Hensely's POVIsang linggo na ang nakalipas mula noong pumunta ako sa palasyo ng mga Konstantine. At hanggang ngayon, naguguluhan parin ako sa mga nangyari.
.
.
.
FlashbackHinatak lang ako papaakyat ni Mr. Konstantine. Huminto kami sa harap ng isang itim na pinto.
Mabilis nya akong hinatak papasok. Kung hindi ako nagkakamali ay kwarto nya ito dahil sa isang malaking portrait na bubungad sayo pagkapasok mo sa loob. Pinaupo nya ako sa itim na kama. Pinunasan nya ang luha ko at hinalikan ako. Marahan ang bawat dampi ng labi nya sa akin. Alam kong mali ang tumugon lalo na't may asawa na sya pero di ko alam sa sarili ko kung bakit ako tumutugon.
Huminto sya sa paghalik sa akin at hinawakan nya ang kamay ko.
" B-bakit mo sinabing t-tinago n-nila ako? S-sino ka ba talaga a-at paano mo ko nakilala?. "
Gulong-gulo ang isip ko. Lalo na ng sinabi ng babaeng nahanap ako ni Mr. Konstantine.
" I'm gonna tell you everything you wanna know, my love. But, you're not ready yet. "
Magsasalita pa sana ako kaya lang ay biglang nagring ang telepono nya.
Nagpaalam sya sa akin saglit. Mukhang importante ito dahil biglang kumunot ang kanyang mga noo at lumamig ang mga mata nito.
Lumabas sya sa kwarto at sinabing wag akong lalabas habang hindi sya bumabalik. Sinunod ko ang sinabi nya, hindi ako lumabas dahil takot din akong makita ang asawa nya. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto nya at nahagip ng mata ko ang isang wedding book.
Kinuha ko ito at nakita ko ang litrato nila ng babae kanina. Ang ganda nito sa kanyang wedding gown. Binuklat ko pa ang wedding book kahit ang totoo ay parang nasasaktan ako kapag nakikita ko ang mga ito.
Sa bawat litrato ay hindi ko nakitang ngumiti si Mr. Konstantine at ang babae. Wala rin silang litrato na mag kalapat ang kanilang mga labi.
Bumukas ang pinto. Akala ko ay si Mr. Konstantine ang pumasok ngunit laking gulat ko ng makita ang babae. Mabilis akong napatayo. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dalawa kong braso.
" H-how did he found you? Did Harris and Nana Jerenaih knows about this? "
Namumutlang tanong nito sa akin.
" P-paano nyo p-po nakilala si K-kuya Harris at s-si M-m-mama? "
Hindi nito sinagot ang tanong ko. Namumutla syang nakatingin sa akin at halata ang takot sa kanyang mga mata.
" You need to hide, Hensely. Goshhhh! Mom should know about this. "
Gulong-gulo na ang utak ko. Hindi ko alam ang mga sinasabi nya. Bakit kailangan kong magtago? Bakit nya kilala si Mama at kuya Harris.
BINABASA MO ANG
His Obsession - COMPLETED
Romantik" You're mine, little girl. Mine and mine alone."- Xzekiel Blood Konstantine Posted: December 19, 2019 Finished: April 14, 2020