His Obsession 6: Tulong

43.1K 1K 13
                                    


Third Person's POV

Nakamasid lamang ang mga lalaki kay Hensely. Hinihintay nilang mawala ang mga kasama nito bago sila lumapit.

" Bye, guys. Mag-ingat kayo."

Nakita nila ang pag-kaway ng dalaga sa dalawang kaibigan. Sabay na umuwi si Ian at Janina dahil madadaan naman nila ang service ni Janina.

Nakangiting naglalakad si Hensely. Iniisip nya kasi na dahil sabay umuwi sina Ian at Janina ay baka madevelop sila sa isa't-isa. Hindi alam ni Hensely na malabo itong mangyari dahil sa kanya tumitibok ang puso ng binatang si Ian.

Nang mapansin ng mga lalaki na wala ng masyadong tao, agad silang lumapit kay Hensely.

Nakita ni Hensely ang paghinto ng van sa kanyang gilid. Bumukas ang pinto nito at mabilis syang hinigit papasok sa loob. Dumagundong ang puso nya dahil sa kaba at takot.

" TULONGGGGGGG! TULUNGAN NYO PO AKOOO."

Sigaw nya ngunit mabilis na pinaandar ng mga lalaki ang van. Umiyak si Hensely dahil sa takot. Sino ba ang mga ito? Tanong nya sa kanyang isipan.

" P-pakawalan nyo po ako. N-nagmamakaawa p-po ako sa i-inyo. Baka po nag-aalala na ang mama ko sa a-akin. "

Pilit na kumakawala si Hensely sa mga lalaki ngunit masyado syang mahina. Hindi man lang sya pinansin ng mga lalaki. Naramdaman nyang may nagtakip ng panyo sa kanyang ilong. Unti-unti syang na hilo at nanghina.

" Master, hawak na po namin sya."

Sabi ng lalaki at tuluyan na syang nawalang ng ulirat.

***

Hensely's POV

" So, the Demon's Princess are awake."

Nadako ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa sulok ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Madilim sa pwesto nya kaya't hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

" S-sino ka? N-nasaan ako? Pakawalan nyo ko dito."

Umiiyak na sabi ko. Nakita ko ang dalawang braso ko na nakakadena habang ako naman ay nakasalampak sa sahig.

" Not yet, lil'princess."

Sa pagkakataong ito ay nakalapit na sya sa akin at hawak nya ng mahigpit ang aking panga. Nakita ko ng malinaw ang kanyang mukha.

Hindi mo maipagkakailang gwapo sya. May luntiang mga mata. Maganda ang hubog ng nagiigting na panga at mapula ang mga labi. Kung hindi ganito ang sitwasyon ay baka humanga ako sa kanya ngunit hindi paghanga ang naramdaman ko kung hindi matinding takot at pangamba.

" Pakawalan nyo na po ako, pakiusap."

Tumulo ang aking mga luha. Pabalya nyang binitawan ang aking mga panga. Nakita ko syang kinuha ang isang pitsel mula sa lamesang di kalayuan sa amin ibinuhos nya ito sa akin.

Halos mamanhid ang katawan ko dahil sa lamig ng tubig na mula doon. Sunod kong naramdaman ang palad nitong sumampal sa akin. Nalasahan ko ang dugo sa aking mga labi. Dumaloy ang masaganang luha mula sa aking mga mata.

" I'll won't let you go. Not until I killed that devil. "

Wala na akong naintindihan sa mga sinabi nito. Nakita ko syang lumayo ng kaunti sa akin at inilahad ang kanyang mga kamay.

Inabot sa kanya ng isa nyang tauhan ang isang telepono . Narinig ko ang pagring noon.

" What do you need this time, motherfucker."

Narinig ko ang isang boses mula sa kabilang linya. Malamig ang kanyang boses at halata sa mga boses nito na makapangyarihan sya.

May naramdaman akong pumaso sa aking hita kaya't napahiyaw ako sa sobrang sakit at lumakas ang aking pag iyak.

" You heard that, asshole? "

Tumawa ng malakas ang lalaki.

" Your precious girl is with me. Don't worry, we are just playing."

Ngumisi ito at lalo syang nag mukhang demonyo. Precious girl? Sino ang kausap nya sa kabilang linya.

" FUCK YOU, FLEUR. DON'T YOU DARE TOUCH MY GIRL."

Galit na sigaw mula sa kabilang linya. My girl? Ngunit hindi ko sya kilala? Siguro ay namali lang ng kuha ang mga ito at napag-kamalang ako ang dapat nilang kukuhanin.

" Ow! But I already did? Don't worry, asshole. I won't kill her."

Tumingin ito sa akin at ngumisi.

" Yet. "

Nagtaasan ang mga balahibo ko. Ibig sabihin ay may balak syang patayin ako? Hindi ako makapaniwala na ng dahil sa isang pagkakamali ay magwawakas ang buhay ko.

" YOU MOTHERFUCKER, LEAVE HENSELY ALONE."

Hensely? Ako? Ako ba talaga ang kikidnapin nila? O kapangalan ko lang? Nagulo ang aking utak dahil sa narinig ko. Kung ako talaga ay bakit wala naman akong kilala sa kanila? Anong kinalaman ko sa mga nangyayari?

" You wanna play the hero, asshole? Come and save your princess. Don't you dare bring your knights with you or I won't think twice to slice her beautiful neck. "

Naiyak ako lalo sa takot. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Pero kung sino man ang kausap nito ay sana pumunta sya at iligtas ako. Marami pa akong pangarap sa buhay at isa na doon ang bigyan ng magandang buhay ang aking mama.

Hindi ko na narinig pa ang sunod nilang paguusap. Naramdaman kong may nag takip ng duck tape sa aking bibig.

Lumapit sa akin ang lalaki at hinawakan akong muli sa panga.

" I pity you so much, lil' princess."

Sabi nito ngunit kabaliktaran naman ang sinasabi ng kanyang mga expresyon. Puno ng galit, pananabik at kasamaan ang kanyang mga mata.

Gustuhin ko mang sumigaw ngunit wala akong magawa. Nakatakip ang aking bibig at nanginginig na ako sa takot.

Nagulat ang lahat ng biglang kumalabog ng malakas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang isang matikas na lalaki. Kahit sa ganitong sitwasyon ay nagawa ko paring matulala sa kanya. Parang bigla na lamang nawala ang takot ko. Tumingin sya sa akin at halo-halong emosyon ang nakita ko sa kanyang mata.

Galit, lungkot, saya at pag aalala.

" Give her to me, Fleur."

Matigas na sabi nito sa lalaking nasa likudan ko.

" Let's play first, Konstantine."

Konstantine? Sino ka?

His Obsession - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon