sarap ng pakiramdam ni Zianna. Ang saya nya na tinawag sya nitong ate.

" B-blood."

Iniharap ni Xzeckiel si Zianna sa kanya. Kapwa sila umiiyak.

" Ate please. Where is she? Please. "

Zinna bit her lower lips. Huminga muna sya ng malalim bago tumingin sa mga nagmamakaawang mata ni Xzeckiel.

" N-nasa operating room pa sya. "



" Kaya nya ito Jerenaih. Kaya ito ng anak mo."

Pilit na pinapagaan ni Venus ang loob ng ginang. Maski sya ay nagihirapan. Iyak ng iyak ang mama ni Hensely. Maging ang kuya Harris nya ay hindi mapigilang mapaiyak.

Ngayon na nga lang sila muling magkikita, sa ganitong paraan pa?

" Ano pong nangyari? K-kamusta ang anak ko."

Nagulat ang lahat ng may lumabas na isang nurse. Tila nagmamadali. Bumalik din ito kaagad kasama ang isa pang nurse. Walang pumansin sa kanila at muling pumasok sa loob ng operating room.

" MOM!!! "

Nagulat ang lahat ng makita ang iika-ikang si Xzeckiel na tumatakbo papalapit sa kanila. Mabilis na dinaluhan ni Venus ang anak.

" B-bakit ka tumayo? You're not okay."

Inalalayan nya ang anak para maupo ngunit tila hindi mapakali si Xzeckiel ng makita ang malakas na palahaw ng ina ni Hensely. Mabilis syang naglakad papalapit sa operating room at tumabi sa ina nitong nakasilip sa loob mula sa labas.

Tila tumigil ang kanyang mundo ng makita ang nagyayari sa loob. Si Hensely. Na niririvive ng mga doctor.

" Clear. "

Tila isang palabas ang nararamdaman ni Xzeckiel. Pakiramdam nya ay nasa isang pinikula siya. Habang nakatingin sa tuwid na linya, sa pagtalon ng dibdib ni Hensely at sa bawat pag clear ng doctor.

Ilang beses pang sinubukan ng mga doctor ngunit walang nangyari.

" Time of death, 12:00 pm. "

Malakas na iyakan ang narinig sa pasilyong iyon. Tila wala ng ibang marinig si Xzeckiel kundi mga palahaw lamang. Nanlambot ang kanyang mga tuhod at tuluyang bumagsak.

Sa pagtatapos ng kanyang kaarawan, ay natapos din ang buhay ng kanyang minamahal.

" L-love, my lovely Hensely."

Then for the first time on his life. He hugged her mom and cried like a lost child.

His Obsession - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon