His Obsession 39: His Laugh

23.8K 730 62
                                    

Hensely's POV

Nagbibihis ako ng pang swimming ng may kumatok sa pinto. Pumasok si Janina na nakabihis na. Nakasuot ito ng pulang sando at cycling shorts. Hapit na hapit sa katawan nya ang kanyang suot kaya't kitang-kita ang hubog ng katawan nya. Sexy talaga ng bestfriend ko.

" Bakit naman ganyan ang suot mo besh? Mukha kang mag zuzumba."

Natatawang sabi ni Janina. Humarap ako sa salamin at tinignan ang suot ko. Naka oversized white t-shirt ako at black leggings. I pouted. Nakakaasar kasi si Xzeckiel. Ang gusto ko sanang suutin ay cycling shorts at spaghetti strapped sando pero pinagalitan ako.

" Hayaan na nga. Tara na sa baba. Baka ubusin na ni unggoy lahat ng barbeque sa baba. "

Kumunot ang noo ko.

" Nandyan si Ian? Bakit hindi ko naman sya nakita sa baba kanina? "

Hinatak na ako ni Janina pababa.

" Kakarating lang kasi nya. Hahaha."

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan pero sabay kaming napahinto ng makita namin si Xzeckiel na paahon sa swimming pool. Naka itim na t-shirt ito at swimming trunks pero bagay na bagay parin sa kanya. Hindi ko maiwasang mapalunok ng magawi ang tingin nito sa akin. He smirked at me and started walking papunta sa amin.

" Besh, laway mo tumutulo. Pakisara naman ng bibig please."

Wala sa sarili kong hinawakan ang gilid ng labi ko. Inis na hinampas ko si Janina habang sya naman ay parang mamamatay na sa kakatawa. Lestse talaga. Wala naman eh.

Nakita ko si Xzeckiel na nakatayo sa harap ko. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa sabay tinapik ang ulo ko.

" Good."

I pouted. Naalala ko na naman yung suot ko. Lahat sila sexy tas ako lang yung mukhang mag zu zumba dito.

Nagulat ako ng bigla nya akong halikan sa labi. Narinig ko ang kantsyawan ng mga kaklase ko. Hindi ako nakagalawa at nanlalaki ang matang tumingin kay Xzeckiel. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Yung tibok ng puso ko parang si Naruto na. Times two, times two, times two.

" Don't pout. I might forget that we are celebrating your friend's birthday and just kiss you the whole damn day. "

Hinampas ko sya sa braso. Bago nag takip ng mukha. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Bwisit.

" TAMA NA ANG PDA!! LET'S GO. SWIMMINGGGGGGGGGG! "

Narinig ko ang hiyawan ng mga kaklase ko. Sabay sabay silang tumalon sa tubig. Nagulat ako ng hatakin ako ni Janina at itinulak sa tubig. Tawa sila ng tawa. Napangiti ako ng makita ang saya sa mukha ng mga kaklase ko  pero agad din napawi ng makita ko ang madilim na mukha ni Xzeckiel.

" Get. off. the. water. now.! "

Madiin na sabi ni Xzeckiel. Nagtataka man ay umahon ako sa pool. Ako lang yata ang nakarinig sa kaniya dahil tuloy lang sa pagsasaya ang mga kaklase ko.

Nanginginig akong umahon sa pool at nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Xzeckiel papasok sa bahay.

" Besh. Saan kayo pupunta? "

Narinig kong hiyaw ni Janina pero dire-diretso lang sa paglalakad si Xzeckiel. Nasa tapat na kami ng cr at laking gulat ko ng maghubad sya sa harap ko. Iniabot nya sa akin ang black T-shirt nya at tinulak ako papasok sa cr.

" Wear that. Now."

Wala sa sarili akong napapasok sa cr at mabilis na nagbihis. Wala pang 10 seconds ay nakalabas na agad ako.

Hinatak ako ni Xzeckiel at sinandal sa pinto ng CR. Seryoso syang nakatingin sa akin.

" Next time, don't wear red bra if you're wearing white t-shirts. Fuck. I don't know what can I do if they look at you. "

Iniwas ko ang tingin ko. Nahagip ng mata ko ang tattoo ni Xzeckiel sa dibdib. Dahil nga mas matangkad sya sa akin ay kitang-kita ko ang tattoo nya.

Faith

Hindi ko alam pero parang nasura ako ng makita ang tattoo nya sa dibdib. Sino si Faith?

" Ahmmmm, s-sino si Faith? "

Kinakabahang tanong ko. Hindi na ako nakatiis na hindi magtanong. He looked at me with his cold eyes.

" The hell you care? "

I was shocked. Ito ang unang pagkakataon na ginamit nya sa akin ang ganoong tono ng pananalita. Kinagat ko ang dila ko para pigilin ang luha ko bago nagsalita.

" W-wala naman, natanong ko lang. S-sige, una na ako. Baka h-hinahanap na ako ni Janina. "

Hindi ko na sya hinintay magsalita at mabilis ako tumalikod sa kanya. Sino ba yung faith na yun?

" Oh? Besh? Saan ka galing? Tara na dito kumain tayo ng barbeque."

Ngumiti ako sa kanila at tumabi na lang kay Janina. Nakita ko si Xzeckiel na naglalakad palapit sa amin. Wala syang karea-reaksyon pero may nakikita akong amusement sa kanyang mata.

Mabilis akong umiwas ng tingin at tinuon na lang ang pansin sa barbeque na hawak ko. Naramdaman ako ang pagtabi sa akin ni Xzeckiel.

" You're asking me who is Faith, right? "

Bulong sa akin ni Xzeckiel. Hindi naman kami pansin ng mga kaklase ko dahil busy sila sa pagiihaw at pagkain ng barbeque. Nakita ko pa si Janina at Ian na naghahampasan ng sandok.

" Ok. I'll answer your question but answer mine first."

This time. Napaharap na ako sa kanya. Seryoso syang nakatingin sa akin.

" What's your name?"

Kumunot ang noo ko. Ano ba namang klaseng tanong yan?

" Bakit kai---"

" Just answer my question."

He seriously said.

" H-hensely. "

I answered avoiding his gaze. Bakit ba kasi kailangan pa yun itanong?.

" Your whole name? "

Kunot-noo akong tumingin sa kanya.

" Ano namang kinalaman ng tanong ko sa mga tanong mo? Tinatanong ko lang naman kung sino si Fai---."

" Just answer."

He said. I saw amusement in his eyes. Problema nito?

" Tsk. Hensely Faith G. Pastra---"

Agad nanlaki ang mata ko.

" Pffffffttttttt. HAHAHAHAHA, I can't believe this. HAHAHAHAHA, you're jealous at your self? HAHAHAHA."

Faith. That's me. My second name.

Pero hindi lang yung ang nakapag pa gaan bg pakiramdam ko. This is the first time I saw Xzeckiel laughing.

Hindi ko alam pero napangiti nadin ako. His laugh is the most beautiful music I ever heard.

His Obsession - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon